Prologue

2.4K 64 12
                                    

Dalawang puntos na lang, mapapanalo na namin ang season at makakapunta sa national. Ako'y namamahinga at tinitignan ng maigi ang mga kasama, nag aantay kami matapos ang shortbreak time namin. Binigay ng manager namin ang aming tubigan, nagpasalamat at kumuha ng tuwalya sa bag ko. Pinatuyo ko ang sarili ko gamit ang tuwalya, sana makauwi na ako agad gusto ko na maligo at ayaw ko mag amoy araw pag uwi.








Habang ako'y nagmuni-muni sa upuan ko, tumabi sa akin si Coach, ''Maghanda ka na dahil alam ko kaya mo ito ipanalo at saka ililibre mo pa kami noh" sabay biro nito sa akin, Si Coach tinuturi niya kaming mga anak niya. Napatango na lang ako at ngumiti sa kanya. Pumito na si Refree at muli akong napatayo inuupuan ko. ''Remember Winner or not, you did your best" sambit pa nito. Pumasok na kami sa court, ako yung pangalawa sa maliit saaming team, pinagkakamalan pa nga akong Libero eh, pero ang role ko is Wing Spiker. Pinasa sa akin yung bola dahil kami ang mag-service. Pinatalbog ko muna yung bola at huminga ng malalim, ito talaga pangarap namin ay makapasok lang sa National.








Pumito ulit yung referee at sabay ko na pinalo ang bola, nilakasan ko talaga yung pagpalo,napunta na sa kalaban ang bola ngunit, hindi nila receive ang bola at naging service ace. Naghuddle kami ng kakampi ko. ''Galing mo Idol, match point na tayo, isa na lang panalo na tayo'' isang lowerclassman nag-compliment sa akin, nagtataka nga ako kung bakit mas matangkad pa ang mas bata sa akin, hindi siguro ako nabiyayaan ng tangkad. Bumalik kami sa position namin, this time yung yung Ace namin sa team ang magserserve.






Pinalo na niya yung bola at na receive ito ng kalaban, since nasa dulo ako kaya hindi ako masasama mag-block ng bola, yung setter ng kalaban pinasa sa malakas nilang spiker, pumunta yung Libero namin sa likod ng mga blockers, nasira nila defense namin pero hindi kami magpapatalo, na-save ng Libero namin yung bola pataas, humakbang ako ng konti patalikod, napatingin ako sa Setter namin, tumakbo at ready to spike na. Na-set sa akin yung Bola at Three Blockers ang katambalan ko, hindi ko alam kung kaya ko sirain yung depensa pero alam ko na nakasalalay sa akin yung score namin.







Napalo ko na yung bola at nasira ko ang depensa nila pero naligtas pa, bumalik ulit ako at tinitignan maigi kung sa'n pupunta ang bola. Nagparit-parito ang bola kaya hingal na hingal na ako at dumagdag pa ang pawis ko, napunta na sa amin ang bola nag set kami agad para sa Quick Attack na gagawin namin, tumalon na ako at may Three Blockers nanaman, shit hindi maganda ito, mas matangkad nga sila sa akin pero kaya kong tumalon ng mataas. Napalo ko na ang bola because it's now or never. Narinig ko tumama sa sahig ang bola, nung narinig ko iyon namulat ang mga mata ko, nasa sahig ako at hingal na hingal, pumito na ang referee at nagsihiyawan ang mga tao sa loob ng Stadium. Tuwang-tuwa ako na nakita ko ang mga kasama ko na maiyak-iyak dahil sa wakas National na kami.








Tinulungan ako tumayo ng Libero namin, nagpasalamat ako sa kanya. ''National na tayo!!'' rinig kong sigaw ng mga junior namin sa team. ''Ate, Abbi sabi ni Coach mag ayus na daw dahil malapit na awarding ceremony'' sabi ng isa pang junior namin. Dumiretso ako sa locker room namin at nagbihis. Pagpunta ko doon, dali-dali kong kinuha cellphone ko at tinawag ang kasintahan ko. 7th monthsary na namin kaya balak ko siya supresahin sa kanila, kanina nag-sent ako ng message kung manonood siya ng laro, reply niya sa akin manonood siya, tinignan ko message niya akala ko mayroon siyang Congratulations messages pero wala eh kaya nagtaka ako. 







''Baka busy siya? kasi exam na nila eh'' bulong ko sa sarili, isinamtabi ko muna ang cellphone ko at nagbihis ng malinis na damit. Pagkatapos ko magbihis at fresh na fresh na muli ako. Lumabas na ako sa locker room namin. Nagsimula na ang ceremony binigyan kami ng medals, certificates at yun trophy namin. Tinawag ako ni Coach dahil may mag-iinterview sa akin, normally yung mga tanong nila ay about sa family ko, sa paglalaro at ano ang aking susunod na gagawin kapag natapos ko ng Senior Highschool.

Unexpected Fate (Professor X Student) (GxG)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum