28: Baby

4.5K 161 3
                                    

"Bwesit talaga tong math ......isusumpa ko to " Rinig kong reklamo ni Cielo habang sinusulat ang step by step procedure ng sagot , kailangan daw kasi step by step tapos each step one point kaya Ayan bawal mag short cut

Napailing na lang ako bago tiningnan ang papel ni Xhien kung parehas ba kami ng sagot , agad akong Ngumiti nang makita na parehas kami

Tama ang bawat step ko mukhang nagkakasundo kami ng math ngayon ahh

"Hoy Rainey baka mapunit yang Labi ko " Cielo nudge me habang nagtataas baba ang Kilay , pasimple akong tumingin Kay Ma'am habang nakaupo habang nakatingin sa laptop Niya

Baka mahuli kami na nagkokopyahan lagot , detention naman ang bagsak namin

"Kanina ka pa nakangiti " puna ni Xhien slain bago inilabas ang protractor at sinukat kung Ilang degress ang triangle na nakaprint sa bond paper namin

"Hindi nmn " wait? Kanina pa ba ako nakangiti?

"Oo kaya tanggi pa " bwesit talaga tong isa kahit kelan

"Nakangiti ka because?"
Dagdag pa tong Si Erin

Maybe because of Kelly , Simula kasi nang mag mangyari samin Palagi na Niya akong tine text kahit na matagal siya mag reply . Doon palang masaya na ako kahit na sabihin nila na Maliit na bagay lang yun

I like Kelly totoo yun , hindi dahil sa ganda Niya Kundi dahil naniniwala siya sa kakakayahan ko, this is my first time na makaramdam na ako ang Paborito Niya at hindi Niya ako iiwan

That morning she promised to me na kahit Anong mangyari I just need to trust her and only her . Sinabi din Niya na Hindi siya gagawa ng kahit ano para magkasiraan kami because she treasure our connection

We don't have a relationship but it feels that we have , okay na ako sa ganito

"Ngayon naman tulala habang Nakangiti , okay ka pa ba ?" Xhien touch pinch knuckles kaya Napailing ako , masyado silang nag iisip ng kung ano ano

"I'm okay , patingin ng number 6 d ako sure sa sagot ko" bulong ko sa dalawa kaya inalis nila ang pagkakatakip sa mga papel nila , I scan their papers , mukhang tama naman ang sagot ko at procedure

"5 minutes " sigaw ni Ma'am habang nakatayo na pala sa Unahan , umiikot ang mata Niya sa amin at halata mong sinusuri Niya kami isa isa

"Boys at the back!" Sigaw pa ni Ma'am kaya Napangiwi ako anlakas ng boses Niya akala mo bingi kami

"Mamaya compshop ulit tayo " Suhestiyon ni Xhien samin , kita ko ang pagtango ni Cielo habang sinusulat ang pangalan Niya sa itaas ng papel

"Sa bahay na lang ayos na ang computer ko , dadating din Si tita belle " sabi ko habang sinusulat rin ang pangalan ko

Tumahimik silang dalawa kaya napatunghay ako , mukhang nagiisip pa Sila

"G text ko Si Mommy at Dad mamaya" Napangiti ako sa sinagot ni Cielo

"Ano na Xhien hindi naman magagalit sila Tita Yka ahh " sino ko sa kanya

"Sige na nga " tumango ako bago Tumayo

Naglakad ako Patungo sa desk ni Ma'am at inilagay doon ang papel ko , mabilisan dinampot ni Ma'am ang Papel ko bago sinuot ang salamin Niya

Nagpalipat lipat ang Tingin ni Ma'am sakin at sa papel ko

"Double check your answers " kinabahan tuloy ako sa sinabi ni Ma'am , Binaba na niya ang papel ko kaya naglakad na ako pabalik sa upuan

Nakatingin sakin ang mga kaklase ko , shut nakakahiya naman

May Mali ba akong sagot ? O baka mali Lahat

Oh my ghad wag naman sana over 20 yun baka ma itlog ako

"Labas na ang tapos na para makita ko kung ilan na lang ang hihintayin " siniko ko muna ang dalawa bago nagdesisyong lumabas dala ang wallet at cellphone ko na nasa bulsa

"Ang Hirap nang number 12, Anong sagot mo ?"usapan nang mga kaklase ko pagkalabas namin ng pintuan ng room , hindi ko sila pinansin at tumingin sa quadrangle

I bit my lips when I saw Kelly , naka PE uniform ito habang nagstretching

Mukhang may activity sila dito sa labas

Kitang kita ko ang karamihan ng junior high na nakatingin sa kanya , sa ganda at Poise Niya talagang mapapatingin ka

Nauuna nang 30 mins. ang lunch break ng junior kaya Malaya namin silang mapapanood

Kumunot ang noo ko nang biglang may lumapit na lalaki sa pwesto Nila Kelly , who's that guy? Nakangiti ito at mukhang may nakakatawang sinabi

Tumango lang Si Kelly at hindi pinansin ito , napatawa ako bigla

Buti nga sayo palakain masyado

Kinuha ko ang phone sa bulsa bago tinext Si Kelly

To: Kelly 💓
Good luck

Nang Maisend ko yun Ay tumingin na ako sa pwesto nila , kita ko na kinuha niya ang phone Niya with a smile on her lips

From: Kelly💓
Thanks Muah

Napakagat ako nang Labi para Hindi mapangiti ,muah? Kiss ba yun

Wait lang

Relax ka lang self kiss lang yun sa text hindi naman yun nakakakilig

Sino bang niloloko ko kinikilig naman ako

Tumalikod ako sa quadrangle para takpan ang mukha ko , naginit na kasi ang pisngi ko sa Maliit na bagay lang

Little things matters Ika nga nila

From: Kelly💓
You're cute baby

Baby?!!!???Shit

Teka nakikita Niya ba ako ?

Humarap muli ako sa pwesto nila Anya agad na nagtama ang mga mata namin , nakangisi ito bago kinindatan ako

Bwesit ka talaga kahit kelan hanggang dito ba naman

Para tuloy akong bata na kilig na kilig

High school palang naman ako pero aarrrrgghhhhhh!!!!

Hindi naman siguro masama di ba

To:Kelly💓
Baby huh?

Namumula man ang pisngi ko Ay hinayaan ko na lang

From:Kelly💓
Yes my baby

To:Kelly💓
Kain kana

Pagkasend ko non Ay agad kong binulsa ang cellphone ko , anlakas na ng tibok ng Puso ko at parang kakawala na ito sa dibdib ko

"Bwesit talaga Si Ma'am" humalik ako sa wisyo nang makitang palabas na ang dalawa
Simangot na simangot Si Cielo halatang pinagdiskitahan na naman ni Ma'am

Alter Ego (R+18)Where stories live. Discover now