25

84 11 0
                                    

"Pumikit ka lang."

Mahigpit ang hawak ko kay Weivo nang magsimula silang mag anunsyo. Hindi ko alam kung para saan pa 'yon. Magsimula ng mapunta kami dito ay nakapikit na siya at pilit ko namang pinupunasan ang mukha niya dahil sa luha.

Maraming demon ang nanunuod sa amin at wala na akong pakialam sa kanila. Mayroong nag aalala at mayroon ding tuwang tuwa. Mayrokn ding galit ang tingin sa akin at may ibang humahanga sa itsura ko, siguro ay ngayon lang nakakita ng tao.

Nakita ko na patagong umiiyak si Demon Chaves, ayaw niyang makita si Demon Weivo na ganito ang sitwasyon habang ang nakakatandang kaatid naman ni Demon Weivo ay pilit na nilalakasan ang loob pero kita ang pag aalala sa mga mata.

Nakita ko ng harapan kung paano dahan dahang nawala na parang bula ang sungay ni Weivo. Kahit ang itsura niya ay nag iiba hanggang paa. Napalunok ako ng makita ang kabuuang itsura niya, tao na siya.

Parang kasing bilis ng kidlat ang nangyari nang mapunta kami sa mundo ng mga tao, sa gubat kung saan malapit ang portal. Kasama ko si Demon Chaves kasama si Weivo na anyong tao na ngayon.

"Mag iingat kayo dito," sabi niya na kay Weivo ang tingin. Natawa naman siya at napasinghal. "Gwapo niya pala kapag tao," sabi niya pa.

Natawa naman ako habang nakatitig kay Weivo. Wala na siyang sungay habang mahimbing na natutulog. Anyong tao na talaga siya. Laglag ang pantay na buhok hanggang mata. Mala rosas na labi. Maputi at matangkad.

"Paano ba 'yan? Maiwan ko na kayo?" Nakangiting sabi niya na tinuro pa ang portal. Ngumiti naman ako at tumango. "Wag kang mag alala, ilang minuto na lang ay magigising na si Dem— Hindi na nga pala siya demon." Natawa pa siya ng sabihin niya 'yon. "Si Weivo." Pagtatama niya. "Paalam Klestiah, sa muling pagkikita."

Napangiti naman ako at tumango pa. "Sa muling pagkikita Demon Chaves."

At tuluyan na nga siyang namaalam. Nakatitig lang ako kay Weivo habang hinihintay siyang magising. Himdi nakakasawang tignan ang itsura niya, malayong malayo sa Demon Weivo na nakilala ko o kahit sa Warren na minahal ko. Nasa pagkatayo niya si Warren at Demon Weivo na kailanman ay hindi ko makakalimutan.

Nataranta ako ng kumibot kibot ang labi niya kasabay ang pagkunot ng noo, gising na siya. Nanlaki ang mata ko ng dahan dahan siyang magbuklat ng mata. Kulay kayumanggi. Brown ang mata niya! Napakagwapo niya. Parang nalaglag ang panga ko habang tinititigan siya, naghihintay ng magiging reaksyon niya.

"Aray!" Reklamo niya na hinilot pa ang ulo niya.

Lalong umawang ang labi ko. Ang boses niya ay nanatiling Demon Weivo pero medyo cute ngayon... o baka praning lang ako?

Napakurap kurap ako ng lumingon siya sa akin at magtama ang tingin namin. Napakunot ang noo niya na habang tinititigan ako. Napalunok ako at bumilis ang kalabog ng dibdib ko sa hindi malamang dahilan.

"What are you staring at?" His brows furrowed while looking at me. "Alam kong gwapo ako Klestiah at..." Halos malaglag an panga ko dahil hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari, nilibot niya pa ang paningin sa gubat. "Anong ginagawa natin dito?" Kunot na kunot ang noo niyang lumingon sa akin.

Napalunok naman ako at mabilis na tumayo para bitbitin ang bag na ipinadala sa akin ni Demon Chaves. Nakalagay sa bag lahat ng regalo nila kay Weivo para man lang manatili ang ala ala nila sa kaniya.

"U-Uwi na tayo," sabi ko sa kaniya.

Hindi ako makatingin ng maayos kasi pakiramdam ko ay napapraning ako. Hindi ko alam kung anong gagawin ko o sasabihin ko. Wala akong maisip na matino ngayon.

Napakunot naman ang noo niya pero agad ding tumayo. Walang nagbago sa height niya, nanatiling kasing tangkad ni Demon Weivo.

"Saan 'yong mga kasama natin?" Kunot noong tanong niya habang nililibot ang tingin.

WHEN THE DEMON CHANGED | ✓Where stories live. Discover now