C H A P T E R 7 : Inggit

211 3 0
                                    


Ilang linggo na ang nakalipas, pagkatapos ng hindi pagkakaintindihan na iyon, mas naging busy si Six sa trabaho, dahil nag viral ang isang video niya, kaya sobrang dinadagsa ang bar ngayon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ilang linggo na ang nakalipas, pagkatapos ng hindi pagkakaintindihan na iyon, mas naging busy si Six sa trabaho, dahil nag viral ang isang video niya, kaya sobrang dinadagsa ang bar ngayon.

Habang tumatagal, nakikita ko kung gaano siya kasaya sa mga nakakamit niya, at masaya ako dahil nakikita ko iyon, ngayon, ay nakaupo lang ako sa sofa, nakaharap sa main door ng bahay at hinihintay siyang dumating.

It's almost 3am in the morning, sabi niya kanina bago siya umalis, uuwi siya ng maaga dahil magluluto ako ng tinola, pero hanggang ngayon ay wala pa 'rin siya.

Ilang kape na ang naubos ko para lang hindi makatulog kakahintay sa kanya, isang malalim na pag buntong hininga ang aking pinakawalan bago nagtangkang tumayo at umakyat sa itaas pero bigla kong narinig ang kanyang sasakyan na paparating, so I stayed and waited for him to open the door.

Humalukipkip ako ng mapansin ang tagal niyang buksan ang pinto, hindi na 'rin ako nakatiis, ako na ang tumayo at tumuloy sa pinto para pagbuksan siya pero ang nakahandusay niyang katawan ang sumalubong sa pagbukas ko ng pinto.

Lasing na lasing ito at halatang, pinilit lang talaga niyang makauwi bago nagpadala sa alak, "Six," mahina kong sambit, "Uminom ka na naman?" tanong ko.

Humagikgik siya bago sumagot, "Six, Dick kasi inaya ako, nakapagclose siya ng deal kaya nag celebrate lang kami ng konti, Akibig," lagi na lang ganito, tuwing kasama niya ang mga kaibigan niya halos lunurin niya ang kanyang sarili sa alak.

Umiling ako at tinalikuran siya, pero hahakbang palamang ako ay bigla niyang hinawakan ang aking paa, gumapang siya ng paangat at niyakap ito. "Galit ka ba, Akibig?" tanong nito habang mamungaymungay ang kanyang mga mata dahil sa pagkalasing. "Hindi, Six," tugon ko kahit na ang totoo ay hindi ko mapigilang magalit sa mga kaibigan niya.

Hindi ko talaga sila gusto, pinapabayaan nilang magkaganito si Six. "Tumayo ka na d'yan, Six, at umakyat sa itaas," sambit ko, pero hindi siya gumalaw, napairap ako sa ere at walang choice na tinulungan siyang tumayo.

Ibinigay niya lahat ng bigat sa akin sa aming pagtayo, muntikan na kaming matumba buti na lang at napahawak ako sa gilid ng pinto. "Punyeta ka Six, inom ka ng inom!!!!" singhal ko pero hinalikan niya lang ako sa pisngi at nagsimula kaming naglakas papunta sa kwarto.

"Ang bigat mo, ahh!" sambit ko sabay hagis sa kanya sa kama, kaso hawak niya pala ang kamay ko kaya nasama akong lumipad sa kama at pumatong sa kanyang ibabaw.

"Ang baho mo, amoy kang alak, tangina," bulong ko, tatayo na sana ako, bigla niyang pinalupot ang braso sa aking bewang at ngumisi. "Saan ka pupunta?" tanong niya.

"Kukunahan ka ng damit gago," I whisper, "Wag na ganito na lang ako," he whispers and pouted, sa inis ko ay kinurot ko ang labi niya at "Hmm!" reklamo niya, at nang matanggal ang aking kamay ay bigla niya akong hinagkan.

BLA SERIES: Flipped in BrooklynTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon