CHAPTER 22

18 1 0
                                    

MY PROFFESOR's SECRET

《CHAPTER 22》

ILANG buwan sa rin ang itinagal ng relasyon namin ni Gab at masaya naman talaga iyon, sinabi ko sa sarili ko na s'ya na talaga ang para sa akin, kaunting tiis na lang at magiging malaya narin kami ngunit lahat ng 'yon ay para bang unti-unting gumuho...

"WHAT IS THIS STEPHANIE GRACE?!" Malakas na sigaw ni daddy na nagpaindak sa akin. Malakas ang kabog ng dibdib ko at nanginginig ang aking mga kamay.

Who ever did this, magbabayad s'ya! Hinagis nito sa harap ko ang iba't-ibang litratong kuha habang magkasama kami ni Gabriel, ang nakapagtataka ay kahit kami lang dalawa ay nakukuhaan ito ng pictures.

Kitang-kita ang masasayang ngiti namin roon, na puno ng pagmamahalan.

"Dad!" Sigaw ni kuya.

"You're out of here Steven! Isa ka pa, wala kang silbi." Sabi ni mom kay kuya, nakatungo lang ako at hindi ko magawang tignan sila sa mata. Natatakot ako, hindi para sa akin kundi para kay Gab baka kung ano ang gawin ng mga ito kay Gab.

Lalong nadagdagan ang pagkabahalang na sa isip ko, sobrang gulo at sakit nito para sa akin.

"Hindi ka ba sasagot Stephanie? Ang lakas ng loob mong disrespetuhin kami tapos ganito naman pala ang ginagawa mo? Susmaryosep kang bata ka! Namumuro ka na Stephanie, hindi ka namin pinalaki ng ganyan." Galit na sabi ni mommy, tumulo ang luha sa mata ko. Nangyari na nga ang kinatatakutan ko...na karma na kami.

Dahil walang sikretong hindi mabubunyag.

"I don't have stúpid child like you!" Muling sigaw ni dad, nasaktan ako ngunit sanay na ako roon.

"What do you want us to do now? Hindi mo ba babaguhin 'yang ugali mo? Pwes, kung hindi ikaw ang magbabago. Sisiraan ko ang gurong 'yan, papatanggalan ko sya ng trabaho at ipapakulong ko s'ya Stephanie! Napaka bata mo pa para abusuhin n'ya! Eto na nga ba ang sinasabi ko, madali kang ma-tukso." Mahabang litanya ni mom, para namang tinambol ang puso ko dahil sa sinabi nito.

No! Hindi nila pwedeng pakialaman si Gab, h-hindi!

Umangat ang tingin ko sa kanila kahit nanlalabo ito, nangingig na lumuhod ako sa harap nila at nakiusap. Umalalay naman si kuya sa akin para muli akong patayuin pero hindi ko ginawa, parusahan na nila ako huwag lang si Gab, huwag lang ang lalaking mahal ko. Pakiusap.

"I-I'm s-sorry mom at dad, p-please patawarin n'yo po kami, huwag n'yo pong gagalawin si Gab. A-Ako na lang po, pakiusap. Ako na lang." Nanghihinang pakiusap ko, gumagaral ang boses ko. Lumalakas na rin pati ang paghikbi ko.

"Do you know what trouble your into, Stephanie Grace?! Kapag nalaman ng media ang tungkol rito ay hindi lang ikaw ang mapapahamak! Also our family's name for pete's sake. Napaka-selfish mong bata ka, hindi mo man lang iniisip kong anong kakahantungan natin sa gulong ginawa mo!" Akmang ihahampas na ni daddy sa akin ang kamay n'ya para sampalin ako ngunit pinigilan ito Mom.

"Stein, calm down. Please lang huwag mong pagbuhatan ng kamay ang anak natin." Pagpapakalma ni mom, nangingig ang boses nito na parang bang ano mang oras ay maiiyak na rin ito.

Hindi ko alam kung dahil ba sa sobrang galit o awa sa akin.

"Graciela, namumuro na 'yang batang 'yan." Bumuntong hiningang sabi ni dad, sa totoo lang mas lalong nadagdagan ang panginginig ko dahil sa muntik ng gawin ni dad sa akin.

"Steph, kuya's here. Okay? Shh, my princess, don't cry na. I'm here, b-baby." Naluluhang yumakap sa akin si kuya pero hindi dapat ako magpadala sa panghihina, kahit gustong-gusto ko nang yumakap sa kan'ya gawa ng takot ko.

Kung hindi ko ito pipigilan...si Gabriel ang mapapahamak at hindi ko matatanggap ito. Buong buhay kong pagsisisihan iyon.

"M-Mom, d-dad nakikiusap ho ako, huwag po si Gab. Gagawin ko ang lahat, p-para layuan n'yo lang po s'ya. Please, I'm accepting any of your punishment, j-just don't touch him." Pakikiusap ko. While saying that para akong sinasaksak ng paulit-ulit.

"Talagang gagawin mo ang lahat para sa kanya, huh? Ang tanga mo! Ang tanga-tanga mo Stephanie!" Si mom, for him I'll do everything kahit kapalit pa nito ang kaligayahan ko.

"Are you sure you'll do everything? Then broke up with him, and you'll going to accept the marraige proposal of Bentley's family!" Nanlaki ang mata ko at nagpantig ang tainga sa narinig.

And then Gabriel smiling face comes up to my mind, his laughter and love for me.

"Dad! That's to much!" Sigaw ulit ni kuya, hinawakan n'ya ang kwelyo ni dad, tumayo ako para pigilan sila.

"K-Kuya h-huwag, h-huwag kuya." Paulit-ulit na sambit ko, "H-Huwag ka ng maki-alam dito k-kuya, t-this is my fault." I hugged kuya at the back, pinigilan s'ya sa gagawin kay dad.

I can't see him like this, nagkakaganito s'ya dahil lang sakin.

"I-I did everthing you wanted me to do! I did everthing to protect my sister! I fúcking did everything so she can live a happy life. Sinakripisyo ko ang putanginang kaligayahan ko para sa kan'ya, para huwag n'yo s'yang i-pressure tulad ng ginawa n'yo sa akin, I did everything to make her happy, I-I d-did e-everything, I did." Gumagaralgal na saad ni kuya, ramdam na ramdam ko ang galit at hinanakit sa boses nito.

Lalo akong napaiyak sa sinabi ni kuya, he suffered too much too. He suffered too much to the point that even his happiness he subsided, at ang masakit? Dahil 'yon sa akin, dahil 'yon sa pagmamahal n'ya sa nag-iisa n'yang kapatid.

Sunod-sunod ang pagpatak ng luha sa mata ko, halos mabingi na rin ako sa mga hikbi ko.

Buong buhay ko akala ko masaya si kuya sa nangyayari sa kan'ya, h-hindi ko alam na ganito ang ginawa n'ya para sa akin. I get jealous on what attention he receives from our parents without knowing that he's suffering too.

Nanghina si kuya at tuluyan ng napaluhod, hindi pa rin ako bumibitaw ng yakap sa kan'ya, this time we need each other.

"Maayos naman 'yung paki-usap ko sa inyo 'di ba? Mahirap bang tuparin ang sinabi kong, let her free? Pakiramdam ko sarili kong mga magulang tinraydor ako! Shit." Dugtong ni kuya.

"Kuya tama na, pagod ka na. Huwag ka na pong umiyak, tama na 'yon, tama na 'yong isinakripisyo mo ang kaligayahan mo para sa akin. Huwag mo na ulit gawin, nahihirapan ka na kuya." Mahinang saad ko.

I'm sorry kuya, I also hurt you. Sorry kung sinayang ko 'yung sakripisyo mo para sa akin, s-sorry kasi ikaw 'yung nagdusa para magawa ko 'yung gusto ko. Sorry kuya Steven.

"I love you po kuya." And with that I accept mom and dad's wish.

Tuluyan na nga kaming pinaglaruan ng tadhana.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

MY PROFESSOR's SECRETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon