Aish_DZS
Ako si Aish, pangalan ko sa isang pekeng mundo o mas kilala sa tawag na Role Play World (RPW).
Hindi ko alam kung anong meron sa mundong ito ngunit pinasok ko pa rin. At bakit? Dahil pagod na ako kakaintindi sa buhay sa totoong mundo na parang peke lang din.
Dahil nga nagkaroon ng sakuna, naalala ko ang Role Play Account (RPA) ko. Muli akong nakisabay sa takbo ng panahon dito, nagkaroon ng mga bagong kaibigan, sumaya, nalungkot, at sa hindi inaasahan ay nabigo ako. Nabigo ako sa pagsunod sa mahiwagang kautusan o batas.
Hindi ko inaasahang mahuhulog ang loob ko sa aking co-rp'er (tawag sa mga kapwa role player). Wala akong kamuang-muang sa isang relasyon ngunit nakipagsapalaran ako. Alam kong pekeng mundo lamang ito, pero wala akong magagawa dahil nangyari na, nahulog na ang loob ko at mahal ko na rin.
Sabi nga nila, "kapag na hulog ka, talo ka". Ngunit sabi ko, "kapag na hulog ka, na hulog ka."
Na hulog ang loob ko sa kaniya, anong magagawa ko? Panindigan ko na lang kesa pagsisihan ko sa huli. Alam kong ang mahalin siya sa isang pekeng mundo ay isa sa pinakamalaking pagkakamaling gagawin ko, ngunit hindi ko ito pagsisisihan.
Halina't pasukin natin ang Role Play World sa Wattpad World.
Ps; real story of me.
@Aish_DZS