Chapter 13: Should I Be Afraid?

15 5 0
                                        

🅸︎🅼︎ 🅽︎🅾︎🆃︎ 🅰︎🆂︎🅷︎🅰︎🅼︎🅴︎🅳︎ ✞︎


RUTH'S POV


"Okay, class dismissed."

Napahinga ako nang maluwag ng sa wakas ay bigkasin na rin ni Miss De Silva ang relieving line na yun. Haist. Thank God, makakapagpahinga na rin.

Tumingin ako kay Rachel sa kaliwa ko para ibalik na yung ballpen nya na hiniram ko at nginitian lang naman ako nito bilang tugon.

"Grabe yung math no? argh! di na kinakaya ng utak ko!" sabay kaming napalingon sa kaklase naming nagsalita noon. Si Celine, kausap yung bff nya.

"I know right! malaman ko lang talaga nagpauso nyang x-x y-y na yan, aynaku! makukurot ko sya!" Natawa na lang kami ni Rachel matapos marinig iyon.

Tumayo na silang dalawa at nagsimula ng lumabas ng classroom.

Haist.. Di ko maiwasang di sumang-ayon kasi totoo naman. Ang hirap kaya ng math. Minsan nga napapaisip ako kung bakit kailangan pa pag-aralan yang mga x minus x minus y na yan e. It's not even important. Kayang mabuhay ng tao kahit walang masyadong alam sa matematika. Basta marunong ka lang magbilang, mag-add, minus, times, divide, okay na yun! Ang tao lang talaga ang nagpapakomplikado ng buhay.

Kaya naman pala sinabi sa Bible na ang karunungan ng tao ay kamangmangan lang para sa Diyos. Kasi eto nga, this is one of the obvious examples.

Tumayo na rin kami ni Rachel sa upuan namin at naglakad na papalabas ng classroom para makapagrecess. 20 minutes naman ang total time para sa breaktime kaya matagal-tagal rin kami sa labas.

May ilan pa ring napapatingin sa suot ko ngayong bonet sa ulo, pero karamihan sa kanila tila sanay na sa pormahan ko. Siguro 'yong iba ay ngayon pa lang ako nakikita dahil from other department sila, kaya binalewala ko na lang.

Btw, 5 weeks na lang pala ang mga natitirang panahon ko. And then after that, ayon, wala na'ko... Pero alam ko naman na wala 'kong dapat na ikalungkot. Dapat pa nga'kong magsaya eh. Kasi alam ko, na.. pagnawala na'ko, magkikita na kami Ni Lord. Uuwi na'ko. Iyan ang kagandahan ng pagiging isang Kristyano. Mamatay o mabuhay ka man, sa Kanya ka pa rin.

Jesus made the grave to be our friend. Inalis nya yung takot ko, natin, sa kamatayan. And He deserves to be praised by all of us because of that.

Ang taong takot na mamatay, ay isang taong di pa talaga totoong tinanggap Si Kristo sa kanyang buhay.

Naglalakad kami ni Rachel sa aisle ng Science Building nang mapahinto na lang kami bigla dahil sa isang lalaki na sumigaw sa may di kalayuan. Kumunot ang noo namin ng makita ito.

"TULONG!! MAY MAGPAPAKAMATAY SA ROOFTOP NG G-11 BUILDING!!"

Nanlaki bigla ang mga mata ko matapos mapakinggan ito. Nagkagulo na sa buong aisle at nagsitakbuhan papunta sa lugar na sinasabi nong lalaki.

Mabilis akong napalingon kay Rachel pero di ko na nakita pa ang reaksyon nito dahil agad na nya'kong hinila sa'king braso at tumakbo papunta roon.

Nadatnan namin ang kumpulan ng estudyante sa harapan ng Grade 11 building, at lahat sila'y nakatingala sa direksyon pataas.

"Shocks! si Zeph ba yan?!"

"Oo! oo! yung poor girl ng section C? yung baduy manamit.."

"Eh ba't sya nandyan?! sawa na sa buhay??"

"Siguro... wag naman sana.."

Tumatambol ng malakas ang dibdib ko sa mga oras na ito ngayon. Hindi to pwede.. kailangang may gawin kami!

I'M NOT ASHAMEDWhere stories live. Discover now