5

73.9K 1.9K 353
                                    

YSABEL MARTINEZ

"Kumusta naman ang tulog mo rito?" pagtatanong ni Chester.

Saglit ko siyang tiningnan habang nililigpit ko ang mga kalat sa lamesa, habang siya naman ay maingat na tinuturukan si Getty, isang babaeng pomeranian dog na mayroong diabetes mellitus kaya kailangan itong turukan ng insulin.

Alaga ni Manang Adel si Getty, isa rin siya sa pinakamatandang naninirahan dito at siya ang nagmamay-ari ng mga repair shops.

"Okay naman po, ang sarap nga ng tulog ko kasi walang multo," biro ko kaya natawa siya.

Pero ang totoo ay halos mawalan ako ng ulirat sa takot dahil sa may narinig akong kaluskos kagabi. Akala ko ay may nagmumulto sa Vet Clinic ni Chester. Akala ko ay may nakapasok na magnanakaw, 'yon pala ay nakalabas ang isa sa mga aso sa kulungan.

Sadya talaga na may naiiwan na mga hayop sa Vet Clinic at madalas sinusundo na lang sila ng mga amo nila kinabukasan. Ang iba sa kanila ay mga walang time na kunin ang mga alaga nila sa kadahilanan na nasa trabaho pa sila.

Nag-aampon din si Chester ng mga hayop, lalo na ang mga inabandona na. Madalas nakikita lang namin sila dito sa lugar namin. Inaalagaan namin sila at naghahanap kami ng pwedeng mag-adopt sa kanila.

"Anyway, may ipapautos pala ako sa 'yo."

"Sure, ano po 'yon?"

"Hindi makakapunta si Manang Adel mamaya para kuhanin si Getty. Tumawag siya sa akin kanina, umaatake na naman daw ang arthritis niya. Wala naman daw siyang mautusan para kunin dito ang alaga niyang aso kaya naisip ko na kung pwede na ikaw na lang ang maghatid kay Getty sa bahay nila mamaya."

Tapos na rin niyang turukan ng insulin si Getty. Walang problema sa akin iyon. Wala naman akong gagawin mamaya at isa pa, trabaho ko ito.

"Walang problema. Alam ko naman kung saan nakatira si Manang Adel kaya ako na lang ang maghahatid kay Getty sa bahay nila," pagpayag ko kaya matamis siyang ngumiti at lumapit sa akin bitbit si Getty na tahimik. 

"Ako sana ang maghahatid kay Getty pero mamayang gabi na kasi ang welcome party para sa bunso kong kapatid. Kailangan din ako agad doon dahil hapon pa lang ay darating na ang mga bisita namin," aniya kaya naiintindihan ko naman siya.

"Sige po, boss. Naiintindihan ko."

Sumimangot ako nang i-pat niya ang ulo ko at bahagya pa niyang ginulo ang aking buhok. Ayaw na ayaw ko na may gumugulo sa buhok ko lalo na kapag nakatali ito. May kahabaan ang aking buhok at talagang hirap ako sa pag-aayos o pagtali sa buhok ko. Kaya minsan ay napagkakamalan akong tomboy dahil mahilig din akong magsumbrero.

"Boss naman, eh. Almost two hours ko kayang inayos ang buhok ko!"

He chuckled. "O, s'ya. Gamitin mo na lang 'yung kotse ko para ihatid si Getty mamaya. Medyo malayo-layo rin ang bahay nila at baka mahirapan ka pang makasakay kaya 'wag ka na lang mag-commute. Pagkatapos mo siyang maihatid ay dumiretso ka na agad sa Mansyon para makadalo ka rin sa party."

Binigay na niya sa akin si Getty at ang susi ng kanyang sasakyan bago siya dumiretso sa table niya para asikasuhin ang sunod niyang pasyente. Isinuksok ko lan sa bulsa ng pantalon ko ang susi para hindi ito mawala bago ko tiningnan si Getty na nakatingin lang din sa 'kin.

IDLE DESIRE 7: MARKED BY A MAFIA (R-18) ✔ [UNDER EDITING]Where stories live. Discover now