BC 5 : BirthdayS Part 2

3.4K 92 18
                                    

*AUTHOR/THIRD PERSON'S POV*

"Wahh! Ang cute nya!" nanggigigil na sabi ni Sena habang nakatingin silang mga bata kay baby Jennica.

Pinapunta na nila dito ang mga bata pati ang F(x), 2ne1 at sila Nichkhun at GD. Habang ang Exoshidae ay kumakain sa restaurant. Si Kris ay andito lang, nakaupo sa tabi ng hospital bed ni Jessica, habang hawak-hawak ni Jessica si baby Jennica. Tuwang-tuwa ang mga bata sa bago nilang baby.

"Ang cute cute ng kapatid ko! Manang-mana kay kuya!" tuwang-tuwang sabi ni Ace.

"Hindi kaya! Si baby Jennica cute, ikaw hindi!" nakabelat na sabi ni Betty kay Ace.

"Gwapo ako!" sabi ni Ace.

"Oy! Oy! Tumahimik nga kayong dalawa. Si Jennica ang topic dito." saway ni ever-kj na si Harren. Haha.

"Jessi, bakit ba ang cute ni Jennica?" manghang-manghang puri ni Minzy. Cute na. Ute kasi sya kay Jennica.

"Kasi ako yung tatay eh." proud na sabi ni Kris.

"Ulul! Hindi ka kaya cute!" nakatawang sabi ni Nichkhun.

"Psh!" sabay tadyak ng mahina ni Kris kay Khun.

Punta naman tayo sa kabila.

"Hoy Sooyoung Huang! Akin ata yang inaakit mo!" bulyaw ni Yoona kay Sooyoung.

Tinaasan ni Sooyoung ng kilay si Yoona. "Excuse me? Nauna ata ako." mataray na sabi nito.

"Nauna ka? Akin kaya yan! Iniwan ko lang saglit, inagaw mo na!" inis na sigaw ulit ni Yoona.

"Hoy! Wala akong inaagaw! Kasi akin naman talaga to! Akin!" sigaw pabalik ni Sooyoung.

"Akin yan Sooyoung! Bakit mo ba inaakit yan? Hindi yan maaakit sayo! Sa akin lang yan maaakit kasi ako ang nauna jan." sabay irap ni Yoona.

"Hindi ko to inaakit ah! And excuse me, this is not first come, first serve. Iniwan mo eh, edi kinuha ko!" mataray na sabi ni Sooyoung.

Dahil sa inis ng Exoshidae sa nakikita nilang scenario, tumayo si Kai at kinuha ang hita ng manok na pinag-aagawan ng dalawa.

"HOY JONGIN!" sabay na bulyaw ng dalawa.

"Pinagaagawan nyo pa eh." sagot ni Kai at kumagat na sa manok.

"Kayong dalawa naman kasi! Manok lang ang pinagaagawan, para naman kayong nag-aagawan sa lalake!" bulyaw ni Taeyeon.

"Eh kasi unnie eh! Si Sooyoung eh! Uminom lang ako ng tubig tapos nilapag lang yung manok, kinuha na ni Sooyoung!" reklamo ni Yoona.

"Eh nagugutom pa ako eh!" reklamo rin ni Sooyoung.

"O sya sya! Tama na nga yan. Ang tatanda nyo na, may mga asawa at anak na, isip bata parin! Tsk." saway ulit ni Taeyeon.

Sabay lang napapout ang SooNa kaya napailing-iling nalang ang iba dahil sa sobrang childish ng dalawang to.

Pagkatapos nilang kumain ay bumili sila ng cake at pumunta na sa kwarto ni Sica.

"Oh? Bakit may dala kayong cake?" kunot-noong tanong ni Kris.

"Welcome Baby Jennica! From: Titos and titas" basa ni Kris sa dedication sa cake.

"WELCOME BABY NICA!" biglang sumigaw si Sunny kaya agad syang pinatahimik ng iba.

"Uyy! Nasa ospital tayo, ang ingay-ingay mo!" suway ni Hyoyeon kaya nagpeace sign lang si Sunny.

*********

Lumipas ang ilang araw at nakalabas na ng ospital sila Jessica.

Andito sila ngayon sa bahay nila Jessica at Kris, nagsecelebrate bilang pagwewelcome kay baby Jennica.

"Shhhh! Wag kayong masyadong maingay ah!" suway ni Jessica habang umaakyat sa hagdan para iakyat sa kwarto ang natutulog na si baby Jennica.

Maya-maya ay bumaba na si Sica.

Maraming pagkain ang nakahanda sa lamesa nila, at may wine rin. Kaya syempre, tuwang-tuwa na naman ang mga shikshins, tsk. Hindi parin talaga nagbabago ang mga to.

"Oyy hinay lang sa kain Sooyoung! Marami kaya tayo dito!" suway ni Victoria kay Sooyoung. Pero etong si matangkad, hindi sya pinansin.

Bakit? Kasi nasa dreamland si Sooyoung. Pakiramdam nya ay sya lang magisa sa harap ng maraming pagkain. Slow motion pa nga eh, tsk.

"Congratulations sa ating cold couple!" hiyaw ni Suho habang nakataas ang isang baso ng wine.

Naghiyawan na rin ang iba kaya napangiti lang ang tinaguriang "Cold couple".

Nga pala, ang mga bata? Nagkumpulan sa kwarto ni Ace, nanonood ng movie, habang nakaptay pa ang ilaw, huehue.

Ang pinapanood nila? Wag na nating alamin. Basta, wag kayong green jan! Syempre, cartoons ang pinapanood nila, huehue.

"Ano ba Terence! Mauubos na tong popcorn oh! Wala kang tigil sa kakakain." bugnot na saway ni Sarah kay Terence. Alam nyo naman, etong si Terence ay anak ng shikshin, huehue

"Ang sarap kasi eh!" depensa ni Terence sabay kuha ng popcorn kaya napairap nalang si Sarah.

"Ang boring ng palabas!" reklamo ni Karl sabay tayo mula sa pagkakaupo sa sahig.

"Kj neto eh!" sabi ng katabi ni Karl na si Hannah sabay hila kay Karl paupo ulet.

"Ang ganda kaya! Ang kyut kasi ni Dori!" sabi naman ni Yvette.

"Ano ba kasing matututunan natin sa palabas na yan?" -Karl

"Kung pano mahanap si Dori." saracastic na sagot ni Hannah kaya napairap nalang si Karl at nanonood nalang.

Sige na nga, sasabihin ko na kung anong pinapanood nila. "Finding Dori" oo, meron nun! XD

----------------------

A/N : So, this is the last bonus chapter :))

The book 3, will be published soon.

Btw, I changed my username xD Former: rena_pnkgrl

Now...

~ tinkerbellu_

One Meeting 2 (EXOSHIDAE) [COMPLETED]Where stories live. Discover now