𝐓𝐡𝐞 𝐖𝐞𝐝𝐝𝐢𝐧𝐠
Dedicated to: Yajie Aurexa Maude"OMG Babe you're so pretty" pagpuri ni Zyra sa ayos ko ngayon at bahagya niya namang hinawi yung naiwan kong buhok sa gilid ng tenga ko.
"Ano kaya magiging reaksiyon ng magiging asawa mo kapag nakita ka niya?" Kinikilig niyang tanong.
Ngumiti lang ako sa kanya at pinagmasdan ang sarili sa salamin.
Ibang-iba nga ang ayos ko ngayon. Yung dating mapuputla kong labi ay kasing pula na ng rosas.
Habang pinagmamasdan ko ang sarili ay napako ang tingin ko sa kwintas na aking suot, ito yung kwintas na binigay niya noong nagsisimula palang kami.
**
"Ako na magsusuot sayo nito" nakangiti niyang sabi. Ngayong ay first monthsary namin at hindi ko aakalaing reregaluhab niya ako ng kwintas na paru-paro yung pendant.
"Thank you for this hon. I love you" Sabi ko.
"Always welcome love, I love you too" sagot niya.
**
"Hey! ang lapad naman ata ng ngiti mo? Tara na tumayo ka na diyan at baka ma late pa tayo" Inalalayan ako ni Zyra sa paglakad at dahil nga mabigat ang suot kong gown.
"Babe kinakabahan ako"
Ngumiti ito na may dalang pang-aasar."Saan ba babe sa honey moon?" natatawa nitong tanong.
"Baliw!"
Nakarating na kami sa lugar kung saan gaganapin ang espesyal na araw naming dalawa. Sumilip ako sa labas ng kotse at nakita ko doon ang mga iba pa naming kaibigan ni Zyra.
Si Ashy, Xia, Lily, Yael na isa sa mga abay at iba pa naming mga kaibigan.Kinakabahan talaga ako parang may iba atang mangyayari? Jusko nag-ooverthink na naman akooo!
Alas nuwebe na ng umaga at tulad nga ng nasa program ay sisimulan na namin ang programa.
Nanginginig ang mga paa ko ng sinimulan kong iapak ang mga ito sa sementong daanan. Naririnig ang tugtog sa loob ng simbahan.
Ilang minuto nalang at magiging Mrs. Ismael na ako, ilang minuto nalang at magiging asawa na ako ni Dann.
Nagsimula na ang programa at isa-isa nang pumasok ang mga may parte. Nanguna ang mga principal sponsor, sumunof ang secondary, bearers, flower girls at mga abay.
Sinarado na ang pinto at ako nalang ang natira sa labas.
Naririnig ko na ang musika na hudyat upang ako ay pumasok sa loob.Dahan dahang binuksan ang pinto at para bang nag slowmotion ang bawat kilos ng mga nasa loob. Humakbang na ako papasok at sinalubong ako ng aking magulang, nag-uunahan na ring tumulo ang aking mga luha dahil sa halong emosyon.
Sinalubong ako ni Dann sa unahan at nagmano sa aking mga magulang saka ako inalalayan papunta sa altar.
"Bago tayo magsimula gusto ko munang itanong kung may gusto bang tumutol sa kasal na ito?" tanong ng pari.
Lahat sila ay tahimik at walang sumagot na ibig sabihin ay walang gustong tumutol. Nagpatuloy ang pari sa mga dapat niyang gawin at ilang segundo pa ay nagulat ang lahat sa malakas na tunog.
"Hoy anong iniisip mo jan?"
Nabalik ako sa reyalidad nang sundutin ako ni Bea yung ka office mate ko.
"Ha? wala ah kakakain ko lang kasi kaya nagpapahinga ako" sagot ko.
"Hindi eh parang ang lalim ng iniisip mo."
"Wala ah busog lang talaga ako."
"Sus naman baka mamaya iniisip mo yung manliligaw mo" pang-aasar nito.
"Hindi noh"
"Teka nga sino ba yang nasa picture?" turo niya sa larawan na nasa wallet ko.
Mabilis ko naman itong sinara at tinago sa bag.
"Ikaw ha kaya ba hindi mo masagot sagot sa James kasi may boyfriend ka na? Kailan lang?" pag-uusisa nito.
"Hindi ko boyfriend 'to baliw"
"Sus palagi mo ngang tinitingnan yan eh pansin ko lang"
"Basta, jan ka na nga . Labas lang ako"
"Sungit mo naman HAHAHAHAH"
Lumabad ako ng building namin at napagdesisyonan kong bumili ng ice cream sa katabing ice cream store ng building namin. Pinilu ko yung bubble gum flavor na favorite ko. Naupo ako sa sulok habang pinamamasdan ang mga tao at sasakyan na dumadaan sa labas.
Ilang saglit pa ay tumunog ang bell ng shop na sign na may pumasok at mabaling ang atensyon ko doon.
Napatigip ako sa pagkain ng ice cream ko dahil sa gulat.Tatlong tao ang pumasok isang batang babae, isang magandang babae at si Dann. Si Dann at ang kanyang pamilya.
Lahat sila ay tahimik at walang sumagot na ibig sabihin ay walang gustong tumutol. Nagpatuloy ang pari sa mga dapat niyang gawin at ilang segundo pa ay nagulat ang lahat sa malakas na tunog.
"A-ako! t-tutol ako sa kasalang ito" nahihirapang sigaw ng isang buntis na babae.
Nagulat ako sa nakita. Si Laurice, Laurice Montenegro.
Hindi ko maintindihan kung bakit siya tutol sa kasalang ito, hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Lahat ng tao sa loob ng simbahan ay nagulat sa pangyayari.
"Buntis ako at Si Dann Ismael ang ama!" sigaw nito.
Nag-uunahang bumagsak ang mga luha ko at natagpuan kong malakas na dumapo ang mga kamay ko sa pagmumukha ni Dann.
Tumakbo ako sa labas ng simbahan at nagising nalang ako sa loob ng isang kwarto na halos puti lahat.
It's been 4 years pero parang kahapon lang.
-End-
YOU ARE READING
MY WORKS (from RPW)
RandomThis book is compilation of my works from RPW. I hope you enjoy reading<3 DISCLAIMER: Ang mga pangalan ng mga tauhan , mga lugar , at mga pangyayaring nabanggit sa kwento na ito ay likhang-isip lamang ng may akda at walang kinalaman sa sino mang ta...