[ 50 ] When you miss him

63 6 1
                                    

Mandy's P.O.V

Ano kayang ginagawa nya ngayon?

Tanong ko sa isip. Ang aga aga 'kong nagising para pumasok pero magaa din naman akong natapos sa pag aayos sa sarili.

Nakatingin lang ako sa araw na papasikat pa lamang.

Masyado ba 'kong maagang nagising? O hindi lang talaga 'ko nakatulog kakaisip sakanya. Binalingan ko si Duke na buhat buhat ko gamit ang bisig.

"Ano kayang ginagawa nya?" Tanong ko sa asong tulog. Wala akong narinig na sagot mula sakanya ay napasampal ako sa noo.

Gago sino ba namang kakausap sa aso?! At mag taka ka kung sumagot 'yan.

Pero seryoso na kakabaliw ang hindi makita si Kurt. Napalingon ako kay Kuya ng pumasok siya sa balcony ng kwarto nya. May hawak siyang laptop, na sakanya, ka face time niya si Ate Lian.

Umatras ako sa gilid para hindi ako masama sa face time.

"Hi, good morning love kumain kana?" Tanong ni Kuya. Nakaupo na siya ngayon at nakapatong ang laptop sa lamesang maliit. Mini table.

"Good morning love. Ah yes kumain na 'ko ikaw?" Sagot ni Ate Lian.

Sana all!

"Hindi pa, kape lang." Sagot ni Kuya.

Akala ko naman sasabihin nya kumain na siya kahit hindi pa.

"Si Mandy pala? Kamusta?" Biglang tanong ni Ate Lian. Napakunot ang noo ko.

Bakit bigla 'kong nadadamay dito?!

"Ayon, nahuli kong tulala." Tumawa si Kuya.

Hoy! Hindi 'yon totoo huwag kayong maniwala diyan.

"Hahahaha ganyan talaga kapag di nakikita ang love of her life niya." Tumawa si Ate.

Pano nalaman ni Ate Lian na may feelings ako kay Kurt—mukhang chinismis ni Kuya! Ah oo nga pala kapatid nga pala si Ate Lian si Rendell

"Ganyan din ako love kapag di ka na kikita." Biglang banat ni Kuya. Nagkunwari naman akong nasusuka, biglang gumalaw si Duke kaya mahina ko siyang nahampas sa gulat. Pero agad din siyang bumalik sa pag tulog.

"Hahahahaha ang aga aga ha." Sagot ni Ate.

Pumasok na 'ko sa kwarto bago pa 'ko masuka ng tuluyan.

Bahala kayo diyan mga lover's.

——

"I miss you.. Where are you?? Can j ask you if you miss me too?"

Napalingon ako kila Harvey nakaupo ako ngayon sa upuan ni Ken nakatabi ng bintana. Kinunotan ko ng noo sila.

"I miss you, oohhh."

Kanta ni Leo, tapos nag tawanan silang lahat. Lalong kumunot ang noo 'ko

"Tangina nyo." Mura ko sakanila. Lalo silang tumawa.

"Hahahahahahahaha anong mukha 'yan Mandy?!" Humalakhak ng tawa si Mate.

Abnormal.

Still Your Number One Fan (COMPLETED) (UNEDITED)Where stories live. Discover now