𝗨𝗡𝗪𝗔𝗡𝗧𝗘𝗗 (12)

21.7K 633 37
                                        

𝗨𝗡𝗪𝗔𝗡𝗧𝗘𝗗 (12)

"Princess, pagaling ka na agad it's because malapit na ang Armoure Campaign nyo" Nakangiting saad ni Laira habang sinusubuan ako sa pagkain. Napatigil ako bago sya tinitigan

"Seryoso? Yes!" Excited kong saad at kinuha ang kutsara sakanya at dali daling kumain. Nagtaka naman ang mukha ni Laira.

"What are you doing princess? Maghinay hinay ka po... Mabubulunan ka" Nag aalala nyang saad at kinuha ang tubig. Niready nya ata para kung sakaling mabulunan ako ay maibigay nya agad.

"Okay lang... I promise, di ako mabibilaukan. Chill ka lang" Saad ko. Nakita ko namang nag alala sya

"Kelan po ba yung exact date ng Armoure Campaign? Shocks! Excited na tlaga ako!" Saad ko. Sandali nman syang napaisip.

"Sa next month pa, pero kailangan mong magpagaling para makapag training ka" Saad nya kaya tumango ako.

Okay, let me explain first kung ano ang armoure campaign. Kaya ako excited it's because isa itong napakalaking event sa fantasy world, sa mga schools nila. Kung sa modern world may intramurals, sa vampire or fantasy world ay meron namang armoure campaign.

Pero kung saatin laro lang like badminton, basketball or volleyball. Sa fantasy world naman ay battle para sa mga magics and powers o kung ano ang ability na kaya mo... Maraming manonood ng mga ganitong event like mga royal kings and queens. Sa iba't ibang kaharian.

Naeexcite ako sa mga ganto kase doon mo pwedeng ilabas ang powers mo. Excited na akong makita kung anong powers ko... And papakita ko sa lahat na hindi ako mahina... Igaganti kita Veronica. I swear!

"But princess, sabi ni Lyford na limited ang larong sasalihan mo because of your condition" Sandali akong napanganga. Whuttt? Limited?

"What?! No! Hindi ako papayag! I'm the one who'll decide kung ilan ang lalaruin ko not him!" Pagtatran trums ko. Ayoko! Bakkt sya nangingialam?

"But princess, ang kalagayan mo ang iniisip nya. Just... Please, listen to him lang muna for now... Magbabago pa ata yun ehh kase nga, next month pa naman" Huminga ako ng malalim to calm myself. This can't be...

"Where is he?" Tanong ko.

"He's with your sister princess" Sagit nya. Agad kong binalibag ang kumot sa katawan ko at kaagad na lumabas. I heard Laira calling my name pero di ko sya pinakinggan...


"Anak... What happened? You're supposedly resting right now" Mahinhin na saad nung step mom ko. Inirapan ko sya at lalagpasan na sana nang humarang sya

"Tabi! You're blocking my way!" Pagtataray ko. She's wearing a crown that the late queen used. Nag init ang ulo ko bigla. How dare she

"No! Mapapagalitan ka ng iyong ama" Saad nya. Lumingon sya sa paligid at tinawag ang isang guard

"Kawal! Please, send my daughter again to her room... She needs to rest more" Seryoso nyang saad. Pinandilatan ko sya ng mata

"Don't touch me! And for your information, you're not my mother! Don't call me daughter because you're not my mom! And please, don't act like you're the real queen because you're also not! Get out of my way! Kakausapin ko si Lyford!" Galit kong saad

"Aisha and him were together, masasaktan ka lang sa makikita mo" She said while smirking at me.

"I don't care! Let me go!" Inis kong sigaw sa nakahawak saking kawal

"What's happening here?! Hey, what are you doing to my sister?" Kunot noong tanong ng kakarating na si Gavin

"Gavin anak... Your sister is my making a trouble. I told one of the guards to send her back to her room kaso nagpumilit syang maka usap si Lyford" Mahinhin nyang saad. Gavin stared at me

"Magpapapansin ka na naman ba? Please Veronica, stop! Lyford really love Aisha so much... Please, don't be so desperate" Saad nya.

