CHAPTER 11

56 9 5
                                    

Max Pov.

Ngayon ay kumakain kami ng inorder ni Sir. Mirrem. Nakatingin lang ako sa labas dahil tapos naman na akong kumain.  At iniisip ko pa rin kung paanong nalaman niya na nagsinungaling ako sa kaniya.

Hindi ko talaga alam paano niya nalaman pero may hula na ako kung sinong nagsabi. Isang tao lang naman ang nakakaalam na pupunta ako ng Robinsons, e. Sino pa ba? Edi yung bestie kong koreana.

Ay oo nga pala, magkikita kami ngayon para gumawa ng ice candy! Baka nando'n na yun ngayon sa bahay, tss. Kung bakit ngayon pa kasi nag-inarte tong isip batang cutie prof na 'to, e. Di niya ba alam pag ginagawa niya 'yan, mas lumalaki yung tiyansang mahulog ako sa kaniya. Parang timang lang. Wala naman sa usapan namin yung ganito, e. Pero, wala rin akong magawa dahil di ko alam liko ng bituka niya at baka bigla niya akong ibagsak. Please, help me!

Tanggap ko rin naman na may mali ako, e. Mali namang magsinungaling talaga. Kahit ako, e. If ever, may magsinungaling sa'kin, magagalit din ako. Pero kase, di man lang niya pinalagpas kahit isang araw. Talagang sinadyang mag-grocery sa Robinsons para kumprontahin ako at pagpaliwanagin. Tas may pa-ganito pa! abnoy na tunay din, e.

"Baby, tapos na ako." Biglang sambit niya at nawala ako sa iniisip ko at bumaling sa kaniya. Pesteng baby na 'yan, wala naman akong sinabing gawin namin 'yan sa public, e. Pero bahala na, gwapo naman siya, e. charot.  Pero, ayoko pa rin dahil baka mafall ako, kaya bawal 'yan.

Tinignan ko lang naman siya at tinaasan niya ako ng kilay na animo'y naghihintay siya sa paliwanag ko. Tumikhim naman muna ako bago nagsalita. Pinunasan niya pa ng tissue ang bibig niya habang nakatingin sa akin.

"Okay, eto na.. Kaya ako nagsinungaling sa'yo.. kase palusot ko 'yun para hindi mo ako isama sa mga ganito," tugon ko at yumuko dahil medyo kinakabahan ako sa sasabihin ko. Bahala na, atlis malalaman niya yung rason ko kahit medyo nakakahiya, lol.

"Bakit? Ayaw mo ba?" tanong niya pa na tila nalilito. Napapikit pa ako at napabuga bago siya tignan at sumagot. "Hindi naman sa ayaw ko, pero kasi..maliban sa wala 'to sa usapan. Hindi ka rin dapat masanay na ganito tayo at gano'n din ako," tugon ko at tinignan niya ako na animo'y naguguluhan siya.

"What do you mean?" tanong pa niya at nag-iwas tingin muna ako bago ko ito ibinalik at sumagot. "Ang ibig kong sabihin..wala namang laman at kahulugan yung callsign natin diba? Pero, yung mga ginagawa natin ay para na tayong nasa loob ng isang relasyon. Kagaya na lang nito, hindi naman tayo mag-jowa pero sobrang napapadalas yung ganitong eksena na tayo lang ang magkasama, tas para pa tayong binudburan ng asukal sa sobrang tamis." paliwanag ko at nag-iwas tingin pa siya at ibinalik din naman agad. At bakas do'n na hindi niya nagustuhan ang sinabi ko, masyadong malamig ang eskpresyon niya.

"So, sinasabi mong ihinto natin yung ganito?" blanko ang ekspresyon na tanong niya pa. Bumuntong hininga pa ako bago sumagot. "Oo, kase hindi naman talaga natin 'to dapat ginagawa, e..At saka natatakot akong pag hinayaan lang kitang gawin 'to, biglaan na lang akong mahulog sa'yo. S'yempre, tao lang ako, e. At hindi malabong pag nagpatuloy tong ganito, mahulog na ako nang tuluyan at magkagusto na ako sayo." tugon ko at humigop ng hininga matapos. Hiningal ako dun, ah. Nakakapagod pala magpaliwanag, tss. Hindi na talaga 'to maulit dapat, ay mali! hindi na talaga 'to mauulit.

"Okay, naiintindihan ko.. Naiintindihan ko na ayaw mo sa ganito," aniya at ngumiti ng tipid at nag-iwas tingin. Matapos no'n ay nabalot kami ng katahimikan at tanging ingay na lang sa loob ng Jollibee ang maririnig. Medyo awkward ang eksena at nakakahiya para sa'kin, kaya naman kahit gano'n ay pinilit kong magsalita at kausapin siya..

"Pero, hindi damay yung napag-usapan natin sa school, ah. Tumutupad naman ako sa usapan, no. At kung sakaling ka-kailanganin mo man ako, 'wag kang mag-alala. Hindi ako magdadalawang-isip na samahan ka kahit ano pa 'yan, basta ba importante at talagang kelangan mo'ko," sambit ko pa at nilingon niya ako at tila nagliwanag pa ito bago siya sumagot.

Hearts Between The Lines (ON-GOING)Where stories live. Discover now