03

452 33 54
                                    

03 – ARKIN

“MUAY THAI,” ungol ko habang minamasahe ang noo ko. Naka-upo ako sa passenger seat ng kotse ni Flynn at kasalukuyan kaming papunta sa isang gym sa San Juan para mag-attend ng isang Muay Thai class.

Hindi ko alam kung mas magaling lang mag-parent si Djoser sa ‘kin o kung mas istrikto siya o kung hindi lang niya pinapalampas ang mga paganito ni Flynn kaya hindi ko maalala na pumayag siyang magbuwis kami ng buhay para lang makaporma si Flynn sa isang babae.

“Muay Thai,” ulit ko saka ko siya nilingon. “Alam mo naman na combat sport ‘yun di ba?”

“Yup!” masayahin niyang sagot.

“May alam ka ba sa combat sports or martial arts?”

“Jujutsu—”

“’Yung hindi Kaisen?”

“Ah.” He slowed down at an intersection. “Then no, wala akong alam sa combat sports.”

Napahilamos ako ng mukha. Inabot niya ang balikat ko at inalog ako. “Okay lang ‘yan!” he reassured me. “Magkasama naman tayo! Kapag sabihin nilang maghanap ng partner para sa sparring session, partner mo na ako! Alam ko namang safe ako sa ‘yo eh!”

“I might just punch you,” banta ko na nakasimangot.

“Okay lang. Alam naman natin pareho na mahina kang sumuntok.”

Sinuntok ko siya sa braso, at para patunayan na mahina talaga ako sumuntok, tumawa lang ang walangya.

“Pak yu.”

He snickered again. Lumingon na lang ako sa labas ng bintana.

“Okay lang ‘yan,” ulit niya na masyadong masayahin ang tono. “Ikaw na rin naman ang nag-sabi na gusto mong may bagong matutunan na skill ngayong bakasyon di ba?”

“Ibig kong sabihin eh matuto ako ng Korean o tumugtog ng gitara o ‘yung choreo ng Love Shot. Alam mo ‘yun? ‘Yung hindi ako masasaktan.”

“Ngayon lang talaga,” sabi niya sa ‘kin. “Isang beses lang. Kapag hindi mo magustuhan, okay lang. Hindi na kita pipiliting samahan ako ulit.”

Sasabihin ko sana na dapat lang kaya lang naisip ko ‘yung bilin ni Djoser bago siya umalis para sa bakasyon niya.

“Huwag mong pabayaan si Flynn. Alam mo naman na kung wala tayo eh makikidnap ‘yan at masasangkot sa human trafficking, at hindi na natin ‘yan makikita ulit. Sama-samahan mo lang.”

Minsan (madalas) OA talaga ‘tong si Djoser mag-example pero siguro kaya rin may impact sa ‘kin kapag sinabi niya.

At ‘yun na nga ‘yung dahilan kung bakit nandito ako sa kotse ni Flynn ngayon, papunta sa isang two-hour session ng Muay Thai, para masiguro na pag-uwi ni Djoser, kumpleto pa ang mga ngipin ni Flynn. Magaling kasi ‘to mag-receive ng bola, at instinct niya ang salubungin ang mga lumilipad papalapit sa kanya. At least kung kamao ko ang gusto niyang saluhin gamit ang mukha niya, alam ko kung paano i-control ang mga kamay at braso ko para hindi siya mapuruhan.

But holy frack, sigurado kong masasaktan ako ngayong gabi.

Hindi nagtagal, ipinarada ni Flynn ang kotse niya sa parking lot ng isang building. Madalas ko naman daanan ‘yung gym na ‘yun pero hindi ko pa nasusubukang pumunta d'un. Bumaba kaming dalawa na dala ang mga gym bag namin. 

Si Flynn ang nagbukas ng pinto para sa ‘min at sinalubong kami ng lamig ng aircon sa reception area. At parang nasindihang fireworks ang mukha ni Flynn nang makita si Amanda na naroon na, may kausap na isang malaking lalaking mukhang ipinanganak na nagbubuhat na ng barbels.

Everything Leads to YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon