Liham Ng Isang Ina

19 0 0
                                    

Gusto kong subaybayan ka,
hanggat may lakas pa ako, hanggat kaya ko pa.

Gusto kong ibigay sa'yo ang lahat ngunit tila kahit anong gawin ay hindi sapat.

Marami akong gustong bilihin para sa'yo.
Damit. Laruan. Pagkain. Luho.

Oo kaya nga ako umaalis ng bahay para kumita at makabili,
Ng mga bagay na alam kong magdudulot sa'yo ng ngiti.

Ayoko sanang iwan ka sa bahay.
Gusto ko sanang kasama ka habang buhay.

Gusto ko sanang lagi kang natatanaw,
Ngunit sa'yong paghabol ay kailangang bumitaw.

Anak kailangan kong umalis.
Kung alam mo lang ang aking pagtangis.


Heart Notes...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon