8: Stupid

4K 174 14
                                    

I start hitting my head and continuously groan in annoyance , kanina ko pa hinihilot ang ulo ko dahil sumasakit na naman hindi ko nga maalala ang nangyari kagabi Basta pag gising ko Ay nasa Kama na ako , I tried to remember everything pero nag black lang ang utak ko parang may pumipigil sa isipan ko na ilabas ang dapat ilabas

Natapos na ako sa pagligo at lahat nang preparation ngayong umaga dahil nga nagkayayaan kami nila Xhien na gagala sa arcade at mag Valorant sa bahay nila Xhien

Tumayo na ako bago kinuha ang sling bag ko ayoko namang malate dahil I'm sure babatukan ako nang dalawang yun

Sumasakit rin ang sikmura ko hindi ata ako nakakain kagabi at natulog na lamang

"Manang can you give me a chocolate warm drink " Pakiusap ko Kay Manang she nodded her head bago naglakad papunta sa kitchen
Patuloy ko paring hinihimas ang tita ko habang pianghahain ako nang pagkain ng ibang maid

"Ansakit ng tiyan ko " Sabi ko kaya napatingin agad sakin ang isa sa mga maid namin

"Ma'am dahil siguro andami niyong kinain na itlog pugo sa gulay kagabi " sagot Niya na kinatingin ko sa kanya
Patuloy parin ang naglalagay Niya nang tinapay sa Plato ko

"Kumain ako kagabi?" Bakit wala akong natatandaan , ang natatandaan ko lang Ay ang weird na panaginip KO
Nakausap ko daw ang sarili ko at may nagsasalita sa utak ko

"Yes ma'am " napatingin ako sa malayo bago kumunot ang noo bat wala akong maalala

"Ang weird niyo nga ma'am biruin niyo kumain kayo ng gulay eh ayaw niyo naman yun Pati pakikipagusap sa mga Mommy niyo ang Inga niyo nga po kagabi " She utter as if I've done the weirdest thing ever

Napakamot ako sa batok dahil naguguluhan ako sa nangyayari

"Eto na ang Chocolate drink mo Rainey " biglang sabi sa tabi ko , doon ko lang nakita Si Manang tumango ako sa kanya at nagpasalamat

Nauna kong ininom ang drink ko bago kumain ng bread

"Ma'am Congrats po pala Sabi ni Nestor nag top po kayo sa room nito" sabi ni Manang sakin ,napatigil ako sa pagnguya , nakalimutan ko na yun
Nakita ko na lang nga ang Mga award ko sa basurahan it means itinapon ko talaga yun

I said thank you and nodded my head

"Nga pala Rainey sabi ni Ma'am Rain at Ma'am West baka daw sa Monday na Sila makakabalik pupunta daw sila sa Indonesia , and your brother and sister may kanya kanyang gagawin ngayong weekend , nag Iwan na rin daw ng money credit card mo " Mahabang lintaya ni Manang habang may pinupunasan na mga Plato ,tumango ako sa kanya bago kinuha ang bread at Inubos ang chocolate drink

"Una na ako Manang " sabi ko bago lumabas ng bahay habang kinakagat ang bread ko

Palagi naman tong nangyayari wala akong kasama sa bahay Kundi ang mga maid , ang katwiran nila Mommy at Mama I'm still young kaya hindi pa ako pwedeng gumala gala hanggang Gabi hindi katulad nila Kuya at Ate

Napaawang ang Labi ko nang hindi matanaw Si Manong , mukhang nililinis na Niya ang sasakyan sa third garage namin

Napakamot ako nang ulo bago kinuha ang bike na Minsan ko lang ginagamit
Malapit lang naman ang pupuntahan ko kaya alam kong Kayang kaya

Nagpidal ako at pinagbuksan naman ako ng guard namin doon
He even greet me good morning na kina tango ko na lang
I continuously pedal my bike hanggang sa makarating ako sa intersection papuntang high way
Kinuha ko mula sa bag ang cellphone ko bago tiningnan sa Waze ang bike lane
Kung ganon kailangan ko pang dumaan muna sa highway tapos Liliko sa kabilang kanto bago pa ako maka punta sa bike lane papunta sa mall

*beeppppp

Muntikan ko nang maihagis ang cellphone ko dahil sa malakas na tunog na iyon , tumingin ako sa likuran para makita ang Salarin
Nakita ko ang isang mamahaling kotse habang nakatigil sa likuran ko
Bumukas ang pintuan ng driver seat kaya agad kong ipinasok ang cellphone sa bag ko

"Can't you see this is a high way bakit ka nag cellphone , are you stupid ?!" Malakas niyang salita , napatigil ako it's a familiar voice
Paulit ulit akong lumunok dahil nakilala ko na kung sino yun , kapag minamalas ka nga naman

Tumingin muli ako sa direksyon Niya , nakita ko kung Pano siya natigilan nang makita ako maybe nakilala na Niya ako
Pero bumalik muli ang pagkakakunot ng noo Niya

"Rainey right?" Madiin niyang salita , tumingin ako sa paligid Ngunit kaming dalawa lang pala ang naririto

"Yes Rainey Erin Marcus po " Tumigil muli soy at tinitigan ako , pakiramdam ko napapaso ako sa pagkakatitig Niya sakin
Parang may iniisip siya na malalim dahil nakatitig lang ito

Doon ko na kinuha ang pagkakataon at mabilis na nagpedal Paalis sa kanya
Narinig ko pa Itong sumigaw nang 'stupid ' pero hindi na ako tumingin muli

Patuloy lang ako sa pag pedal hanggang sa makarating ako sa kabilang kanto , lumiko ako at napuntahan ang bike lane

Kung sinuswerte ka nga naman wala masyadong nag bike

Napangiti ako nang maalala ang nangyari kanina , I checked her out pero hindi ko lang pianhalata
Ang ganda Niya sa suot na simpleng jogging pants , tsinelas at fitted shirt , halata rin ang pagkagulo ng buhok Niya
Kahit Kunot ang noo Niya ang ganda ganda parin Niya

What !

Napatigil ako sa pag pedal at hinampas ang pisngi ko
Maganda? I mean Masungit siya
Hindi siya maganda ahh

"Maganda kaya "

Tumingin ako sa paligid para tingnan kung may ibang tao pero wala naman
Para kasing may bumubulong sa tenga ko

Nababaliw na ata ako

"You are not crazy Rainey "

Mabilis kong tinakpan ang tenga ko dahil may bumulong na naman sakin
Guni guni ko lang yun

Guni guni ko lang nababaliw na ata ako

Shet kailangan ko nang makausap Si Xhien

Alter Ego (R+18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon