Kabanata 2

153 12 4
                                    

"AYON SIYA! Habulin at posasan nyo ang babaeng yan!" Kagad akong kinabahan ng may dumating na patrol ng mga pulis. 

"Wala akong g-ginawang kasalanan.. k-kailangan ako ng Tatay at Nanay ko! Bitawan nyo ako. " Pilit ko mang magpumiglas pero huli na ng posasan na nila ako.



"Mamamatay tao ka! Hayop ka! Wala kang utang na loob! Pinatay mo ang sarili mong ina at ama mo! Demonyo ka! " Napaiyak ako ng sabunutan ako ni Tiyo Tansyo kapatid ni Tatay Constancio at marahas na hinila ang buhok ko. 



"Mabubulok ka sa kulungang hayop ka! Mamatay tao! Walang silbi! "

***


"CHYLLE HIJA! Are you done? Late na tayo oh! Malalagot na naman tayo nito kay Ser!" i heard Tita Portiana shouted.



"Papunta na po, Tita!" Paglabas ko ng bahay ay nadatnan kong nakasimangot ang mukha ni Tita at tila ba stress na stress na itong naghihintay sa akin.



"Nagpapaganda pa ata para mag pansin ng bagong ceo tsk tsk mga kabataan talaga ngayon puro landi lang ang alam." Tumaas ang kilay ko sa narinig na sabi ng walang hiyang kapitbahay namin.







"Aba'y ang kapal naman ng mukha mong pagsalitaan ng ganyan tong pamangkin ko ha? Sabihin mo nalang kasi na naiingit ka kasi mas maganda at maputi tong pamangkin ko kahit walang make up. Eh yung anak mo? Ang daming kolorete sa mukha at mukhang maluwag na"    



Irap pa nito sa matanda at iniwan itong nanginginig sa galit.



 Kinaladkad ako papasok sa tricycle namin at nagsimula na siyang magmaneho papunta sa kompanyang pinagtatrabahuhan naming dalawa.



Dating artista ang Tita ko siya ang bunsong kapatid ni Nanay. 



Nagresign siya sa showbiz sa kadahilanang napagbintangan siyang ninakaw ang mga mamahaling alahas ng isa sa mga sikat na business tycon na si Jensie Dimacapili. 



Ang dating humahanga sa kanya noon ay parang bula na biglang naglaho. Pinakulong siya nito ng mahigit 5 taon sa kulungan. 



Halos hindi na namin siya kilala dahil sa mga pasa at sugat niya sa katawan ng dalawin namin siya.



"Evangelina parang awa mo na..ilabas mo na ako rito hindi ko na kaya." Humagulhol na wika nito habang nagmamakaawang nakatingin sa amin.





"Susubukan ko, hahanap ako ng paraan Portiana. Diba'y may boyprend kang abogado at mapera? Bakit hindi ko siya nakitang dumalaw sayo dito?" naalala kong tanong ni Nanay ni kanya. Hindi sumagot si Tiya Portiana nanatili siyang malungkot na nakatingin sa akin.



"Hindi naging kami Evangelina. Walang namamagitan sa aming dalawa." Naguguluhang tumingin si Tatay Constancio sa kanya.

"Kung ganoon, bakit lagi kayong magkasama at parang mag shota kung umasta, Tiana?" 



"K-kuya Constancio--"



"Sinaktan ka ba ng lalaking yon, Tiana?" Napakuyom ang kamao ni Tatay.



"Ayos lang naman po ako hindi niya naman po ako sinak--" Malakas na hinampas ni Tatay ang mesa dahilan para mapayuko si Tiya Portiana.



"Kahit na! Ituro mo sa akin ang address, Portiana." Aakmang tatayo na sana siya ng pigilan siya ni Nanay.



"Tama na, Constancio. Wala rin naman tayong mapapala kung pupuntahan natin sila" Suhestyon ni Nanay kaya pilit na ikinalma ni Tatay ang sarili at napatingin naman ito sa akin.



"Ylle anak, kung mag-aasawa ka na o mag jo-jowa pumili ka ng matinong lalaki ha. Ayokong masaktan ang prinsesa ko." Payo pa nito at hinaplos ang aking buhok. Nakangiti akong tumango. 



"Oo naman Tay-- Huwag mo ng aalahanin ang batang iyan Tancio. Sigurado naman akong walang magtatangkang manligaw sa katulad niyang ang pangit nanga wala pang respeto." 





"Evangelina! Ate!" Rinig kong magkasabay na suway sa kanya nina Tatay Constancio at Ate Portiana. Pilit akong ngumiti.





"Wala pong kaso sakin yon, Tay at Ate. Totoo naman po ang sinabi sa akin ni Nanay. Uuwi na po muna ako sa bahay may aasikasuhin pa po kasi ako" 



Hindi ko na hinintay pa ang sagot nila at mabilis ng naglakad papalabas ng police station.



Nay hanggang kailan mo ba ako mapapatawad?

***


"CHYLLE hija maghunos-dili ka! Jusme ayan na yung anak ni Ser!" 

Kaagad akong napabalik sa reyalidad ng umalingawngaw ang sigaw ni Tita sa akin.



Dahilan para mapaupo ako sa sahig sa sobrang pagkagulat.



"Miss? What happen? Are you okay? "



Oh pakshet na malagkit hinawakan ng anak ni Ser ang pwet ko hindi na ako virgin!



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 29, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Ceo's Hidden Mistress (Ceo Series #7)Where stories live. Discover now