barbe numbah 1

14 2 0
                                    

Naniniwala ka bang may langit at impyerno? Na kapag namatay ka ay mapupunta ka sa isa sa dalawang iyon? Di kaya'y sa purgatoryo?

Naniniwala ka ba sa mga pamahiin? Na kapag binalewala mo ang isa ikaw ay mamalasin?

Naniniwala ka bang tayo lang ang naninirahan sa mundo? Multo,anghel, demonyo,engkanto. Hindi mo ba alam kung totoo?

Naniniwala ka bang mabubuhay kang muli? Sa katauhan ng ibang tao,bilang hayop,o di kaya'y binhi?

Naniniwala ka bang ikaw lang ang nagbabasa nito? Hindi mo ba napapansin kung sino yang nasa tabi mo?

Naniniwala ka bang may Diyos? Panginoon,Lumikha,Ama ni Hesus na ipinako sa krus?

Naniniwala ka ba sa lahat ng ito? Ngunit bakit pinagdududahan mo ang kapwa mo at ang kanilang pagkatao? Naniniwala ka pero ipinapagsawalang bahala mo.

Naniniwala kang may langit at lupa pero patuloy ka parin sa paggawa ng masama.

Naniniwala ka sa mga pamahiin pero ang iniisip mo lang ay kung pano kang mamalasin.

Naniniwala kang wala nang ibang nilalang dito bukod satin pero may sinasamba kang iba kapag ikaw ay nagigipit.

Naniniwala kang mabubuhay kang muli pero hindi mo alam kung kelan ang huli.

Naniniwala kang ikaw lang ang nagbabasa nito pero hindi ka makatingin sa likod mo kung may nagbabantay ba sayo.

Naniniwala kang may Diyos at nanunuod sya sayo pero hindi mo iniintindi ang mga maling pinaggagagawa mo.

Naniniwala ka ba sa sarili mo? Naniniwala ka bang tama lahat ng pinaggagagawa mo?

Naniniwala akong babasahin mo ito at mapapaisip ka pero kinabukasan ay babalik ka ulit sa dati mong gawain.

Sa ngayon naniniwala ka,pero bukas makalawa makakalimot ka na naman.

Mga kwento sa Barber's ShopTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon