Chapter 2:

30 22 1
                                    

Nandito ako ngayun sa canteen ng school, kumakain ng pang almusal. Na alala ko tuloy yung kanina, hayy! Araw araw na lang ganun ang nangyayari. Minsan na lang yata kami nag sasama- sama sa hapag kainan tuwing umaga. Palagi nalang kasi si kuya ang inaatupag nila. Parang nakaka limutan na yata nila na may isa pa silang anak.

Ewan ko kung bakit parang ang layo ng loob nila sa akin. Minsan iniisip ko baka hindi nila ako anak. Mas ma tatanggap ko pang ipagtabuyan nila ako, kesa naman ampon lang ako di'ba?
Ini isip ko palang parang pinapatay na'ko.

Na pa tigil ako sa pag subo ng pagkain ng may maramdaman akong naka titig sa akin. Hinanap ko kung saan nang gagaling ang titig na 'iyon. Nang mahanap ko ay agad kung pinagsisihan ang paghahanap ko dito.

Nang gagaling ang titig kay Tyler. Sa taong pilit kong iniiwasan. Shit naman oh! Iniwas ko ang aking tingin. Ipinag patuloy ko ang pagsubo ng pakain. Isusubo ko na sana ang huling pagkain na natira sa plato ko ng hindi ko 'iyon nagawa. Isang malamig at malapot na bagay ang ibinuhos sa akin.

"ops! I'm sorry. Dumulas kasi sa kamay ko eh." pumikit ako at huminga ng malalim. Kalma khloe, kalma. Wag munang isipin yun, baka kasi kinulang lang sa buwan ng ipinanganak siya kaya ganyan.

Ayus pa kanina ah? Pero ano na naman toh!? Hindi ko na lng sila pinansin at kumuha na lang ng tissue sa aking bag, upang ipang punas sa akin. Hay! Ito talaga ng ayaw ko sa lahat eh! Marami nga sa aking nakaka kilala sa akin dito. famous nga ako, pero wala naman silang maggawa para ipag tanggol ako sa mga ganitong pangyayari.

"Ayy! Ganun hindi tayu pinansin?" Tumawa sila na para bang nang aasar.

"Hoy! Khloe akala mo yata porke isa ang pamilya mo sa shareholder ng university na' to ay wala ng kakanti sayu." Dinuro- duro niya ako sa balikat gamit ang kaniyang matutulis na kuku. Kaya naman ay hindi ko maiwasan masaktan.

"Hoyy! Anong ginagawa niyo kay khloe?" Sabat naman ng taong kararating lang. Lumapit silang dalawa sa kinaroroonan ko.

"Oh! Andito na pala ang dalawang alalay ni khloe. Si lily at si Sheena. " Nang aasar na asik ni ruby sa amin. Tumawa rin ang kasama niyang sina riza at cindy. Tsk mga baliw.

"Pwede ba ruby and your friend. Tigilan niyo na kami." Saad ko at na pangiwi ng may mahawakan akong malapot na bagay sa aking buhok.

"Tigilan? Kayu? You wish." pina ikot-ikot niya sa kaniyang kamay ang hawak niyang buhok.

"Hindi talaga kayo titigil?" nag titimping tanung lily. Parang alam ko na ang mangyayari.

"Never." sagut ni ruby sa amin at mala demonyong ngumiti. Susugod na sana si lily at sheena ng pigilan ko sila.

"Tigil. Hindi tayu pumunta rito para gumawa ng gulo." nag titimping saad ko sa kanila. Gaya pa rin ng dati ay kay ikli parin ng pasensya ng dalawang 'ito.

Dear TylerWhere stories live. Discover now