chapter 34

3.7K 123 1
                                    

Yssa

Naglalakad kami ngayon kasama ang mga elites dahil pupunta nga kami sa dorm nila para duon na mag dinner.

Tahimik lang ako dito sa isang gilid, habang etong si Anica nagtatanong about dun ata sa narinig niyang pinag uusapan ng mga estudyante kanina.

Hindi ako na inform na may pagka marites pala si Anica.

Akala ko kase makupad lang siya, chismosa din pala.

Hindi na ako magtataka kapag lahat na ng chismis nasagap na niya.

Nagkukwento lang si Jeremy at Jessica kay Anica ng makarating na kami sa dorm nila.

Akma na sanang bubuksan ni Jessica at pinto ng bigla itong bumukas at niluwa nito ang dalawang gwapong lalaki, yung isa kapansin pansin kase maliit eh.

"Omg! andito na nga kayo!" Sigaw naman ni Jessica.

"Wala pa kami, joke lang 'to." Pamimilosopo nung lalaki.

"Kamusta mga bro, tagal nating hindi nag kita ah." Saad ni Jerald at nakipag fist bump pa sa dalawa.

"Na miss namin kayo, akala nga namin ay magtatagal pa kayo sa mission ninyo eh." Saad ng ni Jeremy.

"Pumasok na muna kaya tayo, ano tatayo na lang tayo dito sa pinto?" Saad ni Lily habang nakataas pa ang kilay.

Natawa naman sila, at tuluyan na silang pumasok.

Dumiretso sila sa sala, pero ako?

Sa kusina ako dumiretso, may naaamoy kasi akong mabango, at alam ko ang amoy na iyon.

Carbonara.

Pagka dating ko sa kusina ay kumuha na agad ako ng pagkain habang yung iba ay naririnig ko pang nag kukwentuhan.

Tahimik lang ako na kumukha ng pagkain ng bigla na lamang may nagsalita sa gilid ko.

At pag tingin ko ay yung maliit pala na lalaki kanina.

Hindi ko naman napansin na sumunod pala siya sa akin, kung hindi pa siya nagsalita ay hindi ko pa malalaman na may kasama pala ako.

"Hindi ko akalain na may bagong madadadag sa elites at tatlo pa ha." Saad niya.

Hindi ko naman siya pinapansin at hindi ako nagsasalita dahil busy pa rin ako sa pagkuha ng pagkain.

"Anong powers mo, san ka galing?" Tanong niya.

Pero hindi ko pa rin siya pinapansin.

Nakita ko naman sa peripheral side ko na nakanguso siya habang nakatingin ngayon sa akin.

Tumingin naman na ako sa kaniya dahil tapos na rin naman na akong kumuha ng pagkain.

Natawa naman ako ng makita ko ang itsura niya dahil nga nakanguso ito na akala mo inagawan siya ng pagkain.

"Wag kang ngumuso diyan, hindi bagay sayo. Mukha kang pato." Asar ko sa kaniya.

Akala ko pa ay magagalit siya dahil sa pang aasar na ginawa ko sa kaniya pero mas lalo naman akong natawa ng inasar niya rin ako pabalik.

"Eh ikaw naman, parang pipi hmp." Saad niya.

Nakangisi lang akong nakatingin sa kaniya dahil sa inasal niya.

Parang bata.

"Para kang bata." Saad ko sa kaniya.

"Ay, sabagay mukha ka naman talagang bata. Anong grade mo naba?" Pang aasar ko pa sa kaniya.

"Aba, sumosobra ka na ha!" Saad niya.

"Oo sobra ako, sobra sa ganda. Ikaw kinulang sa height." Dagdag ko pa.

Napatawa naman ako lalo ng makita ang mukha niyang hindi makapaniwala sa mga narinig.

Naglakad na ako papunta sa sala, dala dala ang carbonara ko.

Sumunod naman siya sa akin, at naririnig ko pa na bumubulong bulong siya.

Siraulo na 'to, baka kinukulam na ko nito ah.

Nang makarating na kami sa sala ay naupo na ako at tumabi naman sa akin itong si liit.

Mukhang gulat naman sila dahil kung titingnan mo ay mukhang close na kaming dalawa.

Mukha naman kaseng mabait si liit at masarap asarin, kaya paniguradong magkakasundo kami nito.

Habang nasa sala kami ay kinu kwento lang nung isang lalaki yung mga mission na ginawa nila.

"Teka lang, daldal kayo ng daldal eh hindi pa nga namin sila kilala, baka naman gusto niyo muna kaming ipakilala sa kanila." Saad ko naman habang ngumunguya pa rin ng carbornara.

"Sorry na Yssa, nakalimutan na namin. Matagal din kasi namin talagang hindi nakita at nakasama itong dalawang 'to eh." Saad naman ni Jeremy.

"Yssa, Anica, Danica. Eto nga pala si Travis, at etong maliit na 'to ay si Vixien." Saad naman ni Lily.

"Kinagagalak ko kayong makilala." Saad naman ni Travis habang nakangiti.

"Likewise." Nakangiting saad ni Anica.

Matapos ipakilala ni Lily yung dalawa sa amin ay nagpatuloy na ulit si Travis sa pagku kwento.

Mukhang close na close talaga sila sa dalawa na 'to.

Tahimik lang akong nakikinig sa kwento ni Travis at kumakain ng bigla na lamang may isang tinidor na dumadampot sa carbonara ko.

Pagtingin ko si Vixien pala. Hindi ko naman na siya sinuway dahil hindi naman ako madamot sa pagkain no, saka magaan kase loob ko sa kaniya talaga.

Para akong nagkaroon ng nakababatang kapatid na lalaki.

Parehas naman kaming napatingin ni Vixien sa mga kasama namin ng bigla silang tumahimik.

"Bakit natahimik kayo?" Nagtatakang tanong ni Vixien.

"Ano meron?" Tanong ko rin sa kanila.

"Wala, ang cute niyo kasing tingnan dalawa." Saad naman ni Jerald.

"Oo nga, para kayong magkapatid na mukhang close na close." Dagdag pa ni Jessica.

"Kung magkapatid kami, ako ang ate at syempre si Vixien ang bunso dahil maliit eh." Pang aasar ko pa.

"Yssa naman eh!" Saad ni Vixien habang nakanguso na nakatingin sa akin.

Napatawa naman kaming lahat dahil sa inasal niyang iyon.

Para talagang bata.

"Truth hurts nga eka nila hindi ba." Dagdag ko pa.

Lalo naman kaming napatawa ng hindi na maipinta yung mukha ni Vixien.

Yung mukha niya parang gustong sumabog, pero pinipigilan niya ganon yung itsura niya ngayon.

"Huy, Yssa. Tigilan mo na si Vixien, kawawa naman kotang kota na sa pang aasar mo." Saad naman ni Anica.

"Ano ka ba, kulang pa nga eh. Parang height niya." Saad ko.

At halos mapaluha na ako sa katatawa dahil yung itsura ni Vixien, parang handa na niya akong sugurin ano mang oras.

The Last ImmortalWhere stories live. Discover now