Chapter 11: Team Assembled

131 7 6
                                    

Day three ng fundraising event namin nandito pa rin ako sa kwarto ko at kakagising ko lang, pumunta ako sa kusina para gumawa ng agahan namin ni Theo, balak ko initin na lang yung take-out meal namin kagabi kaya ininit ko na lang, after ng ilang minuto bumangon na rin si Theo parehas lang kami bagong gising. He greeted me 'good morning' as I greeted back to him, Theo make his own morning coffee while I made my own chocolate milk. Nag-usap kami ni Theo kung paano gagawin namin sa booth ni Professor Ven, I've known him when my aunt brought me with her and my sister, he's very good at keeping things and likes to make detective games. He can outsmart us about this and that's why we need a team to help.





"By the way Abbi, have you seen Jeno? Hindi ko siya napansin kahapon tapos hindi ko nakasama nung inaya ko siya kumain sa mga booth, kagabi rin hindi natin siya nasama kumain" Tanong sa akin ni Theo, now that he questioned that saan kaya pumunta yung lalaking iyon?







"Let's call Shienna baka alam niya kung nasaan iyon" I immediately dialed Shienna's contacts on my phone. As she answered pero based by her tone kakagising niya lang.





(Ang aga-aga Abbiot naninira ka na ng araw ah) –Chismosa Koreana

(Bitter mo naman ngayon, may itatanong lang kami ni Theo) –Abbiot

(Better hurry up or I won't hesitate to punch your gay ass face) –Chismosa Koreana

(Yes ma'am noted. Napansin mo ba ngayon si Jeno hindi natin siya nakasabay kagabi at hindi na siya masyadong open sa group chat natin) –Abbiot

(Last chat namin nung inaya ko siya kumain sa labas kagabi, nag-seen naman siya at nag-reply din na hindi siya makakarating dahil nagkasakit siya pero paggaling naman siya, ayan nasabi ko na kaya iwan mo na ako masyado pang maaga para pumasok) –Chismosa Koreana

(Sige salamat Shienna may skincare pack ka ulit sa akin) –Abbiot

(Don't give my hopes up aabangan kita kapag wala iyan gripuhan ko tagiliran mo) -Chismosa Koreana

(Noted, mahal ko pa buhay ko Shienna, sige bigay ko na lang sa iyo yung pera mamaya samahan mo ako bumili) –Abbiot







Binabaan na ako ni Shienna sa telepono , isang walang hiya nga naman oh, binalik ko yung cellphone ko sa bulsa at kinuha ko na yung ininit naming almusal. Kumain muna kami ni Theo bago kami mag-ayos ng sarili, nauna sa banyo si Theo dahil mas mabilis siyang maligo kaysa sa akin. Ako na yung naghugas ng plato namin habang nauna na nga si Theo.







Pagtapos ko maghugas ng pinggan at naibalik ko na sa lalagyan, kinuha ko yung cellphone ko at nakita ko nag-reply sa akin si Jeno at sabi niya na nagkasakit siya pero babalik siya ulit bukas. Balak ko na puntahan ko kung nasan siya ngayon, wala siya sa dorm at nandoon siya sa apartment niya kaya pupuntahan ko siya mamaya. Tapos na maligo si Theo kaya ako naman yung sumunod, kinuha ko yung tuwalya ko at agad akong pumasok sa banyo.







Tapos na ako maligo at pumunta na ako sa kwarto ko para magbihis, habang nagbibihis ako may tumawag sa cellphone ko at nakita ko sa caller's ID ay yung si Coach pala iyon.







Incoming call from Coach Matt...





Buti na lang nakabihis na ako at nagpapatuyo na lang ng buhok. I accepted Coach's call and put it on speaker mode to hear it clearer.









(Abbi buti na lang na sagot mo tawag ko, kumusta na?) –Coach Matt

(Coach, ayos lang po ako dito sa University, may fundraising event po kami ngayon, kayo po kumusta na po kayo Coach at yung Volleyball team din po?) –Abbi Vergoza

Unexpected Fate (Professor X Student) (GxG)Where stories live. Discover now