Chapter 47

3.5K 111 5
                                    

Lucas

After umalis ni Yssa ay siya ring pagdating ng mga healers sa lugar kung nasaan si Jerald.

"Look guys! Pangatlo na si Yssa sa laban!" Excited na saad ni Jessica.

"Wow, ang galing naman ni Yssa, parang lahat kaya na niyang gawin." Namamanghang saad naman ni Louie.

"Laki sigurong gubat si Yssa, kaya magaling din sa pasikot sikot sa gubat." Natatawang saad naman ni Vixien.

"Baka siya talaga yung girlfriend ni Tarzan." Dagdag naman ni Travis habang tumatawa.

Kita mo ugali ng mga 'to. Lumalaban na nga si Yssa para sa amin, tapos eto sila nilalait pa si Yssa.

Kung andito lang si Yssa, baka kanina pa lumipad 'tobg dalawa na 'to.

"Omg! look how graceful she is." Manghang saad ni Lily.

And she's right. Kahit na tumatalon talon si Yssa sa mga puno at bato ay napakaganda pa rin niyang tingnan.

Animo'y hindi siya nahihirapan sa karera. Para bang sanay na siya sa ganoong mga bagay.

"Malapit na siyang makahabol sa first player!" Excited na saad ni Anica.

"Whoo! Go, Yssa!" Sigaw ng mga Majika Academy students.

"Kaya mo yan! Ipanalo mo ulit ang Majika Academy!" Sigaw ulit nila.

Napangiti naman ako ng palihim dahil noong una ay parang ayaw nila kay Yssa, pero ngayon sama sama silang sumusuporta kay Yssa.

Lalo pa silang napasigaw, maging ang mga elites ay napasigaw na rin dahil sa announcement ng HM.

"And now, our first player is from the Majika Academy! Wow, nag excel na siya sa archery, at ngayon lumalaban ulit ang isa sa mga representative ng Majike Academy!" Sigaw ng HM.

At napangiti na lamang ako ng makitang nakalagpas na si Yssa sa finish line at may malaki ring ngiti sa labi.

"And, the winner for our race is from Majika Academy!" Announce ng HM.

"Yes! dalawa na yung panalo natin." Natutuwang saad ni Jeremy.

Napatingin naman kami sa likod ng may marinig kaming boses.

Si Jerald pala.

"Sorry guys, kung hindi lang sana ako na sprain, edi hindi na sana kailangan ni Yssa na lumaban ulit." Nakayukong saad naman niya.

"Ano ka ba, okay lang yon. Atsaka maganda naman yung pinakita mong laban kanina." Nakangiting saad ni Vixien.

"Oo nga, atsaka okay na ba ang sprain mo?" Tanong ni Louie.

"Ah oo, kanina pa nagamot ng mga healers ang sprain ko, kaso hindi nila ako agad pinaalis dahil pinagpahinga muna nila ako." Paliwanag naman niya.

"Ang mahalaga ay ligtas ka at proud ako sayo Jerald." Nakangiting saad ni HM.

Isang ngiti lamang ang sinagot ni Jerald at naupo na rin siya sa tabi namin.

"Hey guys, where's Yssa? yari na yung race ah. Dapat nandito na siya." Nagtatakang tanong ni Anica.

"Well, baka nasa tabi tabi lang yon. O kaya bumibili ng pagkain." Saad ko naman.

For sure bumibili ng pagkain yon, for the past months ang napansin ko kay Yssa is ang takaw niya.

Parang may alagang tatlong hayop sa katawan eh. Hindi naman tumataba, kaya nagtataka rin kami kung saan napupunta yung mga kinakain niya.

The Last ImmortalWhere stories live. Discover now