23

2.3K 49 4
                                    

Celena's POV
It's already 6 in the evening. At kagaya ng mga nagdaang araw ay marami pa ring nanonood kaya unti-unti na rin akong nasasanay.



Nakita 'ko sila Ciara na nasa harapan na ng stage kasama sila Edward. Kakausapin 'ko na lang siya mamaya tungkol sa nangyari kanina.



"Guys start na. Duet ulit kayo ni Lory, Yena." Kyle informed us.


"Hindi masabi ang nararamdaman
Di makalapit sadyang nanginginig na lang
Mga kamay na sabik sa piling mo
Ang iyong matang walang mintis sa pagtigil ng aking mundo" panimula ni Lory.



"Ako'y alipin ng pagibig mo
Handang ibigin ang isang tulad mo
Hanggat ang puso mo'y sa akin lang hindi ka na malilinlang
Ikaw ang ilaw sa dilim at ang liwanag ng mga bituin" sabay namin.



"Hindi mapakali
Hanggang tingin nalang
Bumubulong sa'yong tabi
Sadyang walang makapantay
Sa kagandahang inuukit mo sa isip ko" pagsolo 'ko. I'm singing while playing keyboard, samantalang si Lory naman ay electric guitar ang gamit. Si Kyle naman ay drums, si Ellisa ay guitar samantalang si Dani ay nasa baba dahil mamaya pa siya tutugtog.



"Ako'y alipin ng pagibig mo
Handang ibigin ang isang tulad mo
Hanggat ang puso mo'y sa akin lang hindi ka na malilinlang
Ikaw ang ilaw sa dilim at ang liwanag ng mga bituin

Oh woah
Oh woah

Ako'y alipin ng pagibig mo (alipin ng pagibig mo)
Handang ibigin ang isang tulad mo (ibigin ang isang tulad mo)
Hanggat ang puso mo'y sa akin lang hindi ka na malilinlang
Ikaw ang ilaw sa dilim at ang liwanag ng mga bituin
Ng mga bituin
Ng mga bituin
Ng mga bituin" sabay namin ni Lory habang nakatingin sa isa't isa because that's part of our band.



Natapos na rin kami kaya bumaba na ako para puntahan sila Ciara.



"Yena, I'm sorry about what happened lately. Don't worry, hiniwalayan 'ko na siya." Bungad saakin ni Edward kaya nanlaki ang mata 'ko.



"Baka naman dahil saakin kaya kayo naghiwalay ah! Okay lang naman eh." I said. Umiling naman sya.



"Balak 'ko na talaga yon dahil habang tumatagal kami, lumalabas ang totoong ugali niya. Spoiled brat kasi yon. Nung una, hindi naman siya ganon. Pero nung tumatagal, nagiging selosa." Edward said.



"Yan kasi napapala mo! Hahanap ka na lang ng babae mo, ung makitid pa utak!" Lia hissed. "Maghanap ka kasi ng matino. Pero sinong papatol sayong matino? Eh babaero ka naman. Anong pinakamatagal mong relasyon? Hulaan 'ko, three months 'no?" Tumango naman sya kaya napailing kami.



Well kilala naman kasi talaga si Edward sa school dahil parang halos lahat ng department eh may jinowa na siya. Kaya ewan 'ko ba dito kay Ciara at nag-kagusto siya kay Edward.



Nang mag-alasotso na ay umuwi na rin kami. Hinatid ako ni Prince dahil wala naman akong dalang sasakyan, pero marunong naman na ako mag-drive. Siya lang naman ang nagprepresinta na maghatid at sundo saakin.



The next day, I'm wearing a short and croptop, partnered with cardigan.



I'm excited kasi ngayon na malalaman kung sino ang Mr and Ms Intrams. Nag-text din si Enzel saakin na last competition niya na ngayon dahil ngayon din malalaman kung sino ang magiging champion sa chess competition. Habang nag-lalakad kami ni Ciara papunta sa business ad building para sunduin si Prince dahil sabay daw kaming mag-lulunch ay biglang may humablot ng buhok 'ko kaya napangiwi ako. Nagulat naman si Ciara kaya agad niyang inalis ang kamay na humablot sa buhok 'ko.



Unpredicted Marriage (Royal University Series #1)Where stories live. Discover now