Chapter 30

2.1K 54 7
                                    

Deanna's POV

Nang dumating na yung inorder ko, hinanda ko na agad iyon, para pag dating dito nina Jema at Kyla naka ready na yung pagkaen.

Habang hinihintay ko sila, nag vibrate yung phone ko.

Kinuha ko iyon at tiningnan, napakunot yung noo ko nang makita ko kung sino iyon.

Carly nanaman...

Hindi nya ba talaga ako titigilan??

Tapos na kami.. mamaya mag away kami ni Jema ng dahil sa kanya.

Muntikan ko ng mabitawan yung phone ko dahil sa gulat.

Bigla kasing pumasok si Jema..

"oh B.. nagulat ba kita?" tanong ni Jema

"a-ahh.. m-medyo B.." utal na sabi ko, ngumiti sya

"Sorry.." malambing na sabi nya, napangiti naman ako

Ang cute cute talaga. 

"B, kaen tayo.. asan na si Kyla?" tanong ko

"Wow.. nag abala ka pa B.." sabi nya

"Ano ka ba, ok lang yan.. maliit na bagay.." sabi ko

"Yiiee ang sweet sweet mo taga B.." kinikilig na sabi nya, natawa naman ako at kinurot ko sya sa ilong, pagkatapos niyakap ko sya

"Basta para sayo B, lahat gagawin ko mapasaya lang kita.. ganon kita kamahal.." sabi ko sa kanya, narinig kong natawa sya, niyakap nya din ako at tumingin sakin

"Bakit sobrang sweet mo ngayon B? may ginawa ka no?" tanong nya sakin, napanguso ako

"w-walaa.. may ginawa agad??" sabi ko habang naka pout

Napatingin kami sa pinto ng pumasok si Kyla

"Bes----ayy wow.. hindi pa ba kayo tapos sa yakapan nyo? kanina pa yan haaaa.." irap nya samin

"hahahaha, ito na.. bibitaw na.." irap sa kanya ni Jema, "inggetera.." dagdag nya pa, natawa naman ako

"Kyla, kaen tayo.. inorderan din kita.." sabi ko kay Kyla, automatic naman syang napangiti

"ayy iba.. dapat pala Deanna lagi kang nandito para libre lunch namin.." sabi ni Kyla, natawa kaming dalawa ni Jema

Habang kumakaen kami, nag kwentuhan lang kami..

"Deanna, after mag lunch aalis kana?" tanong ni Kyla sakin

"Oo eh.. babalik ako sa office" sagot ko, tumango lang si Kyla

"B ohh kaen kapa.." sabi sakin ni Jema

"Naku, mamaya tumaba ako ha.." sabi ko sa kanya, natawa naman si Jema

"Dapat lang na tumaba ka B, tingnan mo yang katawan mo.." sermon sakin ni Jema

"Bakit? sexy naman ha.. haha" sabi ko habang natatawa

"basta, kumaen ka pa.. ito oh" sabi nya sabay bigay sakin ng mga pagkaen.. "dapat kumakaen ka ng nga masusustansya" dagdag nya pa, lihim akong napangiti, nagulat ako ng bigla nya akong subuan.

"Ehemm.. respeto naman sa kumakaen.. kaharap nyo pa man din ako.." sabi ni Kyla

"Inggetera talaga.. mag jowa kana kasi.." sabi ni Jema, inirapan lang sya ni Kyla

Kumaen nalang uli kami..

Maya maya nag salita uli si Kyla

"Jema, may tanong ako sa inyong dalawa.." sabi ni Kyla

Only HopeМесто, где живут истории. Откройте их для себя