Chapter 41

5.4K 160 14
                                    


HELL'S POV

Nakakailan ka na Lucirus! Nagtitimpi akong patulan Ang freezer nato na prenteng nakaupo na pang isahang sofa na  kaharap ng inuupuan ko!

Kalmado siya habang ako nanggagalaiti na sa galit!

"Arhg!" napasabunot ako sa sarili Kong buhok. Sobrang kahihiyan Ang inabot ko kanina! Hinalikan niya ako sa harap ng magulang niya na siyang hari at reyna ng lupang tinatapakan ko ngayon. Kagaya ko ay gulat din sila at nagmamadaling umalis!

Mas lalo akong naiinis dahil tahimik Lang siya. Nagteleport nalang ako pabalik sa palasyo.

Pagkadating ko dun ay nilapitan ako ni ate Yula at sinabing dumeretso na raw ako sa hapag dahil andun na daw Ang lahat at may bisita ako.

"Sebastian..." siya pala Ang BWISITa ko.

Puno Ang bibig niya ng pagkain. Hay. Anong klaseng headhamster toh? Ang baboy kumain parang di nakakain ng isang taon.

"Anong kailangan mo sakin, Sebastian?"

"Ahukk! Let's talk in your room, it's Private." seryosong Sabi niya pagkatapos niyang mabulunan. Napaikot nalang ako ng mata.

Nagteleport na kami papunta sa kwarto ko para mapadali.

"So?"

Napabuntong hininga siya,
"I need your help." tumaas Ang kaliwa Kong kilay.

"Bakit?"

"Bibigyan ko kayo ng gagawin bukas. You need to figure out who is the impostor. "

"Kayo? Sinong mga Kasama ko aberr? At anong impostor? Among us yarn?" nangunot Ang noo niya.

"You'll be with the royalties. One of them is an impostor. A traitor. If you found that out, that's good then. The war will subside."

"Why?."

"Familiar with the sentence 'Its not what it looks like'?" tumango ako. "Well, you think that person is an impostor but the truth is that person isn't. Think wisely, your a queen after all."

"It's not just about the future, it's about the past too. Do you know everything that happened in the past, Hellmonica?" napatanga ako at di makapagsalita saglit. Hmm. Eto ba Yung nagalit Ang hari ng devilous Kasi namatay Ang asawa niya sa mismong palasyo na kinatatayuan ko ngayon? Is that it?

"Anong meron?" umupo siya

"Everything that happened in the past, doesn't really happen."

"Ha?"

"Hmm, lahat ng akala mo ay Alam mo na ay Hindi mo pa Alam, Hellmonica. Dig deeper. And make sure na mapapagkatiwalaan ang hinihingan mo ng impormasyon. That's just my advice for the almighty Hellmonica Develough San Diego." kibit balikat niyang Sabi na kinataka ko.

"O tapos?"

Napapikit siya sa inis.

"Your the Savior nga Kasi! Ikaw Ang tagapagligtas ng mundong to! Naintindihan mo?! Argh! Ang hirap mong kausapin!" nagwalk out siya. Ops. Diko kasalanan Yun ah.

Napatango-tango ako. Hay. Ang ganda ko talaga.

Now I remember. Nung unang tapak ko palang sa Academy sinabi na Yan sakin ni Sebastian pero binalewala ko.

Ang hidwaan ng dalawang panig. Kailangan Kong malaman Kung Sino Ang sinsabi ni Sebastian. Kung tutuusin itong delubyo na sinsabi niya Ang wawakas sa lahat. Kapag nagawa ko Yun, maaaring di matuloy Ang digmaan.

Mafia Queen Reincarnated as weak princess Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon