Chapter 29

245 10 0
                                    

["Yes, thank you so much."] Paalam ko sa kausap ko sa telepono.



Pabagsak ko naman akong umupo sa aking office chair ng may tumawag sa akin mula sa labas ng aking opisina.



'Your Royal Highness?" tawag ni Ate Aura sa akin. Agad ko naman inaayos ang aking postura, saka siya tinawag para pumasok. Nakangiti siya sa akin bago nagpatuloy sa pagsasalita.



"Handa na po ang inyong umagahan." Pag-iinform nito sa akin dahilan para mapatingin ako sa orasan at pasada 10 am na.



Binigyan ko naman siya ng ngiti sabay iling. "Hindi na, mamaya na sigurong tanghali na lang ako kakain. Wala akong gana. Nag gatas naman na din ako." Pahayag ko dito saka itinuon ang atensyon ko sa mesa ko kung saan ko inumpisahan tignan ang mga papeles na binabasa ko kanina.



Akala ko aalis na siya pero nagsalita pa ito. "Ngunit naghihintay po si Prince Astrid sa hapag." Nakayuko nitong pahayag.



Napahilamos naman ako sa aking mukha dahil sa narinig. "Sasabihan ko po ba siya na tanghalian pa ang inyong kain?" Tanong nito sa akin na agad ko inilingan.



"No, sasabay ako. Mauna ka na at sabihan mo siyang pa sunod na ako." Nakangiti kong utos dito.



Nang makalabas si Ate Aura ay agad kong nasabunutan ang sarili ko. Pota bakit ba kasi nag pakalasing ako kagabi?!



Ni hindi ko maalala lahat. Ang tanging naaalala ko lang ay ang pag sipa ko sa likod niya ng hindi ko alam na dahilan. Paggising ko ay wala na siya, inihabilin naman sa akin ni Ate Aura na dito sa palasyo natulog si Astrid. At umalis lang ito kaninang umaga.



Habang ako late na nagising buti nalang at may gatas at gamot sa bedside table ko kaya nabawasan din yung hang over ko. After ko mag-ayos ay diretso din agad ako dito sa opisina para kumausap ng mga taong may appointment sa akin at magbasa ng mga papeles.



Tumayo na ako at nag handa para sabayan si Astrid mag-agahan. Paglabas ko agad akong sinalubong ni Kuya Jerry habang nakapalibot sa labas ng opisina ko sila Mr. Gabriel, Mr. Luis, Mr. Jerar and Mr. Henry and lahat sila ay mga Personal Guard ko.



Napangiti naman ako sa sarili ko dahil nag iimprove na ko. Hindi na Men in Black ang tawag ko sa kanila. Lahat sila ay sabay sabay nagbow ng makalabas ako. Binati ko naman sila at dumiretso na papunta kung nasaan si Astrid.



Naabutan ko naman siyang nagcecellphone, I cleared my throat para makuha ang atensyon niya. "Good morning, Your Royal Highness." Bati ko dito habang pinaghila ako ni Kuya Jerry ng upuan katapat ni Astrid.

The Queen (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon