Epilogue

6.1K 123 12
                                    

"Nurse! Nurse! Doctor!" Tawag ng ginang sa mga ito ng biglang nagkaroon ng convulsions ang kaniyang anak.

Mabilis namang rumesponde ang mga ito dahil VIP ang pasyente at may-ari ng H2 (H Hospital).

Naiiyak ang ginang ng makita kung paano nila nirerevive ang kanilang nag-iisang anak na babae.

Sa kalagitnaan ng pagrerevive ng mga doctor ay biglang nagising at naupo ng walang kahirap-hirap ang pasyente.

"Anak! Hell, anak! Gising ka na!" Hinug ni Hellarie ang kaniyang anak. Sininyasan niya ang mga doctor at nurses na umalis na, na kaagad naman nilang ginawa.

"Ma? Akala ko..." Biglang natulala si Hell at tila pinoproseso ang lahat. Bigla siyang napakuyom ng kamay. Pero hinawakan ng kaniyang ina ang kanyang kamay upang huminahon.

"Anong nangyari ma?" Pagtatanong niya. Di siya makapaniwala na nabuhay siya dahil sa pagkakatanda niya ay sabay silang sumabog ng kaniyang lo....lolo. "What about lolo? Buhay din ba siya?"...Kagaya ko? gusto niyang idagdag pero parang may mali.

Nagulat ang kaniyang ina sa sinabi niya. "Yo..your lolo is long dead, Hell. Alam mo yan."

"W-what?"naguguluhan na talaga siya. Epekto ba to ng reincarnation? Akala ko ba nilibing na ako?

"Tell me everything, ma. Ano ba talagang nangyari at nangyayari?"

Natulala bigla saglit si Hellarie pero agad din namang binigay ang kahilingan ng anak.
"You've been in coma for five long years, anak. Alam mo ba habang tulog ka ay maraming nangyari dito? Sa nakaraang limang taon, namatay ang kuya Hence mo dahil sinugod ng kalaban ang bahay niyong magkakaibigan upang makuha ang pinakaiingatan mo at pinaghirapan mong underground at yung pinamumunuan mong organisasyon mula sa lolo mo. Alam na alam ko ang mga sakripisyo mo, anak. Kung ano ang mga ginawa sayo ng lolo mo, kung paano mo siya kinalaban at binawian ng buhay, anak. Lahat yun alam na alam ko. Nakita ko mismo kung paano ka niya pagbuhatan ng kamay, ibitin patiwarik sa puno, at saktan kapag hindi mo nagawa ang mga pinagagawa ni dad. Kahit gusto kitang tulungan ng mga panahong yun, hindi ko magawa. Alam mo kung bakit anak? Dahil hawak niya ang kambal ko." Umiiyak nitong sabi habang nakayuko. So, totoo talagang may kambal ako? At ano? I killed grandpa? Bakit di ko matandaan ang mga nangyari??!! Argggh! Fuck! Parang ang hirap paniwalaaan.

"Naaawa ako sayo pero mas naaawa ako sa kapatid mo dahil may sakit siya sa puso. Palagi lang siyang nakahiga sa kwarto niya. Pasensya ka na anak, napaka wala kong kwentang ina! Ni hindi ko manlang nagawang iligtas ang anak ko!" Dagdag pa nito. Kusang tumulo ang luha ni Hell.

Hindi ito ang pamilyang pinangarap ko. Hindiito ang pamilyang iniwan ko bago ako mamatay. I mean muntik.

HELL'S POV

Napahawak ako sa ulo ko. Ang sakit! Lalong sumasakit dahil sa mga sinabi ni mama. Asan ba ang ibang tao?! Parang di ko kayang tingnan ang sarili kong ina.

Kinuha ko yung kamay kong hinawakan niya kanina, kinuha ko ang IV na naakatusok sa kabilang kamay ko. At tumayo nalang na kinabigla nito. Tsaka ako mabilis na lumabas ng kwartong yun.

Di ko namalayan na nakalabas na ako ng hospital. Dahan-dahang lumandas ang mga luha pababa sa pisnge ko.

Naglalakad ako sa gilid ng daan ng walang saplot sa paa, nakahospital gown, magulo ang buhok, maputla, at umiiyak.

Hindi naman ako ganito! Bakit?! Anong silbi ng pagiging mafia queen ko noon kung ganito na ako kalambot ngayon?!

Napatingin ako sa gilid ko. Andito na pala ako sa gilid ng tulay.

Mafia Queen Reincarnated as weak princess Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon