20 facts about me

2.6K 77 37
                                    

Tagged by : -fudGEE13

Sorry po sa mga nagexpect na update itu, later pa po ang. UD ko ^_^

Damayan lang eh XD

------

20 facts about me :

1. BALIW - Takas po kasi ako sa mental, inaamin ko XD Lalo na pag kasama ko ang mga barkada ko, asahan nyo, gusto nyo na kaming iuntog sa pader sa sobrang kabaliwan. Tawa kasi kami nang tawa eh.

2. MAHILIG SA DESSERTS - Mahilig ako jan! Kaya nga sinisikap ko na uminom ng maraming tubig eh. Baka mamaya magka-diabetes pa ko nang dahil jan. Pero masarap kasi eh ^-^

3. FAVORITE SUBJECTS ANG ENGLISH, MATH AT SCIENCE - Wala eh, ewan ko ba. Feel na feel ko yung mga subject na yan XD Magaling naman ako sa mga yan eh, charot!

4. ADIK SA PINK - Gaya nga ng bias kong si Ppanyang, pink monster rin ako. Tignan nyo! Bias ko si Irene sa Red Velvet XD Pag ako nakakita ng something pink, asahan nyo, hihinto ako at kulang nalang tumulo ang laway ko.

5. MALAWAK MASYADO ANG IMAHINASYON - Sa sobrang lawak ay kasing lawak na ng Pacific Ocean, di joke! Kaya nga ang dami kong mga stories eh! Marami pa akong sinusulat na hindi ko pa pinapublish at marami pa akong naiisip na hindi ko pa nasusulat eh.

6. MAHIYAIN XD - Di man halata, pero ganto ako sa personal. Hindi ko tuloy malabas ang hidden talent ko (Meron ba ko nun? XD)

7. MADALDAL SA INTERNET - Sa net lang po. Pero pag sa school, ako ay dakilang tahimik. Pero dumadami ang bunganga ko pag kasama ang aking mga barkada XD

8. DAKILANG ADIK SA EXO - Pag ako may kakwentuhan tungkol sa EXO, asahan nyo, aatakihin na naman ako ng pagka-fangirl! Magtititili ako magisa XD Nagiipon pa nga ako sa alkansya kong may nakasulat na 'F.E.O (For Exo Only)'

9. NANGHAHAWA - Naku! Basahin nyo muna to bago nyo husgahan ang salitang 'Nanghahawa' Ibig kong sabihin, nanghahawa ako ng EXO-L Syndrome XD Tingnan nyo, naging fanboy na ang kaibigan ko at si Luhan pa ang bias XD Halos lahat ng barakada ko ay akong ang nanghawa. Nakinood lang sila sakin ng EXO nahawa narin eh. Kaya nga ang lakas ko daw makahawa XD

10. MAHILIG SUMAYAW AT KUMANTA - Di man siguro maganda ang boses ko at di man siguro ako magaling sumayaw, hilig ko yan. Kaya nga gusto ko maging isang idol eh. Pag ako may namemorize na kanta, asahan nyo, paulit-ulit yun XD

11. FRIENDLY - Yan ako. Kaya nga minsa feeling close ako eh XD Kahit hindi kami close makiki-chika ako at makiki-tawa XD

12. MAHILIG SA ASO - Lalu na pag cute! Naku! Kung hindi lang talaga masama ay ninakaw ko na yung mga cute na aso XD Gusto ko ngang magalaga ng marami eh. Tuwang-tuwa tuloy ako sa aso ng SNSD at sa aso ng EXO.

13. DAKILANG MAHAL NA MAHAL SI KAI AT LUHAN - Mahal na mahal ko po ang dalawang yan. Dati si Luhan lang eh, ngayon ewan ko ba, adik na ako kay Kai XD Pag nanonood nga ako ng EXO, yung paningin ko nandyan lang sa dalawang yan. Pinanghahawakan ko rin ang 9 years age gap namin ni Kai XD 13 years na kasi pag si Luhan >3<

14. MAHILIG MAG-EDIT NG PICS - Kaya nga ako gumawa ng book cover shop eh. Kaya lang dakilang tamad din ako, kaya ganun talaga. Konting antay XD Halos mapuno na nga ang pc at itong ipad ko eh XD

15. ADIK SA GROWL - Hanggang ngayon. Adik na adik ako jan! Yan yung pinaka favorite kong Exo mv eh! Yan din ang favorite ng mga nahawaan ko XD

16. MATAMPUHIN - Sorry pero ganyan si ako. Sa personal. Once na nagbubulungan ang mga barkada ko at hindi ako sinasali, asahan mo, di ko sila papansinin. Ayoko rin nung parang wala ako sa kanila, yung para bang di lang nila ako nakikita. Medyo sensitive ako XD

17. MASAYAHIN - Pero masayahin po ako! Lagi nga akong nakangiti eh! Minsan nga may nagtatanong sakin 'Bakit ka ngiti nang ngiti kanina?' Ang sagot ko lang, 'Lagi naman akong nakangiti eh!'

18. SHIKSHIN DIN! - Nagdadiet na ako pero di ko kaya XD Ayaw kasi akong layuan ng ref. Pero di bale, di naman ako tumataba ^_^ Pero syempre, ingat-ingat parin kasi baka tumaba!

19. GRADE 6 STUDENT - Grade 6 palang palang po ako pero dakilang byuntae XD Yung Exo po ang dahilan kung bakit kami naging byuntae eh. Pero kahit naman adik ako sa kpop, maayos parin po ang pagaaral ko.

20. TRYING HARD KOREANA XD - Trying hard lang. Gusto ko kasi talagang pagaralan ang Korean! Pero loyal naman ako sa bansa natin ^_^ Basta, gusto ko talagang makapunta ng Korea! I wanna eat korean food :D

------

Gawa rin po kayo! Sorry kung dinamay ko pa kayo XD

Tagged :

@Lufany_SNEXO

@yultijeti

@Lufany_07

@chakadotcom

@imperfectice_

One Meeting 2 (EXOSHIDAE) [COMPLETED]Where stories live. Discover now