KABANATA 41

58K 1.3K 199
                                    

KABANATA 41:

Ysabel Martinez

          IT'S been three days mula nang muntik nang may masamang mangyari sa akin sa kamay ni Omar dahil sa kagagawan rin ni Criselda. Tatlong araw na rin ang nakakalipas mula nang malaman ko na pinarusahan sila ni Palermo. Pinahirapan sila at worst ay pinutol pa ang dapat putilin kila Omar at sa mga kasama niya.

Nakakaawa pero naisip ko rin na deserve din nila iyon dahil sa muntikan na nila akong pagsamantalahan. Syempre, karma na rin nila yun dahil sa ginawa nila sa ibang mga babae na kanila ring nabiktima at ginawan nila ng masama at kahalayan. Pero hindi ko akalain na may malala pa palang nangyari sa kanila lalong-lalo na kay Omar.

Dahil nabalitaan ko na lang nung isang araw mula kay Butler Giovanni na wala na si Omar. As in, patay na siya. May bumaril sa kanya sa harapan mismo ng magulang niya nung umuwi na siya sa Sicily.

Kinilabutan pa ako nang malaman ko iyon at syempre, tinanong ko mismo si Palermo kung kagagawan niya ba yun. At doon ko nalaman na hindi siya ang nag-utos na ipapatay si Omar, kundi ang kanyang Daddy. Pagbibigay warning na pala nila iyon sa lahat ng mga kaaway nila na magtatangkang kumalaban sa kanila.

Maaawa na sana ako dahil sa sinapit niya pero napag-alamanan ko na ang dami na palang nagawang krimen ang Omar na yun kaya naman tinapos na siya ng mga Lazarus para hindi na siya ulit makagawa ng kademonyohan.

But I'm glad na sa paglipas ng tatlong araw ay okay na ang lahat at bumalik na sa normal ang lahat. Dahil din sa nangyari sa akin ay halos hindi na umaalis si Palermo sa tabi ko. Kahit saan ako magpunta ay nakasunod lang siya sa akin. Bawat minuto o segundo na gagalaw ako ay bubuntot naman siya sa akin na parang isang aso.

Natatakot daw kasi siya na baka maulit yung nangyari sa akin. Hindi rin niya maiwasang sisihin ang sarili niya kung bakit napunta ako sa ganung sitwasyon. Kung sinamahan niya lang daw sana niya ako sa ladies restroom nung araw na yun, hindi daw sana ako mapapahamak at hindi ako pagtutulungan nila Criselda na dalhin sa kwartong yun.

Hindi ko naman sinisisi si Palermo sa nangyari sa akin. Wala naman talaga siyang kasalanan. Wala naman sa aming dalawa ang may gusto na mangyari yung sinapit ko sa kwartong yun. Bagkus ay nagpapasalamat pa ako dahil dumating siya at niligtas ako.

Nalaman ko na nga lang rin kahapon na siya ang bumaril kila Omar, kaya pala may masaganang dugo ang tumulo sa mga balikat nila Omar at kaya sila nagsibagsakan nung gabing iyon.

Ngayon ay nabalitaan ko na lang na tumahimik na ang mga Emerson dahil sa nangyari pati na rin sa pagkamatay ni Omar. Binantaan na rin nila Palermo ang buhay nila para sa gayun ay hindi sila makaganti sa amin. Habang si Criselda? Ewan ko sa babaeng yun kung nasaan na siya o kung buhay pa ba siya.

Ang tanging balita ko lang ay wala na rin ang negosyong pinaghirapan ng magulang niya dahil sa kagagawan ni Palermo. Bumagsak ang kanilang stocks hanggang sa nalugi na sila at naghirap. Doon ko lang narealize na iba pala magalit ang isang Palermo Lazarus. Iba pala ang kaya niyang gawin. Talagang nakakatakot ang mga Lazarus.

"Nandito na ba lahat sa bag yung mga dadalhin mo?"

Naputol ang malalim kong iniisip nang marinig ko ang malaking boses ni Palermo na nagsalita. Nilingon ko siya at nakita kong nakahanda na ang mga dadalhin naming bag na naglalaman ng mga damit at ilan naming personal na gamit. Nababakas ko rin sa gwapo niyang mukha na mas excited pa siya kaysa sa akin.

Plano kasi namin ngayong dalawa na umuwi sa Batangas dahil tumawag sa akin si papa at balak niyang doon na tumira sa dati naming inuupahan na bahay. Naisipan na rin ni papa na dito na lang siya sa bansa na magtrabaho kaysa naman na bumalik pa siya sa Saudi.

IDLE DESIRE 7: MARKED BY A MAFIA (R-18) ✔ [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon