CHAPTER 10

61 3 0
                                    

CHAPTER 10
 
 

 
Apolonia Melissa’s POV

I got discharged from the hospital that day, dahil hindi naman daw ako kailangang e admit. And after that Calvin never left my side.

Tahimik ang buong byahe. Hindi ko alam kung saan kami pupunta ni Calvin ngayon, when I asked him he just smiled and told me that I'll love the place kaya hindi naako muling nagtanong at hinayaan lang sya.

Buong byahe ay nakahawak ang isa nyang kamay saakin na para bang tatakas ako kung bibitawan nya ako. I slept in the car, nagising lang ako nang mahina nyang tinapik ang balikat ko.

"Hon, nandito na tayo," Napamulat ako at sumalubong saakin ang maaliwalas nyang mukha, napangiti ako kasabay ng sakit na dumaan sa puso ko.

Lumabas sya sa kotse at umikot upang pagbuksan ako, inalalayan nya ako palabas.

Nang ilibot ko ang tingin sa paligid ay namangha ako sa nakikita. Hindi ko alam kung epekto ba ito ng pagbubuntis ko kung kaya't ramdam ko ang paglandas ng luha sa mukha ko.

Sa gilid ng two storey rest house nya pinarada ang kotse at sa harap nito ay may hindi kalakhang ilog na umaagos na sobrang napakagandang pakinggan. Puno ng rosas ang bawat gilid na syang nagsisilbing bakuran ng bahay.

Under the huge tree was a Bench and a wooden table placed in front of it.

I stopped scanning the place when I felt Calvin hugging me from the back.

"Thank you, thank you for coming with me..." he whispered, napapikit ako. Dinadama ang kanyang hininga sa batok ko.

"This will be the last…" I whispered.

"I-I know, C-can I ask you a favor? C-can we go back to what we used to be? Kahit ngayon lang please." I nodded. Just for this moment, we’ll go back to what we used to be.

Hinarap nya ako sakanya at hinalikan ang noo ko bago muling niyakap ng mahigpit. niyakap ko rin sya pabalik.

Pumasok kami sa loob ng bahay na magkahawak kamay.

Ngumiti ako habang nakatingin sakanya, I'll let myself be happy for now too.

------
"Hon, wake up..."

I felt someone kissing me, napamulat ako at nakita ang nakangising mukha nya. tinampal ko ang labi nyang hahalik na naman, napanguso sya kaya natawa nalang ako.

Nang ayaw kong umalis sa kama ay kaagad nya akong binuhat, tumatawa akong tinampal ang dibdib nya ngunit niyakap rin ang kamay sa leeg nya at inamoy amoy sya roon, ang bango ng gago.

Nagtungo kami sa kusina at nakita ang mga niluto nya.

"Dahan dahan lang Hon," tumatawang saway nya saakin.

"Ang sarap naman kasi ng luto mo!" sagot ko habang sa pagkain parin naka-focus.

"Talaga?"

"Heh! don't talk to me, I'm busy!"

Tumawa ulit sya sabay halik sa pisngi ko. Namula ang mukha ko sa ginawa nya.

We spent the days doing what we did before.

We re-watched the first movie that we watched before, read my favorite book while leaning in his chest and him, brushing and kissing me. We ate outside the house, gazed at the star, took pictures together and took a bath in the river.

This place witnessed our last moments together. His love for me and my love for him.

This place will be the keeper of our love that we’ll only stay as a memory.

Carrying The Bachelor's DaughterWhere stories live. Discover now