C H A P T E R 5 : Tropa

263 9 0
                                    


Mas lalong lumalim ang gabi, kasabay nito ang pagkabuhay ng bar na ito, nagsasayawang mga neon lights kasabay ng beats, mga lasing at tila nagsasayang mga tao ang aking natatanaw kahit saan ako tumingin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Mas lalong lumalim ang gabi, kasabay nito ang pagkabuhay ng bar na ito, nagsasayawang mga neon lights kasabay ng beats, mga lasing at tila nagsasayang mga tao ang aking natatanaw kahit saan ako tumingin.

Humihigop ako ng konting beer habang nakaupo dito sa tabi ng bar counter, at nakatanaw sa gwapong Dj na nasa itaas, mas lalo siyang kumikinang sa aking paningin, tila isang art na gawa ng diyos, perfection on every move he does, bawat hawi ng buhok nito paitaas ay nakakapanglambot, paghawak sa headphone habang pinaglalaruan ang napakagandang musika.

Sa aking nararamdamang ito, ay halata namang sa kanya na ako sa simula pa lang. Hanggang ngayon parang nakahiga pa 'rin ako sa ulap ng kasiyahan, hindi ako makapaniwala na magiging kami din sa huli.

Napansin ko ang panay na pagsulyap nito sa akin, kaya tiningnan ko 'rin siya at ipinakita ang aking middle finger sa kanya, habang sinasabayan ang beat, tumawa ito at nakangiting ginawa ang kanyang trabaho.

Ako ay napangisi bago tumayo mula sa aking inuupuan, nais kong magbanyo dahil kanina pa ako naiihi, binitawan ko ang iniinom kong beer sa counter, at naglakad patungon sa banyo.

Dumiretso ako sa dulong cubicle para mas safe, pagkasara ng pinto, agad kong hinubad ang aking shorts at hinila ang aking panty pababa. I silently pee but suddenly heard some girls entering the restroom.

"Have you seen that biatch, halata namang nilandi niya lang si Dj Six kaya siya pinakasalan nito," isang matining at nakakainis na boses ng babae ang aking narinig mula sa labas, kumunot ang aking noo at tahimik kong inayos ang aking damit.

"Baka nga kinulam niya, have you seen how Dj Six look at her, mukhang in love na inlove siya sa biatch na iyon, at alam naman natin na imposibleng mangyari iyon, hindi sila bagay!!!" sambit ng isa sa kanila.

Hindi bagay, tanga pala sila malamang hindi kami bagay, tao kami at kasal kami!

"I don't believe it, I hate that woman's guts, mukhang pera lang ang habol niya kay Dj Six, diba galing sa mayaman na family si Dj Six?"

"Yeah, they own a big company if I'm right, pero don't worry bestie, halata namang wala pa silang anak, kaya pwede mo pang sulutin si Dj Six don sa biatch na iyon, you just have to flirt with Dj while his wife is away, I'm sure hihiwalayan niya ang asawa niya pag natikman ka niya," my lips parted hearing how disgusting words coming out from these young girls.

Ganito na ba ang henerasyon ngayon? Nanatili akong kalmado sa kabila ng mga sinasabi niya. Tandaan mo Justine, edukadong tao ka na at hindi ka pumapatol sa mga kagaya nilang parang walang pinag-arala—--

"Isa pa have you seen that woman's face, may mga wrinkles na," natigilan ako sa aking narinig, at lahat ng pagiging mature kong itinatak sa aking utak ay nabasag ng isang segundo.

"Anong sinabi mo!!!" sigaw ko sabay sira ng pinto sa aking harapan, "Ahh!" tili nila dahil sa gulat, kinagat ko ang ibabang labi ko, bago sila tinitigan.

BLA SERIES: Flipped in BrooklynTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon