CHAPTER 25

966 28 7
                                    

ENJOY READING, HONEYS.

ELOISSA FELT like she lost her tounge, her knees wobbled buti na lang ay nakahawak parin siya sa doorknob.

"S—sino ka?" Out of nowhere na tanong niya.

It feels so completely stranged with a bit of creepy feeling while looking at someone who looks really like you.

Napasinghap siya nang bigla na lamang siya nito tinutukan ng baril kasabay ng pag-abante nito papasok at ito na mismo ang nagsara ng pintuan, siya naman ay paatras na naglakad dahil nanatili paring nakatutok sa kaniya ang baril.

"B—akit mo ito ginagawa?" Natatakot na tanong ni Eloissa.

Gustuhin mang maging matapang ni Eloissa pero sa mga oras na iyon ay hindi niya magawa lalo pa't alam niyang may isa pa siyang buhay na dapat protektahan bukod sa sarili niya.

"You are enjoying your stay here, huh?" The woman said mocking her.

Even their voice are clearly the same. Just how could it happened?

"Anong balak mong gawin?" Nagtatapang-tapang tanong ni Eloissa. Itinago niya sa likod ang nanginginig na kamao.

Ngumisi ito sa kaniya. "Taking back what is mine," saad nito.

Bago pa man siya makapag-salita pa ay hinampas nito ang ulo niya gamit ang pistol na hawak nito dahilan para manlabo ang paningin niya hanggang sa mandilim iyon.

"No.." Eloissa weakly muttered before darkness ate all her conciousness.

NANG MAGISING si Eloissa ay naka-upo siya sa isang mono-block chair at nakagapos ang katawan. May kadiliman ang kinaroroonan niya dahilan para mas lalo siyang mangilabot sa takot. Wala na siyang matandaang nangyari pagkatapos niyang mawalan ng malay.

Tahimik niyang ipinikit ang mga mata at pinakiramdaman ang bawat paligid. Hindi naman nagtagal magmula no'ng magising siya at ang mahabang katahimikan ay binisag ng mga pagtunog ng bawat ng hakbang ng isang tao. Palapit iyon ng palapit sa pandinig niya kaya alam niyang anumang minuto ay may tao nang lalapit sa kaniya. At hindi siya nagkamali, makalipas ang ilang minutong paghihintay ay nakatayo na sa harapan niya ang babaeng kamukhang-kamukha niya.

"Sino ka ba talaga!?" Nakatiim-bagang na tanong ni Eloissa sa babaeng kaharap.

Ngumisi ito sa kaniya. "My name is Eloissa, we're cousins."

Pansamantalang nablangko ang utak ni Eloissa sa narinig. "Cousins?" Mahinang bulong niya sa sarili. Wala siyang natatandaang may pinsan siyang kaedaran niya. Napaka-imposibleng naging pinsan silang dalawa. She never met the woman infront of her.

"Sino ka ba talaga?" Pasigaw na tanong dito ni Eloissa. Hindi siya maniniwala sa mga sasabihin nito.

Nandilim ang mga mata ng babae. "I told you! We are blood-related!" The woman frustrated shouted.

"Wala akong naalala—"

The woman cut Eloissa's words immediately.  "My father is Miguel Rodriguez! I am part of Rodriguez family!" Sigaw nito kay Eloissa. More on like the woman just want to be a Rodriguez fully but couldn't do anything about it because they considered her as a illegitimate daugter.

"Then who are you? Why do you possess as me? Why did you copy my name? As far as i know, you don't have your identity." Matapang na kompronta rito ni Eloissa.

Mapaklang tumawa ang babae. "Blame my parents for not providing me a name."

Nangangatal ang labi ni Eloissa habang nakatitig sa babaeng kamukhang-kamukha niya. Nakaramdam siya ng awa para rito nang marinig ang sinabi. Nakalimutan niyang demonyo nga pala ang tito Miguel niya. Pero hindi niya maisip na kahit ang anak nito ay magagawa nitong itago at baguhin ang pagkatao.

Chasing Her (Dark Series book 3)Where stories live. Discover now