XV

194 10 0
                                    


KAINAS'S POV

Wednesday na at start na nung laro nila Chezka at Bella. Hindi ko tuloy alam kung saan pupwesto, inaalala ko kasi yung pangungulit ni Bella na manuod ng Game nya. Pero si Chezka kasi ang sinusuportahan namen ngayon ni Kastine, maliban siya yung endorser namen siya din kasi yung nagbigay ng Ticket sakin.

Nung makaupo na kame nakita agad ako nung Manager ni Chezka at niyaya nya ako kung pwede daw kame makapag usap kaya pinuntahan ko siya.

As usual tinatanong nya pa din ako kung gusto ko pa daw ba mag Host, ang sabe ko naman sakanila titignan ko. Pero ang gaga sinama nya ako sa mga commentators ng Volleyball, pinaupo nya ako malapit don.

"Hi Shammy, this is Kaina yung kinukwento ko sainyo na magaling magsalita na pwedeng maging Host natin. Kaina this is Shammy, and yung team nya." ngiting sabe ni Sydney

"Hello Kaina. I am Shammy and my team" sabay turo sa mga Kasama.

"Hello po" ganting sabe ko

"So nasabe nga netong si Sydney na magaling ka daw magsalita at pwedeng maging Host. Gusto ko lang sana malaman if interested ka sumali sa Team namin?" ngiting tanong nya.

"Actually wala akong experience sa ganyan bagay kaya I don't think babagay sakin ang mag host. Pasensya na po ha?" ngiting pahumanhin ko.

"Hindi Okay lang. Wala kasi yung kasama ko na Host, dahil biglang nag ka emergency sa Probinsya nila kaya Umalis. Wala pa akong nakikitang kapalit kaya nagpahanap ako kay Sydney." ngiting sagot nya.

"Ganon ba? Bakit hindi nalang si Sydney ang kunin mo?" ngiting tanong ko.

"Hindi kasi pwede si Sydney dahil Manager siya ng Ibang Volleyball players dito. Siya nga una kong naisip kaso Bawal."

"Sige po. Pag isipan ko muna kung tatanggapin kopo yung alok nyo or hindi po"

"Please Kaina. Kahit hanggang ngayong Championship lang. Sana makapag isip ka, Balikan mo ako ha? Kapag naisipan mo na mamaya" ngumiti sya sakin at niyakap ako.

"Okay sige po. Thank you"

Hinatid pa ako ni Sydney sa upuan ko kanina, baka daw magalit sakanya si Chezka dahil kinuha nya ako tapos hindi man lang ako binalik. Sabe ko nga sakanya wag na dahil babalik nanaman ulit siya sa pwesto ng mga Commentators.

Pagkaupo ko kung saan kame nakapwesto kumaway samin si Chezka at nilapitan kame.

"Hi Kaina, Thank you for Coming. Tsaka dito sa Banner, gagalingan namin" ngiting sabe nya.

Ngumiti lang ako umupo siya saglit sa upuan namen, nagsigawan tuloy yung mga fans nya. Pagtingin namen sa Malaking monitor na nasa gitna ng Court siya pala yung nasa big screen at kasama nya ako.

Kaya naman pala nagsigawan, baka natutuwa sila dahil lumapit si Chezka sa mga Fans nya. Pero samin lang kasi siya lumapit, at hindi naman ako Fan ng Volleyball. Hinayaan ko nalang siya nakipagkwentuhan sa kapatid ko. Umalis nalang siya nung mag start na yung Laban nila.

Nung first set na namangha nalang ako bigla sa lakas ng palo ni Bella. Pati yung depensa nila sa kalaban magaling din. Magaling yung setter nila na si Pamela, alam nya kung kanino dapat iset ang Bola.

Ang kaso ang gaga natamaan ng bola sa mukha na talo tuloy sila sa first set.

Nag alala nga mga Fans nila kasi parang sobrang sakit ng tama ng Bola sa mukha nya kaya nilabas muna siya at pinaupo sa Bench nila.

Nung second set na ganon pa din malakas pa din yung palo ni Bella tuwing ipapasok siya. Ngayon sila bumawi nung pumasok siya ng second set. Kapansin pansin din ang pag bago bago ng expression nya. Ang cute ng mukha nya pag nag sasalubong. Ang Ganda nya kapag nakangiti at tumatawa.

ACCIDENTALLY BUMP INTO YOUWhere stories live. Discover now