(04-26-22)
Nasasakal ka na,
Yan ang sabi mo kanina.
Pang ilang argumento na'to?
Napapagod na rin ako.Masyado ba akong mapaghanap?
O masyado nang mapaglingap?
Masyado lang siguro kitang mahal,
Para sa'yo ay nakakasakal.Sige, hindi na makikipagtalo.
Sige, wala nang igigiit na punto.
Sige, hindi na magtatanong.
Sige, hindi na ako magdudugtong.Sige, wala ka nang maririnig.
Gawin na lahat ng iyong ibig.
Sige, hindi ka na babawalan.
Hindi ka na paaalalahanan.Sige, hindi na magdadamdam.
Sige, wala ng pakialam.
Sige, hindi na rin magsasabi.
Pag-aalala ay isasantabi.Sige, hanggang dito na lang.
Sobra na ang nagawa at handa nang magkulang.
Sige, hindi na mag-aalala.
Sige, bahala ka na.
![](https://img.wattpad.com/cover/39135009-288-k27841.jpg)
BINABASA MO ANG
Heart Notes...
Poetry"Some people say that you don't know what you have until you lose it, But it's not like that, I always knew what I had.. I just never thought I would lose it." -ANONYMOUS ----One of my most favorite love quote... I love literature. Specially Novels...