038 • messenger

1K 80 32
                                    


Mga Kalat ng Philippines

Today 12:35 PM


Saint Nana of Cavite, Amen:
Be, di ba magha-hike kayo ngayon? Wala ka pa ring post? Kumusta ka na? Mag 12 hours ka nang walang update, okay pa ba kayo dyan?

Manila Fuccboi's Best Girl, Momo:
Pota ate haha
Hindi ko kinaya

Saint Nana of Cavite, Amen:
Bakit? Ang alin?

Manila Fuccboi's Best Girl, Momo:
Di ba naglibot kami kahapon?
Plakada kami ni milk sa kama after
ANG SAKIT SA KATAWAN HAHAHA
Pass na sa hike
I'm good with the view na lang pala lol

Saint Nana of Cavite, Amen:
Hala. 😅 Hindi mo na rin ba gagawin 'yong sa poll? Nakita ko, nangunguna yong long hair sa poll. Huwag mo na gawin. Pahinga na lang kayo. Hahahaha.

Ruru, Masamang Damo ng Valenzuela:
ano yang hahahaha na yan, nana??
anong gusto mong pahiwatig?? xD

Saint Nana of Cavite, Amen:
Wala 🤭 Naisip ko lang na bagay si Momo kay short haired guy. 😍

Ruru, Masamang Damo ng Valenzuela:
discrimination!!!!! xD

Nana ... reacted with 😆

Manila Fuccboi's Best Girl, Momo:
ATE HAHA
Actually the good news is short haired guy asked for my ig handle 
Pero syempre di ko binigay haha

Saint Nana of Cavite, Amen:
OMG. Nag-uusap naman na kayo?

Manila Fuccboi's Best Girl, Momo:
Nope
I stopped kasi it'll go nowhere
And as much as I want to talk and join him today
Magha-hike daw sila ngayon
Mas gugustuhin kong mahiga kesa mamatay katawan ko dahil lang sa pogi HAHA

Ruru ... reacted with 💯
Nana ... reacted with 😆

Saint Nana of Cavite, Amen:
Ay. Bakit kailangan itigil pag-uusap? May bukas pa naman? 🤭

Manila Fuccboi's Best Girl, Momo:
Pass talaga, ate
Bukas na siya aalis din e
Sa Davao siya for a month
Sama na lang kaya ako? 
Yuck ano ba yong sinabi ko haha

Ruru ... reacted with 🤔

Nana ... reacted with 😆


Saint Nana of Cavite, Amen:
Oy, be. Haha. Hindi matutuwa ang family mo nyan, uuwi ka pa sa kanila. Sooo, anong balak mo nyan? Susundin mo yong pinili sa poll? Hihingin mo yong number nung long haired guy? 😨

Ruru ... reacted with 😆

Ruru, Masamang Damo ng Valenzuela:
nanaaaaa
batet "fearful emoji" yan???
HAHA

Nana ... reacted with 😆

Saint Nana of Cavite, Amen:
😨😨😨
HAHAHA

Manila Fuccboi's Best Girl, Momo:
HAHAHAHA
Hay nako
Mas lalong pass yun

Saint Nana of Cavite, Amen:
Di mo type? 😆

Manila Fuccboi's Best Girl, Momo:
That.
Plus di ba nga nag-chill na lang kami dito ni Milk dahil parehas kaming pagod?
Pinuntahan kami nitong long haired guy, nag-aya kumain ng bfast
Saw him eyeing Milk kaya bahala na sila sa buhay nila ayoko makiepal sa budding romance kung meron man haha
I'm having migrain din kaya tinulak ko silang magsama at bilhan ako ng gamot
Di na ako nireplyan ni Milk kaya baka natutuwa na siya sa company nung guy HAHA

kung nakuha man sa dahas (epistolary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon