𝗨𝗡𝗪𝗔𝗡𝗧𝗘𝗗 (19)
𝗩𝗘𝗥𝗢𝗡𝗜𝗖𝗔 𝗣𝗢𝗩
Nagising ang diwa ko sabay hawak sa ulo ko nang maramdaman ko ang pagsakit nito. Gumalaw ako at naramdaman ang lambot ng higaan ko. Nagtataka ako bago ko pasimpleng imulat ang mga mata ko
Tumingin ako sa kisame at agad nabaling ang tingin sa bandang tyan ko nang maramdaman ko yung bigat nito. May nakayakap sakin. Nagulat ako at ang mas ikinagulat ko ay nung lingonin ko ito ay nakita ko si Lyford.
Natulala ako sandali. Bakit katabi ko sya? Bigla akong namutla
"AHHHHHHH!!!" Buong lakas kong sigaw at naitulak ko si Lyford dahilan para mahulog sya at magising
"Sh*t!" Rinig kong mura nya. Umatras ako at tinakpan ang katawan ko ng kumot. Tiningnan ko ang suot ko at nakahinga ng maluwag nang makitang, may mga damit nman ako...
"Bakit mo ko tinulak?" Inis nyang reklamo sabay hawak sa bewang nya na ngayon ay masakit dahil sa pagkakatulak ko. Napalunok naman ako
"B-bakit katabi kita?! Di ba nasa dessert island ako? Bakit ako nandito? Anong ginawa mo sakin Lyford?" Taranta kong tanong. Walang emosyon nya naman akong tiningnan bago nagsalita
"You got drunk last night woman... Sige, inom pa... You know what? Dahil sa pagsama mo dyan sa mga kaklase mo muntik ka nang mapahamak" Saad nya na ikinakunot ng noo ko
"Pake mo ba?! Tsaka bakit nasa kwarto mo ko? Sana inuwi mo nlang ako sa palace namin!" Reklamo ko sabay hampas ng unan sa kanya
"Ayoko, baka makita tayo ni Aisha" Umirap naman ako
"Ay wow! Loyal mo tlaga sakanya noh?" Sarkastiko kong saad. Tumingin naman sya sakin na parang naiirita
"Loyal your a**! I don't want to show her face! It's irritating" Saad nya na ikinangiwi ko. Nagtaka rin ako. Lumapit ako sakanya sabay hipo sa noo at leeg nya.
"What are you doing?" Naiinis nyang tanong sakin.
"Wala ka namang sakit ah? Iniisip ko tlaga kung anong nakain mo at ayaw mong makita si Aisha" Hinawakan ko ang panga ko sabay tingin na nakakunot ang noo sakanya. Umiwas naman sya ng tingin
"Why? I didn't love her from the start... I'm just using her... I just found someone and I think I'm falling inlove with her" Nagulat ako dahil sa sinabi nya.
"So? Are you saying that you're just using and playing her? Buti nlang tlaga di na ako nahulog sayo" Saad ko. Natigilan naman sya
"W-what? Mahulog sakin?" Kita ko sa mga mata nya na parang malungkot sya. Tumango naman ako
"Oo... Buti nlang tlaga kase pagnagkataon, baka gamitin at paglaruan mo rin ako" Saad ko. Huminga ako ng malalim bago sya binalingan
"Nagugutom ako... Uuwi na rin ako" Saad ko pero hinawakan nya ang braso ko. Nagtataka ko naman syang tiningnan.
"D-dito ka nlang kumain... Nandito rin sina ama" Tumango nlang ako. Naglakad naman sya papalabas at sumunod lang ako sakanya. Di ko rin naman alam yung mga pasikot sikot dito...
Natulala ako sa ganda ng palace nila. If I'm not mistaken, mas magara at mas malaki pa yung palace nila Lyford kesa samin. Well, they're one of the most strongest palace din naman kaya di na ako magtataka kung bakit ang laki ng palace nila.
