Chapter 20: Is it jealousy?

68 0 0
                                    

CHENANIAH XYRAHʼS POV

“Excuse me!” Isang pamilyar na boses ang aming narinig kayaʼt kaagad kong inilayo ang aking sarili sa pagkakayakap ko kay Khiel at Naniel dahil sa pagkabigla. “Is this a motel for you, Ms. Ricafrente?!”

“M... M-Mr. Villaruel,” pangungutal ko sa kaniya. “C... C-Crystal.” Pansamantalang sinulyapan ko siya na hindi maipinta ang mukha.

“I am asking you, Ms. Ricafrente! Do you considered my company as motel for you to flirt each other?!” Napayuko na lamang ako dahil sa bulung-bulungan ng mga empleyado na nagsisipadaanan.

“It is a misunderstanding, Zyckiel. Donʼt think too much,” pananawsaw ni Khiel sa usapan namin kaya hinawakan ko na lamang ang kaniyang kamay.

“Khiel, itʼs fine. Ako na ang bahala.” Pinagmasdan ko siya, saka ngumiti nang peke.

“Hello, Kuya Raze. Masaya ako dahil muli tayong nagkita.” Dali-daling niyakap ni Naniel si Raze kaya muntikan nang malaglag ang aking panga.

“N... N-Naniel,” kalmado kong suway sa kaniya.

Akmang pipigilan ko sana ito, ngunit, hinablot ni Khiel ang aking kamay. “Donʼt stop him, Chenaniah. Their friends.” Kininditan naman ako ni Khiel kaya napatuon ang aking mata kay Crystal na walang bahid ng kalungkutan ang mga mata.

“It was nice seeing you, again, Naniel.” Mahigpit na niyakap ni Raze si Naniel, saka kinarga iyon. “I miss you, kid.” Bumuhos ang luha nilang dalawa na pinagtaka ko.

Are they too friends?

“Kuya Raze, pasensiya na kung nakita ninyo ni Ate Crystal ang aming yakapan kaninang tatlo sa labas ng iyong kompanya,” paghihingi ng paumanhin niya sa harapan mismo ni Raze at Crystal.

Nagtagpo ang mga mata ni Raze at Crystal, ngunit, kaagad na umiwas si Crystal, saka tumingin saan-saan. Napalunok na lamang si Raze habang pinagsisilbihan ng keyk at dyus ang bata. Pansamantalang pinatuloy kami ni Raze sa kaniyang opisina kasama si Khiel.

“Hindi namin sinasadya na gawin iyon sa labas, sana hindi kayo magalit kay mommy at daddy, Kuya Raze.” Nabilaukan naman si Crystal sa iniinom niyang gatas.

“Mommy and daddy? Itʼs confirmed! They are a family!” bulong ni Crystal. “I am sorry, the milk is too sour!” pagsisinungaling niya.

“The milk may probably sweetened or unsweetened, but it is impossible for the milk to became sour, Ms. Crystal,” komento ni Khiel kay Crystal kaya napatuon ang atensiyon namin sa kanilang dalawa.

“Are you playing with me, Mr. Khiel?”

“No, I am not. I am being honest with you. I am just explaining to you that milk should not be sour because—”

“Shut up.” She smiled playfully and calmly. “Thatʼs enough!” suway niya.

“Napipikon ka ba, Crystal?” Napangisi na lamang si Khiel kaya nagtagpo ang dalawang kilay ni Crystal.

“I said shut up!” Unti-unti nang napipikon si Crystal at tumaas ang boses nito. “My milk will be  too sour if you are not going to stop talking in front of me.”

“Are you sure?” pang-aasar na paninigurado niya sa kaniya. “I think, your milk will be too sweetened because of me,” karagdagan na pang-aasar niya.

“Khiel, tama na. Mahiya ka naman,” palihim kong bulong sa kaniya.

“Pasensiya ka na, Ate Crystal.” Nangingiyak na pinagmasdan ni Crystal ang bata. “Ganiyan talaga si daddy, mahilig mang-asar sa mga babae.” Hinawakan naman ng bata ang kamay ni Crystal.

Love Revenge Game #Mus-alonlymAward20Where stories live. Discover now