14

75 10 0
                                    

"Stop flirting me Deam."

Naiirita ako sa kaniya. Wala man lang siyang balak aminin ang totoo. Pilit niya pang pinagsisiksikan ang sarili niya sa'kin na para bang hindi ko alam ang totoo.

"Bakit? What's wrong?" Kunot noo niyang tanong.

Napasinghal na lang ako. Ayaw ko magsalita ng kung ano. Gusto ko ay siya mismo ang magsabi sa akin ng totoo. Ayaw kong manguna.

"I want to rest. Leave me." Seryosong sabi ko.

Hindi man lang siya tumanggi. Umalis siya ng bahay ng walang sinasabi. Napasinghal na lang ako.

Mali nga talagang kumilala ako ng bago. Hindi nga ako nagkakamali sa inaakala ko. Mas okay nang 'wag ng kumilala ng bago kasi nasanay ako sa karelasyon ko noon. Buti na lang at hindi ko sineryoso 'yong mga bagay na alam kong hindi dapat seryosohin.

"Tarantado ang lalaking 'yon, pinagkatiwalaan ko pa naman." Singhal ni Skew na halatang galit na.

"Sinabi ko na sa inyo na 'wag niyong ipilit si Klestiah doon." Singhal naman ni Davill.

"Ayos lang ako. Hindi naman masakit, nakakagago lang." Singhal ko.

Nalaman na nila ang totoo at paniguradong susugurin nila si Deam kaya inunahan ko na sila. Ayaw ko ng gulo. Umiiwas na ako dahil 'yon ang kailangan.

"Ako na ang bahala kay Deam. Kaya ko na 'to." Pagpapaalala ko ulit sa kanila.

Hindi naman na sila nagprotesta. Alam naman nilang ayaw ko na ng gulo kaya hindi na sila nag abala pang makipagtalo.

Habang abala kami ni Cristine na nag uusap tungkol sa papasukan nami g trabaho pagkatapos ng college ay dumating na ang inaasahan kong mangyayari.

"S-Sorry."

Agad na napakunot ang noo ko habang pinapanood si Deam na umiiyak sa harap ko. Anong drama 'yan?

"Bakit nagsosorry ka?" Kunwaring nagtatakang tanong ko.

"I'm breaking up with you."

"Ano? Bakit?"

"I'm sorry for not doing my promises."

Natawa ako ng sarkastiko at humarap sa kaniya. "Sino ba kasing lalaki ang gagawa ng pangako? Dad ko nga hindi nagagawa ikaw pa kaya?"

"I'm really sorry."

"Bakit ba nakikipagbreak ka? May bago ka na ba?" Tanong ko, medyo naiirita.

Wala naman akong pakialam kung magbreak kami. Nagtataka lang kung bakit ganu'n kabilis. Ang bilis naman kasi masyado at isa pa, wow! Ang lakas ng loob niyang lokohin ako.

"M-May bago na kasi akong maha—"

"Alam ko at hindi mo naman talaga 'ko minahal." Natatawang sabi ko. "Pot@ngen4." Natawa ako sa sinabi niya. "Bago? Mas maganda sa'kin o mas matino sa'kin?" Tanong ko na ikinayuko niya.

"Pinag utusan lang ako." Sabi niya na ikinakunot ng noo ko. "Na kapag magiging tayo, magiging kami ng babaeng gusto ko. Desperado lang ako." Sabi niya na lumayo pa ng tingin. "Hindi ko na kaya pang manatili sa'yo."

"Go and be boyfriend of all girls out there, I don't care. Sana lamunin mo lahat ng pangakong hindi mo natupad at kapag nabusog ka, hindi ka na makahinga." Sabi ko bago umalis.

Halos madurog ko ang hawak kong biscuit dahil sa panggigigil ko. Narinig ko naman ang pagsunod sa akin ni Cristine.

"Bakit mo naman binantaan pa? Dapat 'wag na! Paano kung magkatotoo 'yon? Paano kung may nakakarinig pa lang elemento at gawin ang bagay na 'yon sa kaniya?"

WHEN THE DEMON CHANGED | ✓Where stories live. Discover now