THIRD PARTY

376 3 0
                                    

Third party

Ang tagal naman ng lalaking yon. Inip na sabi ko sa isip ko. Pano ba naman kasi, ilang minuto na akong nandito kakahintay sa lalaking yon. Makikipag meet kasi ako sa Boyfriend ko. I mean sa ka RS ko. Ilang minuto pa akong naghintay at sa wakas, Dumating din.

"Bweset ka, ang tagal mo" galit kunyaring sigaw ko sa kaniya, pero mukhang mas galit pa ata ang mukha niya.

"Saan ba kasi tayo pupunta?" inis niya ring sigaw at saka ako inismiran. Grr. Lalaking toh.

Btw siya pala si Migo, boybestfriend ko, pogi ito, maputi, matangkad. Payat, magandang pangangatawan, matangos ang ilong. Ahh basta ayoko ng i described siya. Naiinis ako sa kaniya ngayon eh. Ang tagal niya.

"Tara na nga." pag-aya ko at saka siya kinaladkad papunta sa jeep. Dahil ako na rin ang nag-aya, bweset na toh, ako na mamamasahe.

"San ba kasi tayo pupunta? Inaantok kaya ako." reklamo niya habang nakabusangot ang mukha.

"Sa SM Manila." sagot ko.

"Anong gagawin natin doon?" muling tanong niya at inirapan ko na lang siya. Napakareklamador talaga ng lalaking toh.

"Ahh basta, wag ka ng magreklamo, ikaw na nga lang ang niyaya ko. Magrereklamo kapa." inis ba sabi ko. At ang tingin naman ng nasa loob ng jeep ay nasa amin. "Ang ingay mo kasi." sabi ko at saka siya inirapan.

"Wow ako pa talaga ah." tugon niya at hindi na umimik pa. Agad niyang kinuha ang phone niya at saka nagpipindot pindot. Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa may Sm Manila.

Agad kong kinuha ang phone ko at saka pumunta sa messenger upang i chat si Miguel, boyfriend ko.

To My babe Miguel :
"Babe nandito na ako. Kasama ko pala yung BFF ko. Nasaan kana nandito na kami sa entrance, excited nako babe. Yieh. Love you"

Sent...

*ting*

From My babe:
"ahh. Kakarating ko lang din eh. Nasa loob na rin ako. Pasok na kayo. Wait kita dito sa loob ng entrance. Love you too. Reply niya. Shittt. Anuba! Self relax, inhale.... Exhale. Haaah. Ewan ko ba. Bigla akong kinabahan. Or baka excited lang ako. Ahh basta. Agad kong inakay si Migo na busy sa kakalaro ng ML. Tss. Ml pa.

Naghiwalay kami ng daan dahil hiwalay ang entrance ng babae at lalaki ay magkaiba. Wait! Kinakabahan ako. Woah! Kaya mo yan Kiarra! Fighting!!. Nagpunta na ako sa pinto at ininspect naman ng babaeng guard ang bulsa ng short ko. Nandito nako. Kinakabahan ako. Bumibilis din ang tibok ng puso ko.

Agad kong kinuha ang phone ko at saka nagtipa ng message.

To My babe Miguel:

Babe nasa entrance na ako. Puntahan mo na ako.

Sent.

Pagkasend ko non ay agad akong liminga linga sa paligid at nakita ko naman si Migo na kakapasok lang. Agad ko siyang pinuntahan at saka inakay sa may hagdan.

*ting*

Agad kong chineck ang messages ko at nakita ko naman message ni Miguel.

Frome My Babe Miguel:

Nandito na ako. Naka all black ako na naka mask. Tapos naka cap din na black. Ikaw nasan kana? Reply niya at saka ako nagpalinga linga sa paligid.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng makita ko ang nakatalikod na lalaking naka all black na nakasuot ng sobrelong itim. Matangkad si Miguel. Mas matangkad siya samin ni Migo. Eto na, kahit kinakabahan ay humugot ako ng lakas para tawagin siya.

A Boy's Romance: Compilation Of BXB STORIESWhere stories live. Discover now