Kabanata 1

218 20 1
                                    

“HINDI AKO PAPAYAG! Parang anak ko na si Chylle, Evangelina!” Rinig na rinig kong nagsisigawan sina Tatay at Nanay pagkauwi ko ng bahay. Nagtago ako sa isang malaking puno ng manga malapit sa amin upang hindi nila ako makita.

“Siya lang naman ang gusto ni Governor! Alam mo namang may malaking utang pa ako sa kanila. Paano kong ipapatay nila ako? Tayo kung di natin ibibigay sa kanila ang walang kwentang batang yan, Constacio!” Sigaw naman ni Nanay kay Tatay.

“Pero anak mo parin siya!”

“Hindi ko siya anak! Wala akong anak na kagaya niyang walang silbi. Isa siyang malaking pagkakamali na habang buhay kong pinagsisihan!”

“Walang nagsabi sa 'yong magsugal ka! Kaya bakit mo idamay si Ylle ha? Oo hindi ko siya anak sa dugo pero parang anak na rin ang turing ko sa kanya.” Naiiyak na saad ni Tatay.

“Wala akong pakialam sa letseng batang yan! ” Galit na singhal ni Nanay kay Tatay at sinampal ito.

“Tang ina anong gagawin ko ha? Sinasabi ko na sayo noon na ipaampon o ipalaglag nalang natin yang walang kwentang babaeng yan noong sanggol pa lamang! Isang gabi lang naman siyang kakailanganin ni Gov then pagkatapos 'non bayad na ang utang ko at dagdag pa ng dalawang milyong piso ang ibinigay niya sa'tin. Mayaman na tayo, Constancio mabibili na natin ang lahat ng gusto nating bilhin.”

Napaluha ako nang marinig ang sinabi niya.

Nay ano bang kasalanan ko sayo bakit hanggang ngayon ay hindi mo parin akong ituring na anak?

“Hinding-hindi ako papayag, Evangelina! Magkipagkamatayan muna ako sa kanila! Hindi ko hahayaang ipagpapalit mo ang anak ko sa putang inang pera na yan! Hinding hindi ako papayag na si Hazel ang gagawin mong pambayad sa Gobernador! Kasalanan mo! Sana kung naging kontento ka lang  sa buhay natin hindi sana tayo aabot sa ganito! ” Gigil na turan ni Tatay.

“Papatayin nila tayo, Constancio! Di ka ba nag-iisip?! Wala ka ng magagawa kahit gustuhin mo man o hindi. Kukunin nang Gobernador ang babaeng yan!”

Nay kahit isang porsyento ng pagmamahal mo sa'kin wala na ba talaga?

Sumikip ang dibdib ko habang naglalakad papalayo sa bahay. 

Napangiti na lamang ako maalala ang laging saad sa akin ni Tatay Constancio noon sa akin.

“Kahit hindi kita ka dugo. Mamahalin kita at ituturing na anak, Ylle . Lagi mong tatandaan kahit itaboy ka ng Nanay mo, nandito lang si Tatay mamahalin, aalagaan at kukupkupin kita magiging masaya tayo” Tatay Constacio smiled flashed on my mind.

Sana nga Tay ay tatanggapin na ako ni Nanay bilang anak niya kaso mukhang nanaginip lang ako ng gising.

Sarili kong Ina na akala ko noon ay mamahalin at aalagaan ako, pero maling-mali pala...naiingit ako sa ibang mga anak na katulad ko na may masasayang pamilya sana gusto ko rin na sana'y tanggapin at mahalin din ako ni Nanay...

______________

“WALA na ang anak ko rito! Umalis na kayo!” Kumalabog ang dibdib ko habang pabilis ng pabilis ang lakad ko pauwi ng bahay.

“Ilabas niyo ang babae o papatayin ko kayo? Bilis! Tingnan nyong maiigi ang buong bahay! ” Kinilabutan ako sa narinig. Sinubukan kong humanap ng mapagtataguan sa likod ng bahay namin upang hindi nila ako makita.

“Wala rito ang anak ko!”

'Anak' sa unang pagkakataon ay tinawag akong anak ng Nanay ko...

“Putang ina! Ginagago mo ba ako, Evangelina?!  ” Tinakpan ko ang aking bibig upang mapigilan ang paghikbi. Nang sampalin ng lalaki ang pisngi ni Nanay.

Nanginginig ang buong katawan ko ng makitang tinitukan ng lalaki ang noo ni Tatay.

“Babayaran ka namin! H'wag mong galawin ang mag-ina ko! Parang awa mo na!”

“Tay...N-nay”  Nanlaki ang mga mata ni Nanay ng makita akong aakmang papasok na sana sa kusina namin. Kaagad siyang umiling-iling at tila ba ipinahiwatig nyang huwag akong pumasok.

“A-anak...patawarin mo ang nanay..mahal na mahal ka namin ng tatay mo. Magtago ka sa banyo bilisan mo” 

“N-nay ayoko po! Dito lang po ako! Babawi ka pa sa akin diba nay? Mamasyal pa tayo ni Tatay” Mas napaluha ako ng yumuko siya.

“M-magtago ka na anak...hanapin mo ang totoo mong ama...nakatago ang birth certificate mo sa malaking kaban ng kwarto namin ng Tatay mo. Mag-iingat ka...” She said slowly and smiled.

Nang magsilabasan ang mga armadong lalaki sa bahay namin ay kaagad akong tumakbo at nagtago sa maliit at nakatagong banyo namin at nilocked iyon.

‘P-papa God...P-please..Help us...’

May kaunting butas ang banyo namin kaya dahan-dahan kong inilapit ang mata ko roon upang tingnan ang nasa labas.

Nakita kong lumalaban si Tatay kahit pahina na nang pahina ang katawan niya.

“Gobernador! Tumakas na ang babae! ” Malakas na napamura ang lalaki muntikan na akong mapasigaw ng barilin ang lalaki sina nanay at tatay na ngayon ay tumatakbo papalayo.

Isang malakas na tama ng baril ang aking narinig nang tuluyan nang bumagsak at kumalat ang dugo mula sa katawan ni Nanay.

“Evangelina! Hindi!” Masaganang tumulo ang luha mula sa aking nga mata.

“Evangelina! Gumising ka! Di magandang biro to Ange! Parang-awa mo na gumising ka kailangan ka pa ng anak natin.” Tatay cried loudly.

Sinubukan niyang gisingin si Nanay pero hindi na muling ibinuka ni Nanay ang kanyang mga mata.

“Ikaw naman ang isusunod ko. Tutal ayaw niyong ibigay ang babae kaya mas mabuti nalang na papatayin ko na kayong dalawa” Nakakalokong ngumisi ang lalaki.

“Hindi mo makikita ang anak ko! H-hinding hindi ko ibibigay si Chylle kahit pa patayin mo ako! Maghihiganti siya! Magbabayad kayo sa ginawa niyo sa pamilya namin! ” Matigas na sabi ni Tatay habang pilit na niyayakap ang malamig na bangkay ni Nanay.

Binuksan ko ng kaunti ang banyo upang tingnan ng malinaw si Tatay na ngayon ay nakangiting nakatingin din sa akin.

“Mahal na mahal ka namin ng Nanay mo,Anak...”

Mahinang bulong niya bago ngumiti sa akin.
Mabilis akong napailing-iling nang makita ang dalawang bala ng baril ang tumama sa tyan ni Tatay bago siya tuluyang bumagsak kasama si Nanay.

The Ceo's Hidden Mistress (Ceo Series #7)Where stories live. Discover now