Chapter 13

0 0 0
                                    

Czanne Pov

Bumalik na rin ako sa pag aaral pagkatapos ng isang linggong pahinga.
At dahil hindi pa naman lumalaki ang tyan ko kaya kumasya pa ang uniform ko.

I acted like nothing happened habang naglalakad ako papasok sa University.
I ignore everyone, na nakatingin sa direksyon ko.

Kumalat narin kasi ang nangyari sakin like nag attempt akong mag suicide. Diba? kaya lahat ng mga mata ng mga estudyante ay nasa akin.

Like they pity me, hindi ko lang alam kong pati rin ang pagbubuntis ko ay alam na nila. Kinakabahan parin ako kung sakali.

"Zane!" Hysterical na sigaw ni Maicy ng makita niya ako at agad sinalubong ng mahigpit na yakap.

"Okay ka lang ba? Kailangan mo ba ng kausap? Tell me?! Masakit parin ba? Sana di kana muna pumasok at baka mabinat ka!" Natatarantang saad nito at tinignan ang kabuohan ko at sinuri.

Bigla akong nakaramdam ng inis. Sino ba kasi ang nag kalat nito, napaka insensetive.
I mean i nearly get myself killed pero .. privacy sana. At hindi ko naman intensyon yun.. hindi nga ba? I was clouded with emotions that time at wala ako sa tamang pag-iisip! It's.. still, entirely my fault.

"Oa mo. Hindi ako nagsuicide, Sinong nag chismis niyan?" Nilakasan ko talaga ang boses ko para marinig ng mga marites.

Well hindi naman talaga.. it was an impulsive act but I didn't mean it at may rason yun, na hindi na nila kailangan pang malaman.

Nanlaki naman ang mga mata ni Maicy at nagsimula ng manubig.

"But they said.." I cut her off.

"Hindi totoo ang tsismis. Let's go" at hinila na sya papasok sa room namin.

Agad akong umupo sa upuan ko katabi si Maicy na hindi parin nahimasmasan.
Kita ko ring napatigil lahat ng kaklase ko at nakamasid sa akin. Kaya tumayo ako at tinignan lahat ng kaklase ko.

"I din't. Nadulas ako sa Banyo namin at aksidenti akong nakakapit sa matulis na bagay kaya nahiwa nito ang pulsuhan ko. " pag e'explain ko at kaniya- kaniya naman silang nag iwas ng tingin.

"B-but they said it was because you're p-pregnant, kaya mo yun ginawa. I mean totoo ba yun?" Lakas loob na tanong ni Chelsea, Dakilang Marites.

Nagulat ako sa tanong nito pero hindi ko nalang ipinahalata. Hindi pa ako handa sa tanong na ito. Nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko ba sa kanila o hindi. Nang Bigla kong naalala si Ian at umiling.

"Mukha ba akong buntis?" Saad ko na ikinatahimik niya bago umupo sa upuan ko.

Sh*t, Paano kumalat na buntis ako?!
Napatingin naman si Maicy sa akin nang may awa.

"Wag mo na lang silang pansinin." Mahinang saad nito at tinanguan ko lang ito.

Wala akong balak sabihin sa kanila ang totoo. Para ano? Pagpyestahan ako? At alam kong magtatanong sila kung sino ang nakabuntis sa akin at malaking problema yun. At Tsaka hindi ko pweding si Ian ang ama. Para naman akong desperada kong ganun.

Napabuntong hininga nalang ako, siguro titigil nalang muna ako sa pag aaral at magstay sa bahay. Hmm pwedi ko ring palabasin na nagtransfer ako sa ibang school.. bahala na.

-----

UNWANTEDWhere stories live. Discover now