Their palace ranks as the most powerful dito sa mundo. While we took the second place naman. Naramdaman ko yung titig ni Lyford sakin kaya naman ay tumingin ako sakanya na nagtatanong
"What?" Umiwas naman sya ng tingin bago nagsalita
"Para mo nmang first time makapunta dito... Seems like, you're enjoying the view" Saad nya. Hindi naman ako umimik
"A-ano? Hindi ba ito yung first time ko makapunta dito?" Nagtataka nya naman akong tiningnan
"It's not your first time, nakapunta ka na dito many times. Did you forget it?" Hindi ako umimik. Base sa novel kase, hindi kailanman nakatapak si Veronica sa palace nila Lyford it's because ayaw ni Lyford sakanya. Kumbaga, ban sya na nakapasok dito
"Uhmm... Di ba, ayaw mo akong pumasok dito sa palace nyo? So how come na nakapunta ako dito?" Nagtataka ulit nya akong tiningnan
"Are you drunk pa ba? You're always allowed to enter in this palace it's because you're my mate" Saad nya. Doon ako natulala. So it mean, nagsisinungaling yung book sakin? Pero kase...
"We're here" Nabalik ako sa ulirat nang magsalita sya. Ang gara ng dining area nila. Grabe! Napatulala ako sa gabda ng dulining area, idagdag mo pa yung magandang mesa nila
"Oh hi! You're here pala Veronica!" Napatingin ako sa nagsalita. It's Luford. Umiwas ako ng tingin dahil sa ramdam ko yung titig nya sakin.
Nagbow ako sakanya bago nagsalita
"Greetings po sa inyo... Good morning" Saad ko.
"Hello iha! Have a seat! What brings you here? Di ba nasa dessert island kayo together with your classmates? Where are they?" Tanong nya. Hinilot ko naman yung sentido ko bago inalala lahat pero wala ako maalala...
"I don't know po..." Nagtataka naman syang nakatingin sakin.
"What do you mean by you don't know! Hindi pa ba sila nakauwi? Nauna ka ba?" Napakurap kurap ako. Ramdam ko yung mga titig nila
"I don't know po since... I just wake up..." Nilingon ko si Lyford. He's busy getting some food to eat. Sasabihin ko ba?
"From Lyford's room" Napanganga naman yung mga nakarinig. Lalo na ang mama nila.
"Lyford? Is that true? Paanong nasa kwarto mo si Veronica? Kinidnap mo sya?" Natigilan naman si Lyford bago ako binalingan ng tingin
"No... I feel na nasa panganib kase sya kagabi so agad ko syang pinuntahan sa dessert island" Saad niya. Panganib?
"Nasaktan ka ba?" Biglang tanong ni Luford kaya umiling lang ako at ngumiti para di naman awkward...
"No. I won't let that happen so, don't ask her like that again" Malamig na saad ni Lyford. Umupo ako sa upuan...
"Why can't you tell them that you're staliking her right? Bakit mo naman naramdaman na nasa panganib sya? Tell me?" Ngumisi naman si Lyford bago nagsalita
"Remember brother, I'm her mate kaya nararamdaman ko tlaga... You don't care if I guard or stalk her" Nakangising saad ni Lyford
"Mate? Really? Sa sitwasyon nyo ngayon, it feels like, parang si Aisha ang mate mo... You always care about her rught? Where is she? Oh, papunta na siguro sya noh?" Bigla namang hinampas ni Lyford ang lamesa dahilan para magulat ako dahil sa ginawa nya.
"Naghahanap ka ba ng away? I can give it to you" Malamig nyang tanong kay Luford. Ngumisi lang ito.
"You two stop! Mahiya naman kayo kay Veronica! She's here and show respect. We're in front of the food kaya wag kayong bastos!" Giit na saad ni Liford sakanila. I think he's the youngest sakanila.
Natigil naman sila at yumuko. We start eating at walang ni isang nagsalita. Ako naman, panay ang tingin kay Lyford kung anong reaksyon nya. Is he mad until now?

YOU ARE READING
Reincarnated as Vampire's Unwanted Mate
VampireTHE BOOK PHOTO IS NOT MINE, CREDITS TO THE RIGHTFUL OWNER SOURCE: Pinterest 𝗦𝗬𝗡𝗢𝗣𝗦𝗜𝗦 One day, she just reincarnated as vampire's unwanted mate