Chapter 1

1.5K 46 7
                                    

This is a work of fiction. Names, characters, places, event and incident are either the products of the Author's imagination or are used in a fictitous manner and any resemblance to actual persons, living or dead, actual events or locales is entirely coincidental....

Nagising ako dahil sa ingay sa paligid, binuklat ko ang mga mata ko at mga unfamiliar people ang bumungad sakin.

"Gising ka na pala"Sabi nung isang babae.

"W-who are you?where am i? At higit sa lahat what's my name?"Sabi ko.

"Ako ang mommy Harmony mo at Ito naman ang daddy Denzel mo at nasa hospital ka ngayon dahil inatake ka naman ng sakit mo at ang pangalan mo is Hazel, Hazel Diaz"sabi nung babae.

"A-ano po ba ang sakit ko?"tanong ko.

"Hika ang sakit mo anak"Sabi ni Mommy Harmony.

Hika? Pero bakit parang nawalan ako ng alaala? Kung hika yung sakit ko dapat kilala ko sarili ko.

May pumasok naman na isang babae.

"Tita pwede na pong lumabas si Hazel"Sabi nung babae.

"At siya naman ang bestfriend mo si Winter"Sabi ni Mommy.

Winter?! What kind of name is that?! Wala na bang maisip na pangalan ang mga magulang niya kaya Winter na lang yung pinangalan nila sa anak nila!.

"Is that really your name? Winter?"tanong ko.

"Oo, Winter Snow ang full name ko"Sabi ni Winter.

Pati surname nila weird din! Winter Snow sabagay bagay naman pero weird pa din.

"Oh Tama na yan halika na Hazel anak umuwi na tayo"Sabi ni Daddy.

Tumayo naman ako at nagbihis alangan namang lalabas akong nakahospital gown? Baka pagsabihan pa ako ng mga Tao na nakatakas ako sa mental.

Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na ako ng CR at nakita ko silang tatlo, nagtataka din ako kasi magkaiba kami ng eyes color, blue eyes kasi sakin samantalang sa kanila ay dark brown eyes.

"Mommy may tanong lang ako"Sabi ko.

"What is it Sweetie?"tanong ni mommy.

"Bakit po parang wala akong maalala?diba po hika lang po yung sakit ko?"tanong ko.

"Ganon ka kasi tuwing aatakihin ka ng hika makakalimot"Sabi ni Mommy.

Napatango naman ako sa sinabi niya at sumakay na kotse ni daddy, sumabay din si Winter samin.

Habang nasa byahe may nakita kaming nakablack outfit na pitong lalaki at parang may hinahanap sila.

"Hanggang ngayon ba hinahanap pa rin nila si Kaira? One year na ang nakalipas ah simula nung nawala siya ah"Sabi ni Winter.

"Sino si Kaira?"tanong ko.

"Kaira Monteverde she's the gangster princess of Phillipines and Italy, she have two brother which is Kevin and Kyle Monteverde, she also have a boyfriend which is James Bartolome, she's missing for one year and hanggang ngayon hinahanap pa rin siya"Sabi ni Winter.

"Wala bang nakakaalam sa mukha niya?"tanong ko.

"Hindi pa nila nireveal yung face ni Kaira eh so wala pa"Sabi ni Winter.

Napatango na lang din ako.

"Stop talking about them"Sabi ni Daddy.

Natahimik na rin kami ni Winter pero yung tingin ko ay nandun pa rin sa mga lalaki, ewan ko parang familiar lang kasi sila sakin.

Section G Princess 《Complete》Where stories live. Discover now