barbe numbah 2

11 2 0
                                    


Mabilis ang paglakad na ginawa ni Berto habang nilalakbay ang masikip at mahabang eskinitang iyon. Hingal. Pawis. Kadiliman. Tila ba may kung anong sumusunod sa kanya.

Habang hinahanap ang labasan ng walang hanggang daanan na iyon, isa-isang nagsipasukan sa isip ni Berto ang kanyang mga bangungot. Multo. Engkanto. Mga demonyo. Nakakapangilabot. Lalong nagtayuan ang kanyang mga balahibo nang sa hangganan ng eskinita ay makakita sya ng itim na pusang pula ang mga mata.

Unti-unti nitong ibinuka ang bibig kung kaya't nakita ni Berto ang dalawang matatalim at naglalakihan nitong mga pangil na nagliwanag sa dilim sa ilalim ng liwanag ng buwan. Naglakad ito palapit sa kanya. Dahan dahan habang binibigkas ang kanyang pangalan.

"Berto... Berto... Berto..."

Suko na s'ya. Hindi n'ya kayang labanan ang takot. Sa kalaliman ng gabi, nakita n'ya kung paanong ngumisi ang itim na pusa at handang handa na syang kainin nito nang biglang...

"Berto! Berto! Punyeta kang bata ka alas onse na ng tanghali nakahilata ka pa d'yan! Bumangon ka na madami ka pang lilinisin sa bahay! Bertooo!" Sigaw ng kanyang ina mula sa kusina.

Ligtas si Berto sa bangungot. Nag-isip-isip at makalipas ang ilang minuto ay nagtalukbong ulit gamit ang asul na kumot. Mas mabuti pang mamatay sa bangungot kesa magdusa sa rumaragasang sermon galing sa malaking bunganga ng kanyang ina.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 24, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mga kwento sa Barber's ShopTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon