UNO

22 1 0
                                    

Mayer's POV

Sobrang lalim ng iniisip ko, bakasyon ngayon pero walang ganap! Maghapon nakong nakikipagtitigan sa kisame, Hay nako! Makapag-scroll na nga lang sa news feed ko. HMmm... ay bongga ng mga people nakikipagchat sa mga strangers!

"Ate! Kakain na nakatunganga ka na naman diyan, alam mo mas mabuting maglakwatsa nalang tayo sa mall kesa sinasayang mo oras mo diyan." Dire-direstong sabi  ng kating-kating gumala na kapatid ko.

"Hoy loko ka, ako pwedeng maglakwatsa kasi wala na akong ginagawa eh ikaw ba tapos mo na assignment mo? Rinig na rinig ko five minutes ago tumatagos sa volume ng headset ko yung panenermon ni mama sayo." Sabi ko naman dito.

"Edi wag! Halika na nga daw kakain na, kontrabida niyo talaga ni mama ate." Parang nalugi niyang sinara yung pinto ko habang ako tawang tawa na sumunod.

"Athena ano at nandito ka? Wala ka bang training?" Sabi ng nanay ko habang nagsasandok ng ulam sa plato niya.

"Wala po ma, medyo pinagpahinga po muna ako ni coach kasi malapit na po yung swimming tournament namin. Makakapunta po ba kayo?" Nagbabakasakaling tanong ko, kasi busy sila mama at papa sa business namin kaya most of the time di talaga kinakayang isingit ang panonood ng mga games or activities na ginagawa naming magkakapatid. Pero I understand na it's for our future rin naman, pano ba naman muntik ng mabankrupt dati ang negosyo, dahil nagkasakit si lolo at wala namang magawa si papa kung hindi magtake-over kasi hindi interesado yung mga kapatid niya at dahil na din na siya ang panganay tapos lalake pa.

"Oo anak, tamang tama at sa linggo yun noh? Nakapagclose kasi ng deal ang papa mo kaya naisipan namin magkaroon ng rest week since magsesemana santa na kaya sakto dun sa date ng tournament since sunday naman yun before naglunes santo, Yes! Excited ako!" Mahabang turan ni mama.

"Opo Ma." Masayang sagot ko naman dito.

Pagkatapos naming kumain naghugas lang ako ng pinggan since wala sila manang ngayon umuwi kasi sila kahapon ni ate martha yung isa pa namin angel dito na tumutulong sa mga gawain dito sa bahay, dahil one week before ang ang linggong ito bago magsanto-santo and it's friday today, pero pinauwi na sila ng maaga para di sila mahirapan since for sure madaming mag-uuwian dahil nga semana santa, btw baka akalain niyo mayaman kami hindi noh! Ang mga magulang ko lang, pinalaki kasi kaming magkakapatid na dapat pinaghihirapan ang mga bagay na nakukuha kaya yung magandang buhay na ito ay hindi din namin pwedeng ituring na balewala lang kasi in the first place ay hindi naman kami ang naghirap para dito,although siyempre mga anak nila kami kaya we do have certain benefits, such as living in a good environment and more, but we should not take them for granted so that we can stand on our own someday and not have to rely on others hehe.

So yun nga after ko maglinis at mag ayos sa kusina umakyat nako para tumunganga ulit, pero naisipan kong i-try yung omegle wala naman sigurong masamang subukan. So yun tinype ko na yung omegle sa chrome and so far.... ANG BABASTOS! ng mga nakakausap ko mapapa juskolord! ka nalang talaga mga tao ngayon lahat na ginagawan ng malisya para mapunan yung mga pansariling kagustuhan. Isa na lang talaga ayoko na suko nako dahil sawa na ako sa mga nasasaksihan kong kabastusan. Hmm... ano kayang pwede code, well     Ilo Ilo siguro, I heard very sweet ang mga tao doon malay ko naman wih! HAHAHA. Ayy eto na!

You're chatting with a random stranger on Omegle!...

💫💫💫

Hello there! My everlastings I hope you enjoyed reading this chapter, don't forget to vote or even leave some of your thoughts in the comment section💫.

PLAGIARISM IS A CRIME

Photos ctto

-Éternelle

My Sweet Ilonggo Guy⚓Where stories live. Discover now