KABANATA 6- Meet up

14 6 0
                                    

|Kabanata 6- Meet up|

>>>----------♡----------<<<

Kelzy's Pov

PAYAPA lamang napapikit ang aking mga mata ng biglang may pumasok sa kwarto, although tabi kami ni Bane sa kama, so alam kong siya na yun.

Niyugyog ako nito ng malakas upang magising at, "Kel, gising na. May pupuntahan pa us." Tugon nito na naiinis na.

"Ohh ano ba? Natutulog yung tao e." Saad ko na naiinis din.

"Kanina pa kita ginigising, panglima na yata 'to." Tugon ni Bane at hinatak ako paupo, kaya napadilat ako.

"What the, namamaga mata mo. Hindi ka natulog noh?" Tanong nito na nagtataka.

Napatingin ako sa kaniya na nakaligo na at naka-ayos na. "Gaano ba kaimportante yang pupuntahan natin, excited ka yata." Walang ganang saad ko.

"Puyat pa more." Tugon nito na pumapalatak pa at umiiling.

"E sa hindi nga ako makatulog e. Babangon na ako, maliligo na ako at magbibihis para hindi ka na mag-ingay diyan." Tugon ko at dali-daling bumangon at kumuha ng damit.

Sakit pa naman ng ulo ko, napuyat ako kakaisip sa mga pinagsasasabi ng baklang yun. Banat ng banat, hindi malaman kung sincere ba o trio niya lang.

Hayss ewan, saan naman kaya kami pupunta, wala kasi siyang sinabi kagabi na may lakad pala.

Ilang minuto ang lumipas at nagawa ko na lahat ng dapat gawin.

Naka-upo sa upuan si Bane sa dining area at nakahanda na ang pagkain.

"Saan pala tayo pupunta?" Bored na tanong ko.

"Meet up, kila Shiro." Tugon nito kaya napasigaw ako sa gulat.

"WHAT? SERYOSO KA BA?" Gulantang na tanong ko.

"Makasigaw naman, Ezy. Kalmahan mo, nak." Suway sa akin ni tita.

"Sorry po, nagulat lang." Tugon ko at naupo na sa tabi ni Bane.

"Seryoso ba? Ayoko nga. Hindi na dapat pang magtagpo kami ni Sebastian." Naiinis na tugon ko.

"You say that, Sevi handed you his jacket right? Edi isauli mo na rin at yun na ang huli nating pagkikitang lahat. This is our last reunion." Tugon ni Bane ng seryoso at ngumiti ng tipid.

Naalala ko naman yung jacket. I want to keep it, pero mas mabuting ibalik ko na para hindi ko na siya maalala pa.

"Fine. This is the last time." Saad ko ng seryoso at kumain na kami.

Sana lang hindi kasama yung babae niya. Reunion ng magkakaibigan 'to, kaya kapag may kasama silang babae, hay nako uuwi na lang ako.

Baneerie's Pov

NAKARATING na kami sa Linux Bar, which is malapit dito yung hinahanap ni Kel kahapon.

Magkakasama na kaming lahat, at itong si Kel ang sama-sama ng tingin. Ang taray niya ngayon, dzai, hindi ko keri.

Sinangga ko ito sa braso. "Hoy, problema mo. Kung nakakamatay lang ang tingin, patay na yang si Sevi o yung babaeng kasama niya." Tugon ko ng pabulong.

Humarap ito sa akin ng naka-pout. "Reunion, pero may ibang kasama. Kailan pa yan nasali sa kaibigan natin, tsk." Naiinis na saad nito.

May kasama ring babae si Juariz pero hindi ko na lang pinansin, dahil ayoko ng maibalik yung dati, she's with the girl na alam kong kaibigan ni Elaijah na kasama ni Sebastian.

Kaklase ko nung 1st year college si Franchesca and I know na Lawyer din ang kinukuha niya pero si Juariz kaya, Lawyer din kaya? At paano silang nagkakilala?

Ayy tanga, Lawyer nga pala ang kinuha ni Juariz, nalimutan ko agad.

Dahil ba kay Elaijah na kaklase ni Sevi?

"Huwag ka pahalata. Napapaghalataan kang nagseselos sa dalawa." Saad ko pa ng seryoso.

"I'M NOT, IT'S SO ANNOYING LANG!" Mataas na boses na saad ni Kel, na nimutan na yatang may kasama kami.

Napatingin sa kaniya ang lahat. "WHAT? TINITINGIN NIYO? BAKA YOU WANT NA DUKUTIN KO YANG MGA EYES NIYO, PSH." Saad nito na mataray at humalukipkip.

"Nakakasungit pala yung pagpunta sa ibang bansa." Nakangising tugon ni Dy. Kaya napatingin kami ni Kel sa kaniya.

"So what? Mukhang wala ka ng babae huh, nakakatanggal pala ang pambabae sa pagpunta ng ibang bansa? Kamusta naman mama mo? Bukang-bibig pa rin ba ako?" Naiinis na saad ni Kel.

Hay nako 'tong babaitang 'to. Manang-mana sa pinagmanahan.

"Babaero, kala naman kinagwapo. Eww lang sa mga lalaking madaming babae at yung madami  ng matikman. Kaya kayo diyan ingat ingat sa mga lalaking feeling fresh po hindi na pala, ha ha  hah." Sarcastic na saad ni Kel.

"Fresh pa rin ako. E ikaw fresh ka pa ba?" Natatawang tanong ni Dy.

"Siraulo!" Sigaw ni Kel kay Dy at tumayo tsaka gustong paghahampasin si Dy pero niyakap ni Nikki sa bewang si Kel at nagpupumiglas itong mabanatan si Dy.

"Iloveyou too, Sey." Nakangiting tugon ni Dy.

"WHAHAHAH gago ka, Dy. Hindi na natutuwa sa'yo si Kelzy." Natatawang saad ni Ixzy.

"Namiss mo naman masyado si Sey, kaya ganiyan mong inisin. Kala mo naman natutuwa siyang makita ka, ulol asa ka men, pft." Pigil tawang saad naman ni Jakim at binatukan si Dy.

"Punyeta ka, nabawasan kagwapuhan ko, hayp ka." Tugon ni Dy at binatukan din si Jakim.

Nakakamiss silang kasama, masaya silang kasama, yun ang totoo. Pero walang magagawa kundi mamiss na lang.

"Tama na nga yan, ingay niyo. Nagiinit na nga si Sey, sasabay niyo pa. Shut the fvck up okay?!" Seryosong tugon ni Shiro.

"Seysey, tama na bhe. Masyado ka namang hot e, palamig ka muna, ano bang problema mo?" Mahinahong tanong ni Nikki.

I wonder if ano ang kinuha nila.

Kumalma naman si Kel ng magsalita si Sevi. "You're doing scandal. Can you shut the fvck up, Sey? Nakakairita ka. Sinisira mo reunion natin." Naiinis na saad ni Sevi at masama ang tingin nito kay Kel.

Umayos ng tayo si Kel at tumingin sa akin na parang maiiyak, pero pinipigilan niya lang na huwag tumulo ang luha niya.

Kinuha ni Kel ang jacket ni Sevi na nasa upuan niya at tsaka yun hinagis sa harapan niya kung nasaan si Sevi.

"Nakakagago lang talaga 'tong tadhana na 'to. Bakit kasi kailangan pang magkita tayo, kahit anong pilit kong layo, tadhana pa rin ang gumagawa ng paraan. Nakakasawa ng makita yang pagmumukha mo, naiirita ka sa akin? Nakakairita ka rin, nakakainis ka sa lahat. Mas mabuti talaga kapag hindi kita nakikita, para hindi na ako mabaliw kakaisip sa'yo, ako yung nahihirapan. Kaya if we see each other, huwag mo akong kakausapin o kung ma-trouble man ako. Kaya ko na ang sarili ko, isipin mo na lang yang nililigawan mo. Last na talaga 'to, hindi na tayo magkikita pa. Nagpareunion pa kayo, may kasama naman pala kayo. At isa pa, bakit ba ako nandito, hindi niyo naman ako kaibigan. I'm leaving, and Bane see you later." Tugon ni Kel na mahaba at humarap sa akin tsaka tumulo ang luha at pinunasan niya yun.

Tsaka nag walk-out. "Kel naman e!" Saad ko, pero nakalayo na siya.

"Ngayon ko lang narinig na magmura yun, wow!" Manghang-manghang saad ni Dy.

Yup, ngayon lang siya nagmura.

Napatingin kaming lahat sa gawi kung saan may sumigaw. "CAN YOU LOOK ON YOUR WAY? STUPID BITCH!"

-----
please vote is really appreciated, tysm<33

Book 2: When we Collide againWhere stories live. Discover now