Part 43

1.7K 50 24
                                    

Deanna's POV

Ilang araw pa ang lumipas, naging busy ako sa school at sa office, palagi din kaming magka usap ni Jema kapag naka break sya at sa gabi. Katulad ngayon, magkausap uli kami, nandito ako sa condo at nag hahanda ng kakainin kong dinner, si Jema naman nag papahinga na sa room nila, kasama nya uli si Kyla sa room.

"B, namimiss na talaga kita..." sabi ko sa kanya, natawa sya

"hahah Bb ako din naman miss kita, sandali nalang ito, malapit na kaming umuwi.." sabi ni Jema

"Kailan? tatlong araw pa oh.." yamot na sabi ko

"B, hayaan mo, marami pa tayong oras na magkasama, pag balik ko dyan, pasyal tayo sa Laguna,, namimiss ko na sila ehh..." sabi ni Jema

"Sige B, kailan tayo pupunta doon?" tanong ko

"Sunday pag dating namin dyan, deretso tayo sa Laguna, wala ka namang pasok sa Monday diba?? kasi holiday?" tanong nya sakin. 

"Yup... osige, deretso tayo doon sa Laguna, namimiss  ko na din kasi si Milo, syempre pati din sila Tita at Tito, pati sila Mafe at Ate Jov.." sabi ko sa kanya, napangiti naman sya.. 

"Ayyyiie osige B, gusto mo swimming tayo sa Batangas kasama sila Mama?" tanong nya sakin, napangiti naman ako

"Magandang idea yan B.." sabi ko habang naka ngiti

"B, antok na ako..." sabi nya

"Kiss ko muna,.." sabi ko habang nakanguso, nag flying kiss naman sya.

"good night B..." sabi ko sa kanya

"good night.. I miss youu!" sabi nya

"I miss you too, I love you!"sabi ko naman

"I love you too!" sabi nya, napangiti naman ako..

ang sweet namin no?? hayyyy bakit ba kasi ang tagal ng oras?

Maya maya natapos na kaming mag usap ni Jema. 

Habang kumakaen ako, nagpapatugtog ako..

Ang ganda naman ng kantang to, kahit old na,,, nakakamiss,, ano bang chords nito?

Dali dali kong sinearch yung chords ng kanta, napangiti ako dahil madali lang pala. 

Tinapos ko na yung kinakaen ko, pagkatapos pumunta ako sa kwarto ko at kinuha yung gitara ko. 

Ilang minuto ko lang pinag aralan yung kanta, maya maya nag record na ako.. 

Nang matapos akong mag record, pinakinggan ko muna yon kung ok ba yung kanta ko, napangiti ako dahil ok naman. Dali dali kong pinasa kay Jema yung nirecord kong kanta.. 

Hinihintay kong ma seen nya yung pinasa ko, kaso ilang minuto pa hindi pa nya siniseen kaya ang ginawa ko pumasok muna ako sa CR para gawin yung night routine ko.

Pag labas ko, napangiti ako dahil may reply na si Jema, pinusuan nya yung pinasa ko sa kanya at may reply pa sya "Nice Song B.. I love you... I miss you... muaahh!" 

Nireplyan ko din sya, pagkatapos nahiga na ako, niyakap ko yung unan ni Jema habang nakangiti... 

__________

Jema's POV

Pagkatapos naming mag usap ni Deanna, pumasok ako sa CR para gawin yung night routine ko, nang matapos ako nahiga ako sa kama ko.

"Bes! good night!" sabi sakin ni Kyla

"Good night Bes!" sabi ko din sa kanya

Bago ako matulog nag check muna ako ng phone ko baka kasi may message si Deanna, at hindi nga ako nagkamali, meron syang pinasang record message sa akin kaya kinuha ko yung earphone ko at pinakinggan ko iyon..

Only HopeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon