HIS PERFECT IMPERFECTION

120 0 0
                                    

Kasalukuyan akong nakahiga rito ngayon sa ilalim ng isang puno. Masyadong maaliwalas ang gabi kaya kitang-kita mo ang kagandahan ng kalawakan at ang mga ngumingiting mga bituin. Natinag ako nang biglang may tumabi sa akin. Sinilip ko ang taong ito at agad din na natigilan nang makitang si Eros ang taong ito. Masyadong mahaba ang katahimikan na bumabalot sa aming dalawa. Hindi ako komportable na makatabi siya dahil pinangungunahan ako ng aking kaba. Hindi naman sa ayaw ko sa kaniya, masiyado siyang guwapo kaya kung sino man ang matatabihan niya ay makararamdam ng ganito, na gaya ko.

"Ang buhay ng isang tao ay hindi natin alam kung hanggang saan magtatagal o kung hanggang saan magpapatuloy. Hindi natin alam ang daloy ng ating buhay, kaya ika nga ng iba; cherish your day. De-joke! Hindi ko alam kung ayan ba ang tamang term na sinasabi ng iba." napatingin ako sa kaniya, hindi ko alam kung seryoso ba siya sa mga sinasabi niya o nagbibiro lang siya. Pinakatitigan ko ang kaniyang mukha na hanggang ngayon ay nakatingin pa rin sa kawalan. Pigilan ko man ang aking sarili nguni't tila nahipnotismo ito dahilan para lalo akong mapatingin sa kaniya dahilan upang akin na ring napag-aralan ang kabuohan niya.

Masyadong matangos ang kaniyang ilong na halos kasing tangos din ng kaniyang gulunggulungan. Ang perpektong pagkakahulma ng kaniyang panga ang siyang lalong nagbibigay dating sa kaniyang kabuohan. Ang pilantik ng kaniyang pilikmata na nakaibabaw sa mga mata niyang tila inaantok nguni't siyang napakanda sa lahat ng bahagi ng kaniyang mukha. May kakapalan din ang kaniyang kilay na tila hinugisan dahil sa pagkaperpekto ng hugis nito. Ang buhok niyang bagsak na katamtaman ang haba, ang siyang lalong nagpaangat sa kaniyang kagandahang mukha. Ang hugis puso at natural na kulay pula niyang labi na sa aking palagay ay napakalambot nito. Sa isang salita, masiyadong perpekto ang kaniyang mukha, napaisip tuloy ako kung ano pa ang perpekto sa kaniya?

"Huwag mo masyadong sanayin ang sarili mo na pagmasdan ang mukha ko, baka makabisado mo iyan at hindi mo na makalimutan." Natinag ako nang muli siyang magsalita at lalo akong natigilan nang bigla niyang inilingon sa akin ang kaniyang mukha dahilan upang magtama ang aming mga mata. Masyado siyang seryoso dahilan upang mapalunok ako ng sariling laway.

"Hindi ko alam na, dito ko lang din pala makikita ang perpektong mundo" muli akong natameme sa mga sandaling ito. Hindi ako nakapag-react agad dahil nang bitawan niya ang salitang iyon ay nakatingin siya sa akin. Sumilay ang ngiti sa kaniyang labi nang makitang natigilan ako sa sinabi niya. Dahil doon ay nakita ko ang maputi at perpektong pantay ng kaniyang mga ngipin. Doon ko napagtanto na maging ang kaniyang mga ngipin ay perpekto rin!

"Nagulat ba kita?" tanong niya, iling lamang ang aking naitugon dahil sa kawalan ng boses para makapagsalita. "Pipe k aba?" muling tanong niya dahilan upang lalo akong mawalan ng boses. Hindi pa rin kasi nagpo-process sa utak ko ngayon na katabi ko ang isang Eros at nag-initiate na kausapin ako.

"Badtrip naman oh, nawawalan ako ng angas dito eh." Rinig ko pang bulong niya. Hindi na muli siyang kumibo at muling tumitig na lamang sa kalangitan.

"Andaming mga bituin noh?" tanong niya habang ang tingin ay nasa kalangitan pa rin. Hindi ko na rin tinignan pa iyon dahil nakikita ko naman. "Alam mo ba, kapag daw maraming mga bituin, pwede mong isulat ang pangalan ng taong gusto mo." Sa sinabi niyang iyon ay napatingin ako sa kaniya. Hindi ko alam na korni rin pala siyang side. Sa gandang lalaki, masyadong naniniwala sa mga ganoong bagay.

"Alam kong iniisip mo na ang korni ko, pero sabi nila ay totoo raw iyon. Kaya kung may gusto ka, grab the opportunity na isulat ang pangalan niya sa mga bituin." Dagdag niya pa na itinaas ang kanang kamay at itinuro ang mga bituin. Doon ako muling napatingin sa kaniya lalo na sa kaniyang mga mata. Masyado iyong seryoso kaya hirap para sa akin na sabihing nagbibiro siya. Masiyadong honest ang kaniyang mga mata.

"Ang sabi nila, kailangan magkakadikit ang pagkakasulat mo sa pangalan ng taong iyon." Muli akong napatingin sa hintuturo niya na ngayon ay gumagalaw na.

A Boy's Romance: Compilation Of BXB STORIESWhere stories live. Discover now