Chapter 1

1.2K 57 5
                                    

2 years later.

Katahimikan at pawang pakiramdam ang bumabalot sa ilang daan na katao sa Norteng bahagi ng Doom's gate. Nakatayo doon ang grupo ng Blackhole army na nagtangkang lumabas sa Blackhole at muling makapasok sa Forbideria upang mag-alsa sa kaharian. Ipinaglalaban ng mga ito ang kanilang kalayaan at mag-alsa sa buong kaharian. 

Mula sa itaas ng gate, nakatayo roon ang grupo ni Gaia. Seryoso ang mga ito at hindi alintana ang bilang ng kabilang grupo.

"Kung hahayaan nyo kaming makalabas, bibigyan ko kayo ng pabuya lalo ka na Premier guard. Gagawin kitang kanang kamay pag-upo ko sa trono." Mayabang na sabi ni Ursus, ang Army General. May pula itong tali sa noo at magkabilang braso, simbolo ng pagiging lider nito. Hawak din nito ang mahabang sibat bilang armas. Litaw ang namumutok nitong kalamnan sa walang damit na katawan. Tanging kupas at lumang pantalon ang suot nito. 

"Wala sinuman ang pwedeng lumabas sa Blackhole," sagot ni Gaia. 

Nagtagis ang bagang ng lalaki. Hindi naman nag-iwas ng tingin si Gaia. Matapang din na nakatingin ang lima niyang kasama sa kabilang grupo. Kahit parang tinatamad ang pagkakatayo ng mga ito, hindi naman maikakaila ang pagiging alerto.

"Mayabang kang magsalita dahil lang tumagal ka sa posisyong iyan at natalo mo ang ilan kong tauhan, pero huwag kang makampante Premier guard. Kilala ko ang inyong Division leader. Asahan mong hindi ka na tatagal sa posisyong 'yan at iyon ang pagkakataon namin upang muling makapasok sa kaharian!" Banta nito.

"Nakakatamad ka namang kausap Ursus," reklamo ni Jag, isa sa kanyang kasama habang humihikab. "Kung sana umalis na lang kayo, nakatulog pa ako."

"Ang tamad mo talaga, Jag! Hinihintay ko pa naman ang pagsugod nila. Hindi pa ako pinagpapawisan sa araw na ito." Excited na sabi ni Heather. Kanina pa ito nag-hahanda sa pakikipaglaban, ngunit tila naiinip na rin ito sa paghihintay kung kailan susugod ang kalaban.

"Huwag kang mainit Heather kahit ang hot mo," kindat dito ni Trey na sinusungitan ng isa. "Maawa ka sa kanila, hindi sila totoong army. Normal silang mamamayan na ipinatapon sa Blackhole at nakuhang linlangin ni Ursus upang makipaglaban. Marami na ang napapahamak dahil sa kanya pero hindi pa rin siya tumitigil."

"Tumahimik ka!" Sigaw ni Ursus kay Trey. "Wala kang karapatan para sabihin na isa akong mapaglinlang! Ang Premier guard nyo ang nagawang linlangin ng kanilang Division leader! Alam kong isinubo siya rito upang mamatay!" Giit nito.

Simula pa lang, alam na ni Gaia na iyon ang rason ng Division leader kaya siya ginawang representative ng Atar Division. Ngunit ginawa niya ang lahat upang mabuhay. Nabuhay siya sa dahas ng paligid ngunit sa lugar na ito, kailangan niyang mabuhay gamit ang dahas at nagawa naman niya iyon sa nakalipas na taon. 

"Ursus, tigilan mo na ang iyong kahibangan. Kailanman hindi ka makakaalis sa Blackhole sa ganitong paraan!" Pahayag ni Lordion na kanina pang nagmamasid sa paligid. Katabi nito ang sadyang tahimik na si Sara. 

Bumakas ang labis na galit sa mukha ni Ursus.

"Walang ibang paraan para makalabas sa Blackhole kundi ito lang! Hindi nyo kami naiintindihan dahil wala kayo sa sitwasyon namin! Hindi nyo naranasan na mawalay sa pamilya, hindi nyo naranasan na ipagtabuyan at hinding-hindi nyo naranasan na itratong kriminal kung wala naman kaming ginawa kundi ipagtanggol ang aming sarili sa pang-aalipusta!" Nagtatagis ang mga ngipin nitong sabi. Kitang-kita ang labis na galit sa mga mata ng lalaki. "Walang kwenta ang batas ng Forbideria. Kaya babaguhin ko iyon kapag nakuha ko ang pamumuno!"

Totoong hindi patas ang batas sa kaharian. Mas lalong naghihirap ang lahat ng may mababang uri ng pamumuhay. Ang ranggo ng bawat dibisyon ay nagpapakita ng unfair na pakikitungo sa bawat isa. Kapag nalaman nila na isa kang mamamayan ng huling division, mababa na rin ang tingin nila sa'yo. Walang pantay-pantay na pakikitungo sa loob ng kaharian at hindi niya alam kung bakit hanggang ngayon ay hindi kumikilos ang Royal Family upang solusyunan ang problemang iyon. Naiintindihan niya si Ursus, sapagkat naranasan niya ang unfair na batas ng kaharian sa mismong division na kinabibilangan niya.

Kingdom Warrior Series 1: Mark of the QUEENWhere stories live. Discover now