KABANATA DALAWA

539 10 0
                                    

Warning: Content is R-18

"May gagawin pa kasi ako Anna, 'tas kailangan kong tapusin to ngayon. Una ka na lang sa pag uwi."

"Sure ka ba? Okay just go home agad after doing that!" tinanguan ko siya at nakipag beso beso sa kaniya bago niya nilisan ang lugar dito. Muli akong sumandal at strinech yung mga kamay ko bago ulit simulan ang mga gawain ko, unti unti naring nawawala yung mga ka office mate ko dahil sa late na ang oras. Nagpaalam naman ako sa kanila pag nagpapaalam sila sakin para umalis na.

"Andami pa nito!" Reklamo ko at isa isang tinignan ang mga folder, napapikit ako at bumuntong hininga. Selesten kaya mo to kailangan mo tong tapusin ngayon. Wala na akong sinayang na oras at sinimulan na ulit ang trabaho.

Magtatatlong oras na ako pero di ko pa rin natapos ang mga tambak na folder na nasa lamesa ko. Hihintay ko nalang itong print at dadalhin ko nalang sa bahay yung iba para maka uwi na ako, madaling araw na kasi.

"Ms. Velasquez."

"MAMA MO BLUE!" Bigla kong sigaw dahil sa gulat sabay hawak sa may dibdib ko, humingal pa ako bago inis na tinignan yung nagsalita "Kailangan manggulat?!"

"S-sorry Ms. Velasquez." pinakalma ko muna yung sarili ko bago tumingin ng maayos sa kaniya.

"O-okay lang hehe, a-ano po pala yung kailangan niyo?"

"Pinapatawag ka po ni Sir Vlad sa office niya." Di ako nakapag salita sa sinabi niya, hindi parin siya umuwi? I don't like my thoughts why he called me at this time.

"B-bakit daw?"

"Sabi lang niya sakin na papuntahin ka sa office niya." Bakit kaya niya ako papuntahin, napatingin ako sa bintana ng building.

Madaling araw na. Pumikit ako at ngumiti bago tumango sa lalaking yun, tumango din naman siya at umalis na. Pinapunta? Nadagdagan ang kabang nararamdaman ko, ba't niya ako pinatawag sa oras na to at bakit alam pa niyang nandito pa ako?

Napailing nalang ako at inayos yung damit kong nalukot dahil dun kanina pero inis kong natampal yung sarili ko nang napansing sobrang ikli ng pencil uniform na suot ko ngayon. Bat ito pa? Alam kong may mangyayari kaya inihanda ko na yung sarili ko, sana maiwasan ko.

Dahan dahan akong lumabas sa elavator nung narating ko na ang floor kung saan yung office ni sir, kanina pa ako patalon talon at shina-shake ang mga kamay ko para mawala yung panginginig pero hindi epekto. Nasa labas pa lang nga ako sa office niya mukha na akong matutumba, pano pa kaya pag nasa loob na. Nanlalamig narin ako ng sobra diko alam kung ano yung dapat kong gawin, nawawala na ako sa katinuan.

"Woaah kalma selesten baka may kailangan lang, wag ka nalang mag isip ng kung ano-ano, naprapraning ka lang." muli akong bumuntong hininga bago kumatok.

"Come in!" napalunok akong napabuntong hininga at agad pinihit ang door knob papasok, agad sumalubong sakin ang lamig ng aircon sa loob ng office niya at nakita ko siyang nakayukong may ginawa sa lamesa. At sa muli pagkakataon, nakita ko ang couch kung saan namin ang ginawang kababalaghan na iyon, agad kong winaksi ang isipan na yun sa utak ko at inis na iniwas ang tingin sa gawi dun.

Napansin ko din na sobrang stress ito dahil sa itsura, medyo magulo ang buhok pero lumalang parin ang perpektong kurba ng mukha. Napalunok akong lumakad papalapit bago magsalita.

"P-pinatawag niyo daw po ako Sir?" Nakita kong napatigil sa pag susulat si Sir at dahan dahan inangat ang tingin niya sakin, agad nagkatagpo ang mga mata namin, iiwas na sana ako pero napako yung tingin ko sa kaniya kaya wala akong magawa kundi ang lumunok.

Nakita ko siyang tumayo tyaka naka pamulsang naglakad sa harap ng lamesa niya at sumandal duon. Napansin kong patago siyang napadila sa pang ibabang labi niya at hindi ko alam kung bakit sumagi pa talaga sa isip ko na ang gwapo niya sa pormang yun.

Mr. CEO (UNDER HEAVY EDITING)Where stories live. Discover now