Chapter 2

2 0 0
                                    

Czanne Pov

Pagdating ko sa bahay na tinutuluyan namin ay dumeritso na kaagad ako sa taas, sa kwarto ko. Kahit nasa iisang bahay lang kami ay magkaiba parin ang kwarto namin.
Wala naman akong problema dun mas gusto ko nga ito para na rin may privacy.

At hindi pa naman kami kasal parang live in lang kami, at kahit ipakasal man kami ay hindi rin naman sya papayag. Hindi ko rin alam kong anong sense ng lahat ng ito nung una kasi hindi naman kami magkasintahan o ano pa man. Aksidente lang naman yung nangyari ngunit tulad nga ng sabi nila Mama at parents niya na subukan daw muna namin baka magwo-work kami as a couple kaso yun nga..
Hindi.

Kinuha ko ang maleta ko at inilapag ito sa kama at nagsimula ng ilagay doon ang mga damit ko.
Matagal-tagal ko na rin itong gustong gawin kaso hindi pumapayag sila mama na umuwi ako. Lagi nilang sinasabi na habaan ko daw ang pasensya ko kasi bago pa lang naman kami.
Yun na nga kasi ang problema wala naman kasing 'kami' kaya ang hirap.
Gusto ko si Ian, Oo pero hindi naman ako tanga.

Pagkatapos kong maipasok lahat ng damit ko ay isinilid ko na rin yung ibang gamit na kakasya pa doon bago tuluyang isinara.

At yung mga libro, notebook at iba pang gamit ay inilagay ko sa isang bagpack.
Pati narin yung sandals at sapatos at iba ay ay niligpit ko na rin.

Pagkatapos kong tupiin ang ng maayos ang kumot sa kama ko ay tinignan ko muna ang kwarto ko. Malinis na wala na akong nalimutan siguro mainam na rin ito, na umalis na ako. Ano pa bang gagawin ko dito sa bahay na ito eh' alam ko namang hindi talaga kami magwowork.

Tsaka 3months na kaming nagbabahay-bahayan. Sapat na siguro yun para marealize nila na tama na. Nakakapagod din kaya, akala ko nga one month lang pero na extend ng dalawa at ngayon tatlo na.

Ayaw ring mag give up ng parents namin eh' akala nila hindi namin nahahalata.
Kaya galit na galit si Ian sa akin dahil palagi nalang kaming sine set-up ng parents namin at ako ang palagi niyang pinagbibintagangan na nanunulsol sa parents namin. The heck?!
Biktima rin ako at ako ang nawalan hindi sya. Ang tanga lang.

Hinila ko na palabas ang mga gamit ko at isinukbit ang bag sa balikat ko. This is it!
From now on, hindi na ako magbubulag-bulagan. I need to move forward at kalimutan lahat para sa ikabubuti ng puso ko. Tama!

At ng tuluyan na akong makalabas sa gate ay pumara ako ng tricyle at ikinarga ang mga gamit ko.

"Sa Ferrera street po" wika ko sa tricycle driver.

Hindi na ako lumingon pa sa bahay namin. Para saan pa?
He wouln't care like he always does.

‐------

UNWANTEDWhere stories live. Discover now