"I'm not! Gusto ko lang syang makausap. Why is he minding my life ba? Palagi nya nlang pinakikialaman yung buhay ko! Look, he only gave me a limitation sa armoure campaign for next month!" Napahilot naman sa sentido si Gavin.

"Si ama ang nag utos nun okay? Lyford doesn't care about you so stop dreaming... He never loves you" Naikuyom ko ang kamao ko

"Sana pala sinira ko na nang tuluyan yang mukha mo!" Saad ko at agad na umalis. Nakakainis! Paepal yung fake queen na yun, tsk! Pag ako tlaga nakalabas dito...



"Princess! Jusko naman! Sabi ko sayo wag kang lalabas eh! Oh ano? Nakausap mo ba si---

Kaagad akong lumundag sa kama nagtaklob ng kumot

"Wala... Umepal kase yung feeling queen jan" Saad ko. Bigla namang bumukas ang pinto ang narinig ko ang pagpasok ng kung sino

"Veronica! Ano tong naririnig kong sumbong na hindi pinagsalitaan mo ng hindi maganda ang iyong mama" Napairap ako at agad na sinabunutan ang sariling buhok

"Umepal kase sya ama! Gusto ko lang namang makausap si Prince Lyford at yang asawa mong yan, umeksena. Dagdagan pa nung nakakainis na si Gavin" Saad ko.

"Veronica your mouth! May kausap si Lyford. He's with Aisha at namamasyal sila. Don't disturb them" may babalang sabi nya.

"Meron kase syang pinakialaman ama, lagot tlaga sya sakin kapag nakita ko sya" Saad ko. Bumaling ako kay Laira na nakayuko.

"Laira. Prepare my things! Papasok ako sa school!" Saad ko. Nanlaki naman ang mga mata nilang dalawa

"B-but princess..." Hinawakan ko ang kamay nya.

"Sige na... Gusto kong pumasok" Saad ko

"Hindi pwede! Hindi ka pa magaling! Just stay here!" May bahid na pagbabanta ang boses nya pero di ko pinansin

"Wala ka namang pake sakin ama di ba? Tsaka hayaan mo na ako! Pinakialaman mo na nga ang pagiging assassin ko tapos ngayon pakikialaman mo ang desisyon ko sa buhay? Hindi pwede yun, I need freedom too. Kalayaan at kaligayahan na ipinagkait nyo sakin" Saad ko at tiningnan sya. Nakita ko namang parang natameme sya sa sinabi ko

"Let her... Ako naman magbabantay sakanya" Napatingin ako sa pinto and nandito sina Aisha at Lyford... Napairap ako. Nakakapit ang h*gad na Aisha na yun sa braso nya. Ano pa bang aasahan ko?

"Wag na, kaya ko na ang sarili ko. Wag ka nang umeksena dito boy, may kasalanan ka pa sakin" Inis kong saad...

"And what is that? Ano naman ang kasalana ni Lyford sayo?" Tumaas ang kilay na saad ni Aisha. Inirapan ko sya ng bonggang bongga bago pinandilatan ng mata

"Wala ka na dun. Di ka naman belong dito kaya ba't ka nakikisawsaw dito?" Pagtataray ko.

"Veronica, show respect to your sister... Magkapatid kayo" May inis na saad nya. Ngumisi naman si Aisha. Tsk!

"She's not my sister ama!" Lumapit ako sakanya at saka sya tiningnan.

"Ako lang ang nag iisang prinsesa dito! Hinding hindi ako papayag na aagawin yan sakin ng babaeng ito!" Diin kong saad at tiningnan si Lyford na nakatitig rin sakin... Binangga ko ang balikat nya at nakita ko namang napaatras sya.

Napangisi ako, I have a plan. Yun ay ang pagselosin si Lyford. At kunwaring agawin sya kay Aisha... Tingnan lang natin kung sinong mananalo.

I'm gonna show you that a weak princess can defeat everyone too. Good bye weak Veronica and say hi to the new one... It's time for a perfect, sweet, and unforgettable revenge

Reincarnated as Vampire's Unwanted MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon